JERRY OLEA:
Wagi sina Janine Gutierrez, Baron Geisler, Jeric Gonzales, Nikki Valdez, Elora Españo, at Nonie Buencamino sa 25th Gawad PASADO.
Inilahad ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) ang talaan ng winners ng 25th PASADO nitong Agosto 23, 2023, Miyerkules ng hapon, sa kanilang Facebook page.
Ang awarding ceremony ay sa Setyembre 23, Sabado ng 7:00 p.m., sa National Teachers College (NTC) ng Maynila.
Kabilang sa special awardees si Barbie Forteza na dalawa ang awards. Pararangalan din ang co-stars niya sa Kapuso primetime series na Maria Clara at Ibarra na sina David Licauco at Dennis Trillo. Ligwak (na naman) sa awarding si Julie Anne San Jose.
Narito ang talaan ng winners sa 25th Gawad PASADO…
PinakaPASADOng Pelikula ng Taon: Family Matters
PinakaPASADOng Direktor ng Taon: Nuel Naval (Family Matters) at Atty. Vincent M. Tañada (Katips)
PinakaPASADOng Aktres ng Taon: Janine Gutierrez (Bakit Di Mo Sabihin?)
PinakaPASADOng Aktor ng Taon: Baron Geisler (Doll House) at Jeric Gonzales (Broken Blooms)
PinakaPASADOng Katuwang ng Aktres ng Taon: Nikki Valdez (Family Matters) at Elora Españo (Walker)
PinakaPASADOng Katuwang na Aktor ng Taon: Nonie Buencamino (Family Matters)
PinakaPASADOng Batang Aktres ng Taon: Althea Ruedas (Doll House)
PinakaPASADOng Disenyong Pamproduksyon ng Taon: Rolando Rubenecia (Katips)
PinakaPASADOng Istorya ng Taon: Mel Mendoza-del Rosario (Family Matters)
PinakaPASADOng Dulang Pampelikula ng Taon: Atty. Vincent M. Tañada (Katips)
PinakaPASADOng Sinematograpiya ng Taon: Manuel Abanto (Katips)
PinakaPASADOng Editing ng Taon: Mark Jason Sucgang (Katips)
PinakaPASADOng Musika ng Taon: Pipo Cifra at Atty. Vincent M. Tañada (Katips)
PinakaPASADOng Tunog ng Taon: Ronald de Asis (Bakit Di Mo Sabihin?)
PinakaPASADOng Bagong Manlilikha ng Pelikula ng Taon: Elvin Jay Macanlalay (Di Niyo Ba Naririnig?)
PinakaPASADOng Dokumentaryong Pampelikula ng Taon: Naisangsangayan a Daga (Melver Ritz Gomez)
GORGY RULA:
Ang Katips ay ikinunsidera ng FAMAS at PMPC Star Awards for Movies sa mga pelikulang ipinalabas noong 2021.
Sa Gawad PASADO ay ikinunsidera ito para sa taong 2022.
Read: FAMAS 2022: Martial law film Katips bags seven awards; Charo Santos-Concio wins Best Actress
Hindi lang pelikula ang sinakop ng PASADO, kundi pati telebisyon at public service.
Samantala, nagpapasalamat si Mayor Enrico Roque ng Cineko Films sa lahat na nagsasabing makakabawi ang Family Matters sa iba’t ibang award-giving bodies pagkatapos deadmahin sa MMFF.
Nangyayari na nga ito ngayon na hindi lang ang FAMAS ang nakapansin kundi pati ang mga guro ng PASADO.
Read: Puzzling: MMFF 2022 jurors snub Family Matters in many categories
Ang mga tatanggap ng natatanging pagkilala sa 25th Gawad PASADO ay ang mga sumusunod…
PinakaPASADOng Pelikula sa Paggamit ng Wika: Katips at Bakit Di Mo Sabihin?
PinakaPASADOng Pelikula sa Pagkakapantay-pantay ng mga Kasarian: Broken Blooms
PinakaPASADOng Dangal ng Kabataan: Barbie Forteza ar David Licauco
PinakaPASADOng Lingkod-Bayan: Alex Castro (Bise-Gobernador ng Bulacan)
PinakaPASADOng Guro: Jerry Gracio (Guro at Manunulat)
PinakaPASADOng Mamahayag sa Larangan ng Kamalayang Pilipino: Jeff Canoy (ABS-CBN Integrated News)
PinakaPASADOng Programa sa Telebisyon: Maria Clara at Ibarra
PinakaPASADOng Aktres sa Telebisyon: Barbie Forteza (Maria Clara at Ibarra)
PinakaPASADOng Aktor sa Telebisyon: Dennis Trillo (Maria Clara at Ibarra)
Gawad PASADO Lifetime Achievement Award: Liza Lorena
NOEL FERRER:
With their choices, I think nakita na ng PASADO ang kapareho nila ng pamantayan at taste: ang FAMAS at ang PMPC Star Awards for Movies.
I rest my case. Walang basagan ng trip!
