JERRY OLEA
Nanguna agad ang pelikulang Nanahimik Ang Gabi sa Prime Top 10 in the Philippines ngayong Abril 14, 2023, Biyernes.
Kahapon, April 13, lamang nag-umpisang mag-streaming sa Prime Video ang nasabing Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 official entry na tampok sina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon Confiado.
Limang pelikulang Pilipino ang nasa talaan today ng Prime Top 10 in the Philippines.
Pang-apat ang MMFF 2022 entry ring Family Matters, at panlima ang Alempoy reunion movie na Walang KaParis.
Pangwalo ang MMFF 2022 topgrosser na Deleter, at pansampu ang Expensive Candy nina Carlo Aquino at Julia Barretto.
Ang lima pang palabas sa Prime Top 10 in the Philippines ay Jinny’s Kitchen (pangalawa), Our Blooming Youth (pangatlo), True to Love (pang-anim), The Good Doctor (pampito), at Orphan: First Kill (pansiyam).
Read: MMFF 2022 entries, umaariba sa Netflix at Prime Video
Siyanga pala, hindi pa tapos ang Dragdagulan. May season 2 ang reality competition show na Drag Den with Manila Luzon.
Walong episodes ang season 1, na ang epic finale ay natunghayan noong Enero 26, 2023. Kinoronahan si NAIA bilang Drag Supreme. Kinabog niya sina Shewarma at Maria Christina.

Manila Luzon (right) crowns NAIA as Drag Supreme
Pahayag ni David Simonsen, director ng Prime Video sa Southeast Asia, sa press release na ipinadala sa PEP Troika, “We’re thrilled this show’s success has left our viewers wanting more.
“We’re always on the lookout to create entertaining content that is relevant to our diverse local audience’s taste, and it’s going to be exciting to work together with Rod [Singh] and the rest of the Drag Den with Manila Luzon creators to make Season Two even more entertaining.”
Sabi naman ni Rod Singh, na creator at direktor ng palabas, “We’re just grateful for all the positive reactions we’ve received so far.
“It shows that audiences from around the world are connecting with our show and the messages we want to convey. It’s been quite a journey for us; the history of Pinoy drag culture is full of unsung heroes, and we’ve come a long way.
“We’ve had clear intentions about bringing the show to where it is now. The show stood for many things, and thanks to our audience, because they, too, stood with us.
“And because of their support, we’ll continue the fight in Season Two. Bigger and better, definitely.”
NOEL FERRER
Matagal-tagal nang walang Filipino TV show sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix kaya magandang abangan kung saan pupuwesto ang award-winning na Maria Clara at Ibarra na streaming na umpisa ngayong Abril 14, Biyernes.
Sana, it keeps the public interest on Barbie Forteza and David Licauco na gagawa rin ng pelikula.
At suporta na rin sa Drag Den with Manila Luzon na kababayan natin, pati na sa 3rd Best Picture ng 2022 MMFF na Nanahimik Ang Gabi ng kaibigan nating Lino Cayetano.
Sana, lalo pang magtagumpay ang nga Filipino content sa streaming platforms. Pang-augment din iyan ng income nila sa box office para makagawa pa sila ng mga bagong magagandang pelikula.
GORGY RULA
Inspired sa RuPaul’s Drag Race ang Drag Den, pero hindi gaanong maganda ang feedback sa unang season nito. Inaasahang maaayos na nila ito sa season 2.
Tuluy-tuloy na kaya ang career dito ni Manila Luzon?
Samantala, nabili naman ng GMA-7 ang TV rights ng Nanahimik ang Gabi. Mas mabuting panoorin na ito sa Prime dahil walang mapuputol na maseselang eksena, na hindi puwede sa TV.
Sana, may kasunod na agad ang Rein Entertainment na magagandang film project, dahil talagang tinitiyak nilang magaganda ang pelikulang ginagawa nila.
Sabi ni Direk Lino Cayetano, may nagawa pa silang series para sa Vivamax. Pero marami pang magagandang material si Direk Shugo Praico na posibleng pang-Metro Manila Film Festival sa darating na December.
