PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Deborah Sun: 6 Taon Condo ni Ara Mina

Deborah Sun, umaasa na lang sa tulong ng ibang tao.
by PEP Troika
Published Jun 15, 2023
deborah sun ara mina
Deborah Sun (left) on Ara Mina (right): “Hindi lang nakatira, pinapadalhan pa ako lagi ng mga groceries three times a year, ng tatlong box. Isang toiletries, isang mga de lata, isang cup noodles. Alam mo yung mga ganun, bigas… minsan, padadalhan pa ako ng konting panggastos. Ganun kabait si Ara!”
PHOTO/S: Jerry Olea / @therealaramina on Instagram

JERRY OLEA

Pitong taon nang nakatira nang libre si Deborah Sun at ang mga anak niya sa isang condo unit ni Ara Mina sa Quezon City.

Read: Ara Mina, libreng pinatira sa bahay niya si Deborah Sun

“Thank you, thank you so much kay Ara! Napakalaki talaga ng tulong niya sa amin!” bulalas ng beteranang artista sa storycon ng pelikulang Unspoken Letters noong Hunyo 13, 2023, Martes, sa Limbaga 77 cafe & restaurant, Brgy. Laging Handa, Quezon City.

“Hindi lang nakatira, pinapadalhan pa ako lagi ng mga groceries three times a year, ng tatlong box.

“Isang toiletries, isang mga de lata, isang cup noodles. Alam mo yung mga ganun, bigas… minsan, padadalhan pa ako ng konting panggastos. Ganun kabait si Ara!”

Hindi ba siya nahihiya kay Ara?

Mabilis na tugon ni Deborah, “Nahihiya! Kaya nga pag ano, sinasabi ko, ‘Anak, anak, baka naman kako ikaw pa ang nahihiya sa akin, nahihiyang magsalita sa akin?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, e, ‘Baka gusto mo nang magtayo ng business na breakfast and bed, baka gusto mo nang ibenta itong unit, ayaw mo lang sabihin sa akin, ikaw pa ang nahiya. Actually, ang tagal na namin dito.’

“Ang sabi niya, ‘Naku, Tita! Diyan lang kayo, ako nga ang nahihiya sa inyo dahil ang liit ng unit, gusto ko ngang ilipat kayo sa mas malaki.’

“Ganun si Ara, siya pa ang nahihiya.”

Lubos ding nagpapasalamat ang 63-anyos na si Deborah sa tulong ni Boy Abunda sa anak niyang scholar.

“Iyong anak kong nursing student, ini-sponsor ni Boy Abunda ang mga gamit,” pagtatapat ni Deborah.

“Saka pag humingi ako, like pang-hospital, pangganito, pambayad sa ganito, nagpapadala agad siya.

“Nagpapadala rin siya ng ulam, ng pagkain. Napakalaki ng tulong niya sa akin. Sobrang salamat!”

Gigi Salvador ang tunay na pangalan ni Deborah.

Tumutulong din sa kanya ang uncle niyang si Phillip Salvador, at ang isang kapatid niyang nasa Amerika. Nag-aabot din daw ng tulong sa kanya paminsan-minsan sina Amy Austria at Gina Alajar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naiintindihan ko na napapagod iyong ibang tao sa pagtulong, kumbaga. Pero hindi ko rin naman ito ginusto,” sambit ni Deborah.

“Wala akong hanapbuhay. Ito lang ang bread and butter ko. Hindi ako nakapag-aral. Hindi ako tapos ng high school.

“Alam mo naman dito sa Pilipinas, kahit janitor, kailangan second year college, e.”

NOEL FERRER

Grateful din si Deborah kay Aiko Melendez dahil patuloy itong tumutulong sa anak niyang si Jam Melendez.

Magkapatid sa ama sina Aiko at Jam. Ang kanilang ama ay ang aktor na si Jimi Melendez na yumao noong 1997.

Read: Aiko Melendez in conflict with brother Jam over his drug addiction

“Ngayon si Aiko ang nagpo-provide ng lahat ng gamot ni Jam. Anything with medical, pandoktor, pang-consultation, mga lab,” kuwento ni Deborah.

“Pambili ng gamot. Ang mahal ng mga gamot! Tapos pag Pasko, nagpapadala rin ng pamasko, pang-noche buena.

“Basta para kay Jam, nag-aano siya, sumu-support. Thank you very much din kay Aiko!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana, marami pang maging acting assignments si Deborah para magamit niya ang kanyang husay sa pagganap at patuloy pa siyang maging productive!

GORGY RULA

Maikli lang ang role ni Deborah bilang marites sa pelikulang Unspoken Letters, pero malaki ang pasasalamat niya sa pagtitiwala sa kanya ng producer at director.

Ang Unspoken Letters ay launching movie ni Jhassy Busran, sa direksiyon ni Gat Alaman. Co-directors sina Paolo Bertola at Andy Andico.

Kasama rin sa cast nito sina Gladys Reyes, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Matet de Leon, Simon Ibarra, Orlando Sol, Daria Ramirez, John Hendrick, MJ Manuel, at Kristine Samson.

Read: Gladys Reyes, di nag-alangang suportahan ang newbie na si Jhassy Busran

Ang payo ni Deborah sa mga baguhang artista, huwag gayahin ang nangyari sa buhay niya — ang paggamit ng bawal na gamot.

Aniya, “Ang pinagdaanan ko sa buhay, basta hindi maganda, alam niyo yun. Matagal nang wala akong trabaho, since 2011 pa yata, mga ganun, something like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga dahil nga ang dating sa tao, nag-drugs ako, akala nila adik ako hanggan ngayon… kaya ngayon na may nagtiwala sa akin na kumuha, na alagaan ako, si Tyronne Escalante.

“Thank you very much, Tyronne, kumbaga nagtiwala siya sa akin, di ba? Kaya sa mga baguhang artista, huwag ninyong tularan iyong mga pinagdaanan ko…

“Kaya lang it happened, nangyari na, e. Kumbaga, ang tao, sa akin nakatatak sa kanila, ‘Ay! Ano yan, nagda-drugs yan!’ Ganyan-ganyan! Ganun lagi ang nakakaano.

“Kaya sabi ko nga, nakakasama din ng loob. Kasi bakit hindi nila subukan? Kahit sandali! Kahit sandali, kahit isang araw lang! Nothing to lose!

“Kaya sa mga nagtiwala sa akin sa project na ito, thank you! Thank you, Direk! Thank you sa producer, mars! Thank you sa lahat ng nagtitiwala sa akin!”

Read: Former actress Deborah Sun caught in buy-bust operation

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Deborah Sun (left) on Ara Mina (right): “Hindi lang nakatira, pinapadalhan pa ako lagi ng mga groceries three times a year, ng tatlong box. Isang toiletries, isang mga de lata, isang cup noodles. Alam mo yung mga ganun, bigas… minsan, padadalhan pa ako ng konting panggastos. Ganun kabait si Ara!”
PHOTO/S: Jerry Olea / @therealaramina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results