GORGY RULA
Kinumpirma ng kaibigan naming Kapuso singer-actress na nagdadalantao na siya.
Hinihintay lang daw niyang matapos ang first trimester ng kanyang pagbubuntis bago niya ito i-announce sa social media.
Sobrang saya lang daw ng Kapuso singer-actress kaya ibinahagi niya ito sa akin. Nakiusap lang siyang huwag ko munang babanggitin ang pangalan niya. I-blind item ko raw muna.
Gustung-gusto man niyang i-announce agad, pero mas safe daw kapag malagpasan na niya ang first trimester ng kanyang dinadala.
Read:
Maimpluwensiyang Personality at Fashion Personality, nagtalakan at nag-iskandalo sa birthday party
Mga aberya sa set: May na-pack up, nagsakalan, naatrasan ng sasakyan
Mabuti na lang at katatapos lang daw niya ng taping ng drama series na pinagbidahan niya.
May mga maaaksiyon pa raw siyang eksenang ginawa, at wala siyang kamalay-malay na buntis na pala siya.
"Takbo pa ako nang takbo na naka-heels hehehe... di ko alam. Pero safe naman po ang baby.
“Nung nag-Fast Talk pa ako kay Kuya Boy [Abunda], buntis na pala ako nun, hindi ko alam hehehe," text sa akin ni Kapuso singer-actress.
Ang saya raw nilang lahat, lalo na ang kanyang non-showbiz hubby, dahil matagal nang hindi pa nasusundan ang kanilang panganay na anak.
Pati raw ang anak niya ay napaluha nung nalamang magiging ate na siya.
Thankful si Kapuso singer-actress sa panibagong blessing na dumating sa kanya.
Magpapahinga na raw muna siya ngayon para maging safe ang kanyang ipinagbubuntis.
Read:
Sinong "JP" ang pinatatamaan ni Aiko Melendez sa kanyang blind item?
Dating Sikat na Aktor, Maganda at Mayamang Celebrity, naging sila ba?
NOEL FERRER
Dagdag excitement kay Kapuso singer-actress dahil magiging Year of the Dragon ang kanyang second baby.
"Masaya kami kasi year of the dragon ako at ang panganay ko. Tapos yung magiging baby namin, magiging year of the dragon din," pakli ni Kapuso singer-actress.
Masaya tayo para sa aktres na ito!!!
JERRY OLEA
Yes! Masaya tayo para sa Kapuso singer-actress na ito.
Dalangin nating walang aberya sa muli niyang pagdadalantao! Love and Prayers!
Read:
Female singer, nagwala sa comedy bar matapos makipag-away sa yummylicious boyfriend
Alluring Actress, echosera sa pahayag na pumayat dahil lamang sa diet
