GORGY RULA
Bukas, Oktubre 25, 2022, ay muling diringgin sa Taguig Regional Trial Court ang kasong rape na inihain ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro.
Bale pangatlong hearing na ito, ayon sa abogado ni Deniece na si Atty. Howard Calleja.
Saad niya, “Sa Tuesday ulit yung hearing. Meron na kaming dalawang hearing na natapos.
"Meron sa Tuesday, tapos meron kami sa November 7, November 10. So, titingnan natin.”
Didinggin daw muna ang petition for bail na isinumite ng kampo ni Vhong na bahagi rin sa rape case.
“We are in a bail, di ba, pinipresenta mo yung sa tingin mo para makabigay ng medyo mas malaking pagkumbinse. Yun lang. Dun muna tayo. Nandun pa lang muna tayo,” dagdag niyang pahayag.
Dahil sa kasong rape na isinampa ni Deniece laban kay Vhong, mabibigyan daw ng pagkakataon ang dating modelo na mapakinggan ang kanyang panig.
“Ever since naman, ito yung kumbaga panahon para masabi yung side niya. So, ito yung pagkakataon.
“Kasi, all the while, makikita mo trial by publicity. Mas side nila yung naririnig.
"So, ito yung pagkakataong marinig yung side niya,” saad ni Atty. Calleja nang nakapanayam ng PEP Troika nung Linggo, October 23, 2022, sa story conference ng bagong movie project na pinamagatang Oras de Peligro.
- Taguig court orders arrest of Vhong Navarro for rape; no bail recommended
- Vhong Navarro "ang bigat ng loob" matapos magpiyansa
- Kampo ni Deniece Cornejo, naiinip na sa pagra-raffle ng rape case ni Vhong Navarro
- CA orders Taguig Prosecutors to file rape, acts of lasciviousness charges vs Vhong Navarro
- Taguig prosecutors file rape case against Vhong Navarro
- Vhong Navarro camp insists Deniece Cornejo swore twice that "Mr. Navarro did not rape her"
JERRY OLEA
Dias de Peligro ba ito para kay Vhong Navarro?
Ipinauubaya natin sa husgado na timbangin ang katotohanan at katarungan sa kasong rape ni Deniece laban kay Vhong.
Bukas na may hearing sa kaso, may pa-presscon naman ang dating abogado ni Deniece na si Atty. Ferdie Topacio para sa iprinodyus nitong pelikula na Mamasapano: Now It Can Be Told.
Ang nasabing pelikula ay isa sa walong official entries ng MMFF 2022 na mag-uumpisa sa Disyembre 25, araw ng Pasko.
Saan kaya magpa-Pasko si Vhong, at ano ang naghihintay sa kanya sa pagsapit ng Bagong Taon?
NOEL FERRER
Sa kahit saan mang sitwasyon, doon lang tayo papanig sa katotohanan. Katotohanang walang bahid at walang kabig.
Sa kaso nina Vhong at Deniece, sana’y maharap nila ang isa’t isa at magkaliwanagan at makapagbagong buhay na pagkatapos.
Sana, hindi na tumagal pa ang galit at hinanakit habang may panahon pa silang ayusin ang takbo ng kanilang sari-sariling buhay. Harinawa.
