JERRY OLEA
Sexier than ever sina Teejay Marquez at Miko Gallardo sa Pinoy BL series na My Story, na sequel ng My Day. Mas passionate!
“Ikaw, Miko, ano sa tingin mo?” tanong ni Teejay sa katabing si Miko noong Marso 2, 2023, Huwebes, sa Paco Park, Manila.
Tugon ni Miko, “It was different. Mas feel ko. Mas naramdaman kita! I mean, mas naramdaman ko yung eksena natin.
“Kasi iba siya, e. Like, hindi siya… I can say… hmmn, paano ba natin i-explain na walang spoiler? It’s romantic in a mature way. Pareho silang adults just making love.
“And wow! It’s something na first time kong nakita kay Teejay yun.”
Sambot ni Teejay, “First time. First time kong naibigay. Pero least, kay Miko ko naman naibigay. Sobrang dali kaeksena. Parang feeling ko, master ito. Master!”
Nagkatrabaho sina Teejay at Miko sa Season 2 ng Ben x Jim, kaya swak na agad sila sa My Story.
Read: Teejay Marquez "missing in action" in Ben x Jim second season; no Jerome Ponce-Yves Flores reunion
Sabi ni Miko, “Working with Teejay before was already fun. What more ngayon!”
Susog ni Teejay, “Saka before kami magsimula, nag-usap kami, ‘Paanong gagawin natin dito?’ Parang ako naman, sabi ko, ‘Nakapagtrabaho na tayo. Feeling ko, kaya nating pag-usapan ito. Hindi na ako kinakabahan dahil alam kong si Miko ang kasama ko!”
Friends na talaga sila?! Baka after My Story, magkaaway na sila?!
Napangiti si Teejay, “Parang walang ganun! Walang option na mag-aaway. Saka sobrang bait, sobrang alaga. Hindi lang producer ito ng palabas namin. Lahat kami, inaalagaan kami. Hindi lang ako, ha?! Buong cast, buong team. Even yung production.”
Co-producer si Miko ng My Story, kaya ibinibigay niya ang lahat ng kaya niyang ibigay sa proyekto. Ang yaman na ni Miko, nakakapag-produce?!
Si Teejay rin naman, meron nang negosyo…
“Nakapagsimula ng negosyo. Pero ito, sobrang happy ako,” saad ni Teejay.
“Ano nga ang business mo?” usisa ni Miko.
“Yung Good Skin,” tugon ni Teejay.
“Ako kasi, ang business ko, more on real estate. Mostly sa Palawan,” sey ni Miko.
Libre pa rin ipapalabas sa YouTube ang My Story. Abangan ito ngayong tag-araw!
NOEL FERRER
Yung season 2 ng ibang Pinoy BL series, hindi na sa YouTube ipinalabas. Bagkus, nag-streaming sa ibang platform at may bayad.
Sabi ni Miko, “Yeah, but for us, since na I love you, guys, I didn’t make this for money — I did this to say thank you for everything, all the support ng fans.
“I wanted to leave Sky on a good note. In a decent way na happy, happy lahat. Blast off na ito ni Sky, it’s like good-bye to the character.”
Si Sky ang karakter ni Miko sa My Day at sa sequel nito na My Story, kung saan umentra ang karakter ni Teejay na si Win.
Malalim ba ang hugot nina Sky at Win sa My Story, iyong mga nalasap nila at pinagdaanan?
“Medyo,” sabay na sagot nina Teejay at Miko.
Dagdag ni Miko, “Medyo mas malalim. Mas malalim ang season na ito.”
Sa closeness na ganito — not for money, at madaling magkagaanan ng loob, sana sina Miko at Teejay na sa totoong life. Puwede kaya?
GORGY RULA
Mula sa happy ending nina Sky (Miko Gallardo) at Ace (Aki Torres) sa My Day, paano inayos o itinawid ang istorya sa second season kung saan si Win (Teejay Marquez) na ang love interest ni Sky?
“Naitawid naman,” sambit ni Teejay.
Sabi ni Miko, “Can we spoil? Sabihin na lang natin, Sky moved on. Dun pumasok yung mga new characters like Win.”
Naiisip ba ni Miko na sana, sa My Day, meron pa siyang ginawa, o hindi sana ginawa?
Tugon ni Miko, “Wala naman. I can’t regret. It already happened, e. So I just accepted it. Same way na in-accept ng fans. Tanggap ko na rin siya. And happy naman yung mga viewers kay Sky sa first season. So I have no regrets.”
Sa Ben x Jim, ang love interest ni Teejay ay si Jerome Ponce. Baka yung fans ng kanilang tambalan, magtampo dahil na kay Miko na si Teejay?
Read: Teejay Marquez, hindi si Jerome Ponce ang unang nakahalikang aktor sa screen
Pahayag ni Teejay, “Siguro hindi naman. I mean, lahat naman, kahit yung mga followers ng first season, lahat naman sila parang, ‘Uy! Ba’t nagbago na? Ba’t ganyan?’ But most of the comments, nakikita naman namin, happy sila. Na parang, ‘O, bago ito! Bago for us!’
“Na magkatrabaho kami before ni Miko, na parang ngayon magkasama na kami as partners. Parang mabilis din naman silang mag-adapt.”
Sundot ni Miko, “I’m so surprised na tinanggap mo yung project. Kasi nung una, we cast someone else, siya yung natanggap. But then, conflict of schedule. Sabi ko, ‘OK, mag-cast tayo ng bago.’ Biglang dumating si Teejay. Ginusto niya!”
Nasaktan ba si Miko sa mga sinabi ni Ace after My Day?
Ngumiti si Miko, “I don’t know what he said so I don’t know. What you don’t know won’t hurt you anyway, so… mostly yeah, I just hear from friends. Pero OK, so what? I’m happy with my life.”
