PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Liza Lorena advises young stars to be professional

Liza Lorena, itinuturing na "husband" ang pag-arte.
by PEP Troika
Published Dec 15, 2022
liza lorena family matters presscon
Liza Lorena on being an actress: “This is my life, e. This is my husband. I never got married kaya ito ang aking asawa, ang aking trabaho.”
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Mahigit limang dekada na sa local showbiz si Liza Lorena, ang ina ng aktor na si Tonton Gutierrez.

First runner-up si Liza sa Binibining Pilipinas 1966, at pinag-usapan ang pagkapili sa kanya sa pelikulang Dahil Sa Isang Bulaklak (1967) na pinagbidahan nina Charito Solis at Ric Rodrigo.

Nagwagi siyang best supporting actress sa Film Academy of the Philippines para sa Oro, Plata, Mata (1982), at sa Gawad Urian para sa Miguelito: Batang Rebelde (1985).

Nag-best actress si Liza sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 1986 para sa pelikulang Halimaw sa Banga.

Sa MMFF 2022 ay bida sila ni Noel Trinidad sa pelikulang Family Matters, na nagtatampok din kina Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, James Blanco, Nikki Valdez, JC Santos, Ina Feleo, Anna Luna, Ketchup Eusebio, Roxanne Guinoo, at Ian Pangilinan.

family matters cast

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang mai-impart ni Liza sa mga mas batang artista para tumagal din sila sa local entertainment industry?

“Una, sana maging professional,” tugon ng 73-anyos na aktres sa mediacon noong Disyembre 7, 2022, Miyerkules, sa La Breza, Mother Ignacia Avenue, Quezon City.

“Matutong mag-sorry pag late. Marunong gumalang, mag-good morning pag dumating, at maging pleasant sa lahat, sa staff and crew especially.

“Pag down ang career mo and the industry loves you, makakabalik ka, e. Pero kung hindi maganda ang ugali mo… lahat sila, gustong mawala ka na.”

Hanggang kailan siya mag-aartista?

“Ano yun, to retire? Ibig sabihin, magre-retire? Pag hindi na ako maka-memorize, sabi ko nga, dun ako magre-retire,” pahayag ni Liza.

“But as long as I can still walk and… maybe, kahit naka-wheelchair na ako, if I can still ano, I can be useful pa rin — I will work.

“This is my life, e. This is my husband. I never got married kaya ito ang aking asawa, ang aking trabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Sa totoo lang, nakakamangha ang energy ni Tita Liza. Gustung-gusto pa rin niyang magtrabaho. Ayaw niyang nababakante.

Pagkatapos ng Family Matters, diretso siya sa taping ng isang teleserye na iprinodyus ng Dreamscape. Meron pa siyang kasunod na inaayos na lang.

Matalas pa rin ang memorya niya dahil tuluy-tuloy ang kanyang trabaho, at siya pa ang nagda-drive ng kotse niya, ha?

Sobrang excited ang beteranang aktres dito sa Family Matters dahil ngayon lang siya nagbida uli at nakakasali sa MMFF. Bukod pa riyan, masaya raw ang buong set at kasundo niya ang kanyang co-actors.

Nagpapasalamat din si Tita Liza sa producer ng Cineko Productions na si Mayor Enrico Roque dahil sobrang suportado raw siya sa promo niya. Sila ang nagpu-provide ng service car para sa kanya. At kung may problema siya sa isusuot, willing si Mayor Roque mag-provide nito sa kanya.

Ilang linggo nang nakararaan ay nagkalkal na si Tita Liza sa kanyang cabinet ng mga damit na puwede niyang gamitin sa premiere night, pati sa Gabi ng Parangal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero sabi ng producer, kung wala siyang makita, ibibili nila ito ng damit para hindi na mahirapan si Tita Liza.

NOEL FERRER

Bukod sa energy, sobrang dependable actress din naman si Tita Liza Lorena kaya sobra kang maaapektuhan sa performance niya sa pelikulang Family Matters sa MMFF 2022.

Sana talaga ay tangkilikin ito ng mga tao. Tiyak makaka-identify ang marami rito. Promise!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Lorena on being an actress: “This is my life, e. This is my husband. I never got married kaya ito ang aking asawa, ang aking trabaho.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results