GORGY RULA
Nabanggit ni Ronnie Alonte sa nakaraang mediacon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry My Teacher na natutuwa siya sa mga dating kasamahan sa Hashtags at ilang kaibigan sa ABS-CBN na namamayagpag pa rin ang career kahit wala na ang Kapamilya network.
Read: Congress junks ABS-CBN franchise renewal
Napansin daw niya ang co-Hashtagas na si Luke Conde, na nag-e-endorse na ng isang underwear brand.
At ang latest namang inilunsad ngayon ng Hanford ay ang Kapamilya actor na si Joseph Marco, na siyang mag-e-endorse ng premium line of underwear at athletic line.
Sabi ni Joseph sa nakaraang press launch nito, nagpaalam siya sa mommy niya at pinayagan na raw siyang magpa-pictorial nang naka-underwear at ilalagay ito sa billboards.
Matagal na rin daw niyang wini-wish na mapabilang siya lead actors na nakikita sa ganoong billboard ad. Kaya pinaghahandaan na rin ito ng kanyang katawan.
“At this point in my life, I’m gonna go all the way,” mabilis na sagot ni Joseph nang tinanong kung may limitations pa ba siya sa isang underwear pictorial.
“I always see the billboards and, you know, as an actor and, you know, as health buff, you somehow, like, imagine, like, 'What if one day I’m gonna be that person?'
"And, you know, if you think about it and just continue to believe that things can happen, it can happen.
“Yeah, I’m very thankful, you know... and super excited to this partnership.
“Nung mga times na nakikita ko yung mga [underwear] billboard, you know, I tried to picture myself that I’m gonna be that guy one day.
“Although, I’ve had billboards, pero iba pa rin yung underwear. Everybody could see your hardwork. Walang tago dito.
“All the trainings that you do, all that discipline, it’s gonna show. So, like what I said, I’m gonna do my best...” saad ni Joseph.
NOEL FERRER
Si Ronnie Alonte naman ay handa na raw sa medyo daring roles at baka sa mga susunod na araw ay puwede na rin siyang magpa-pictorial para sa isang underwear brand.
Ayaw lang niya talagang mapabilang sa Vivamax movies. Pero open sila ni Loisa Andalio sa posibilidad na gumanap sa mas matured na na role.
Samantala, nagulat ang magkasintahang Ronnie at Loisa nang natsismis sila noong kasama sila sa Kapamilya talents na lilipat sa GMA-7. Wala raw nakarating sa kanilang ganung offer.
Read: PEP YEARENDER 2021: Stars who switched networks in 2021
“Wala naman. Hindi sa amin nakarating. Kasi katatapos lang ng namin ng Love in 40 Days. Tapos ito movie, Star Magic naman ang kausap nila dito,” pakli ni Loisa.
“Saka kung may offer man sa amin, call lang,” napapangiting sagot ni Ronnie.
Pero masaya raw siya sa mga kaibigan niyang okay pa rin ang career nung wala na sila sa ABS-CBN.
Pahayag ni Ronnie, “Happy ako sa kanila, kasi ang iba nasa Vivamax na, ang iba nasa GMA na. Happy ako na nabibigyan sila.
"Kasi nung Hashtags pa lang kami, dream na nila yun, e. Kasi nung first ako, yung medyo nabibiyaan ni God na nabigyan na mabigyan ng role na maganda.
"Tapos, sila na parang 'sana kami din mabigyan ng ganito.' So, happy ako sa nangyayari.
“Si Luke, model na ng isang underwear. Si Jon Lucas, ang ganda ng ginagawa sa GMA, di ba? Si Wilbert [Ross], si McCoy [de Leon]… si McCoy, may Metro Manila Filmfest. Si Nikko [Natividad], happy naman siya sa TikTok.”
Sabi naman ni Loisa, “May kontrata po ako sa ABS, e, baka idemanda ako. Baka nagpaparamdam lang.”
JERRY OLEA
Noong Agosto lumampas sa 4M subscribers worldwide ang Vivamax. This December, umabot na sa 5M ang subscribers nito.
Tuluy-tuloy ang pagpapalabas ng Vivamax ng bagong pelikula tuwing Biyernes. Tuwing Linggo naman ay may bagong episode ng serye na natutunghayan.
Sa Vivamax Plus naman may advance screening ng pelikula, na Director’s Cut minsan. May mga eksena sa Vivamax Plus na waley sa regular Vivamax, gaya sa Bata Pa Si Sabel.
More and more ang mga hubadero sa Vivamax, at wagi rito ang mga alaga ni Mudrakel Jojo Veloso kabilang sina Benz Sangalang, Rash Flores, Massimo Scofield, AJ Oteyza, Chadd Solano, Luke Selby, Nathan Cajucom, Elmo Elarmo, Aaron Concepcion, among others.
Rumaratsada na si Kiko Estrada sa Vivamax. Andiyan pa rin sina Sid Lucero, Jay Manalo, Sean de Guzman, Arron Villaflor, Felix Roco, Vince Rillon, Josef Elizalde, Jiad Arroyo, JC Tan, Nico Locco, at iba pa.
