JERRY OLEA
Gumanap si Lloyd Samartino bilang record producer na nagbigay ng break kay Rey Valera sa music industry sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera.
“Kasabay ko halos si Rey. Noong nag-uumpisa sila nina Rico J. Puno… I mean, I was a little younger, pero napapanood ko na sila sa TV,” kuwento ni Lloyd sa mediacon noong Marso 25, Sabado, sa Gloria Maris restaurant ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
Komposisyon ni Rey ang theme song ng Regal movie na Strangers in Paradise (1983) na pinagbidahan nina Lloyd, Snooky Serna, at Tom Babauta, sa direksiyon ni Lino Brocka.
Dagdag ni Lloyd, “Parang full circle na ngayon naman, e, buhay naman ni Rey Valera ang isasapelikula…
“It’s an inspiration for many people, lalo na yung mga tahimik na tao, di ba, na may talento naman pala talaga.
“They need to see somebody like Rey Valera to realize, ‘Wow, if he can do it, maybe I have a chance.’
“And I think that’s the message of the Rey Valera life story to me. And I hope the young people will patronize the older showbiz icons.
“Kasi they’ll learn a lot — in songwriting, the way you feel, kung ano yung feeling ng kanta.
“Kasi I remember, like in my mother’s case, ‘no… si Carmen Soriano. Kinakanta niya ang 'Kung Kailangan Mo Ako' because that was the time my stepfather was dying of cancer.
“And she would hum habang tulog ang stepfather ko, she would hum that song. ‘Kung kailangan ko sa oras ng iyong pag-iisa…’
“And every time she would say that in a show, talagang iyakan lahat ng mga nanonood.
“Because it was such a personal song. Kaya nga iba-iba ang epekto sa iba-ibang tao, you know.
“And I think the young people need to see that. And I hope they see this movie because it will explain to them a lot about the romance their parents had, you know, their older sister, their titas.
“Everybody fell in love in a Rey Valera song, for sure.”
Ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera na idinirek ni Joven Tan ay isa sa walong official entries ng 1st Summer MMFF (April 8-18, 2023).
Ang 1st Summer MMFF Parade of Stars ay gaganapin sa April 2, Palm Sunday. Mag-uumpisa ang parada ng 4:00 p.m. sa Villa Beatriz sa Commonwealth Avenue, Quezon, at magtatapos sa Liwasang Aurora sa loob ng Quezon Memorial Circle.
Read: Ang kuwento sa likod ng "Walang Kapalit" song ni Rey Valera
NOEL FERRER
Sang-ayon si Rey Valera sa sinabi ni Lloyd Samartino.
Pahayag ni Rey, “Tama ang sabi ni Lloyd, may mga bata diyan na kamukha ko na nerd o mga introvert na pupuwede palang makarating here, sa ganitong sitwasyon.
“At yun talagang nakikita kong magiging impact ng movie na ito ay to inspire. At minimum ay nostalgia. Yung maalala mo yung panahon na yun na bata ka pa.
“Pero sa mga kabataan ngayon pa lang, ang impact nito is inspiration… Kaya mare-realize mo lang intellectually itong movie na ito pag-uwi mo kung papaano in-execute ni Direk lahat yung mga conflicting… mga bagay na negative, positive, lightness, darkness.
“Lahat! Yung mayaman, mahirap. Yung ginawa niyang hindi sosyal na sosyal, hindi niya rin ginawang masang-masa.
“Nasa gitna lang, kung papaano ang balancing act na ginawa ni Direk dito, mapapansin niyo yun sa pelikula.
“At paglabas ninyo, meron kayong mararamdamang… ewan ko, basta may mararamdaman kayo, anything. Basta meron!
“At sabi ko nga, the most na magagawa namin dito is tingin ko, ang impact nito is maka-inspire. Minimum, meron kang maramdaman. Something, ganun.
“Iyon lang naman ang mahalaga rito. Meron kang maramdaman, at meron kang maiuwi. Take home baga. Iyon, tingin ko, achievement ni Direk yun.”
At sana, puwede na ngang makanta ni Lloyd ang kantang "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" sa kanyang girlfriend of long time na magaling na theater actress na si Adrianna Agcaoili.
Looking at Adrianna’s posts, talagang masaya at steady sila ni Lloyd na pangmatagalan na!
GORGY RULA
Maski nang usisain si Rey Valera kaugnay sa portrayal ni RK Bagatsing sa kanya, ipinagdiinan ng singer-composer na makaka-inspire ang pelikula tungkol sa kanyang buhay at musika.
Salaysay ni Rey, “Iyon ang ipinagmamalaki ko sa lahat ng nagtatanong sa akin. Panoorin niyo dahil guwapo ako dun!
“Pero hindi lang yun, palagi kong sinasabi, hindi maliit na bagay pag sinabing masuwerte itong batang ito.
“Kasi sa akin, malaking bagay yung masuwerte ka sa ganitong klaseng industriya.
“Kasi may mga bagay na dumarating sa yo na hindi mo alam kung bakit, only to realize years later on, ang laki pala nung impact na nagawa mo dun sa ginawa mo at this present moment.
“Ang ibig sabihin, maaaring hindi pa niya nare-realize yung impact na mangyayari at yung inspirasyon na maibibigay niya sa mga kabataan, lalo na yung mga… alam niyo na, may mga taong malungkutin, e.
“And marami siyang mai-inspire. Yun lang bagay na yun, at speaking of inspiration, alam niyo ba na 20 years ago, nagkatagpo yung sabihin nating aming landas ni Direk [Joven].
“Recently lang niya sinabi sa akin na napanood niya ako sa UP na nagbibigay ng kung anong lecture. Bata pa siya nun.
“And then years later, nagkita kami, meron siyang project na balak. Sabi niya sa akin, that time, na-inspire ko daw siya.
“Kaya ang sa akin, imagine-in mo, si Direk, eto na siya ngayon. Isa na siyang direktor.
"Imagine-in mo yung mai-inspire ni RK sa mga batang alam niyo na. Isang malaking bagay yan, hindi isang maliit na bagay yon.
"Maka-inspire ka ng isa, dalawa, tatlo na kabataang imbes na mag-isip ng suicide, mare-realize niya, ‘Hindi! May pag-asa pala yung ganitong klaseng landas.’
“Iyan, RK, malaking bagay yan. God will bless you for that.”
