PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sexy singer-actress, super yaman at super happy sa family life!

Andaming negosyo!
by PEP Troika
Published May 1, 2023
blind item about Sexy Singer-Actress
Winner in life itong si Sexy Singer-Actress. Bukod sa maraming naipundar na negosyo, happy pa ang kanyang buhay-pamilya.
ILLUSTRATION: Igi Talao

GORGY RULA

Nagulat kami nang nabalitaan naming super yaman na pala nitong dating Sexy Singer-Actress, na tatawagin nating SSA.

Noong active pa siya sa showbiz, natsismis siya sa isang Maimpluwensiyang Pulitiko, na dati ring na-link sa Mabobelyang Sexy Actress.

Akala namin, nag-share sina SSA at Mabobelyang Sexy Actress, hindi pala!

Iba pala ang karelasyon ni SSA, at ang maganda, walang sabit dahil matagal na palang annulled sa unang misis.

Itong si Super Yaman na Government Official, na karelasyon ni SSA, ay may magandang posisyon daw ngayon sa gobyerno.

Hindi pa kasal si SSA dito kay Super Yaman na Government Official, pero tahimik silang nagsasama, at nabiyayaan ng isang anak.

Hindi na kailangang magkakanta at rumaket sa mga probinsiya si SSA dahil abala na siya sa mga naipundar niyang negosyo.

Bukod sa ilang lupa’t bahay, may dalawang branch na siya ng sikat na convenient store, at meron pa siyang isang branch ng sikat na food chain sa Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung titingnan mo itong si SSA, akala mo ay sosyonga-syonga, pero mukhang packaging niya lang yun.

Sa totoong buhay kasi, magaling siya sa pera, madiskarte sa buhay, at magaling pang makisama sa mga nakakatrabaho at pati sa entertainment press.

READ Teleserye sa totoong buhay: newbie, dumanas ng pang-aapi mula sa isang powerful personality

NOEL FERRER

Ibang klase pala ang paghalina nitong SSA na para lang isang laruan ng isang top-rating showbiz talk show noon.

She deserves this good life, kasi mukha naman siyang mabait na tao at maayos katrabaho noon.

Mali-mali man ang pag-i-Ingles niya noon sa TV, tamang-tama naman siya sa diskarte sa buhay. Kiss natin siya, Tito Gorgs, kapag nagka-reunion kayo, if ever!

READ Matangkad na aktor, mahilig magbigay ng jersey sa mga guwapito

JERRY OLEA

Humigit-kumulang isang dekada na mula nang umalis sa showbiz si SSA.

Pero hindi maialis sa ating diwa ang mga nakakaaliw na alaalang iniwan niya. Hindi matatawaran ang kanyang alindog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Three years siyang napabilang noon sa talaan ng 100 Sexiest Women ng FHM Philippines.

Lumahok pa siya noon sa celebrity edition ng isang reality series.

MORE BLIND ITEMS

Blind items: Kuwento ng mga kiss-and-tell

Bit players, ibinulgar ang mapagpanggap na katauhan ng nirerespetong showbiz personality

Showbiz personality, nagde-demand ng mas mahabang spiels at solo exposure sa weekly program

Read Next
Read More Stories About
blind item, showbiz tita
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winner in life itong si Sexy Singer-Actress. Bukod sa maraming naipundar na negosyo, happy pa ang kanyang buhay-pamilya.
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results