NOEL FERRER
Napakasaya at napakatotoo ang pagbabahagi ng Star For All Seasons na si Ms. Vilma Santos sa ating programang Level Up sa Radyo Katipunan ngayong Biyernes ng hapon, November 4, 2022.
Her key revelations centered on her recent bout with COVID, ang kanyang pagiging doting grandmother sa parating niyang apo (kina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Peanut), ang kanyang pagbabalik-showbiz, at ang kanyang patuloy na pagsisilbi sa ating mga kababayan.
Masaya ako na ibinunyag na ni Ate Vi ang kanyang pakikipag-usap sa ilang key personalities sa ating industriya para sa kanyang mga susunod na proyekto.
Nabanggit niyang nakipag-usap siya kay Tita Cory Vidanes ng ABS-CBN for a series of specials for TV at pelikula sa Star Cinema.
Naka-meeting din daw niya si Direk Erik Matti para sa isang mini-series at pelikula. At meron pang ikinakasa na espesyal na proyekto na sana matuloy raw with Direk Brilliante Mendoza.
Grabe, making up for lost time talaga si Ate Vi!!!
At nakakatuwa ang simpleng request niya lang na birthday at Christmas gift sa mga nagtatanong sa kanya — daster na malambot!
Kahapon, November 3, ang birthday ng Star For All Seasons.
“Kasi, dalawa lang na daster ang meron ako, baka puwede pang dagdagan. Kasi, kumportable ako dun.
"Basta medium ang size ko, pero gusto ko rin yung maluwag. Hehehe!
"Puwede na rin medyas kasi lamigin ako. Hahaha!
“But don’t get me wrong, hindi po ako nanghihingi, sapat naman na ang prayers at suporta niyo sa akin, mga Vilmanians at Vilmates. Ito’y dun lang naman sa mga nagtatanong.”
So, your wish is our command.
Happy Birthday, Ate Vi! Hahanap kami ng daster para sa iyo!!! We love you!!!
JERRY OLEA
Noon pa natin naulinigang gagawa sana sina Ate Vi at Luis ng sitcom sa ABS-CBN. Ipinagpaliban iyon nang magdalantao si Jessy.
Nagpahinga si Ate Vi sa social media dahil tinamaan siya ng COVID.
“At kilala niyo ako, sobra na akong nag-iingat sa katawan ko. Alam niyo naman sa mga katulad kong senior at '35,' kailangang careful at in moderation na rin lahat.
“Buti na lang healthy at nag-e-exercise din ako. I’m trying to eat healthy, get sunlight, living a healthy life, being happy.
"Nakakatulong iyan at plus factor iyan kapag inabot ka ng COVID.
“But it has been two months, COVID really got me. Na-anxiety ako, nagka-headache, nag-fluctuate ang BP.
"Negative na ako matagal na, ha, pero I’m still trying to get better. Still, let us take good care of ourselves.”
Cheers, Ate Vi! We love you!!!
GORGY RULA
Nakakatuwa talaga si Ate Vi.
Kinukuwento noon ng beteranang aktres na tuwing birthday niya ay tinatambakan siya ng panyong regalo, kaya nakiusap siyang stop na sa panyo.
Tiyak na duster at medyas naman ngayon ang tatambak sa kanya!
Bagay na bagay ang daster kapag nag-aalaga na siya sa kanyang magiging apo na si Peanut.
Tinatanong na nga ni Ate Vi kung gaano kadalas niyang puwedeng makuha si Peanut sa mga magulang nito. Ang sagot daw ng anak niyang si Luis, basta ba may diyamanteng hikaw na kasama pagbalik sa kanya, e, kahit araw-arawin na ang pagdalaw sa Momsie.
Ayaw niya ng lola ang itatawag sa kanya. Mas feel niya ang Momsie, di ba?
“Alam mo naman ako, napaliligiran ako ng mga barako sa bahay all my life, puro lalaki sila—si Lucky, si Ryan, at si Ralph. Outnumbered ako, kaya maganda na merong kakamping babae like Peanut,” ani Ate Vi.
Dagdag pa niya, “Sana makuha ni Peanut ang kutis, ang nose, at legs ko! Salbahe si Lucky, sabi niya, kung legs, e, di ang liit nun. Hahaha!
"Ang saya lang na aayusan ko siya with ribbons and lace and dresses. Sana siya ang sumunod sa akin, tuturuan ko rin yang umarte.
“Basta, I want Peanut, like all of my children, to have a good and productive life, a God-loving life at marunong rumespeto sa tao.”
Tiyak na laging bida sa vlog niya si Peanut. Nai-enjoy na rin kasi ni Ate Vi ang pagba-vlog at naka-500,000 subscribers na siya.
Happy birthday po, Ate Vi!