GORGY RULA
Totoo kayang tatanggalin na sa isang teleserye itong si Magaling na Aktor?
Ang latest na nabalitaan namin, balik na naman daw siya sa dating bisyo, at apektado na raw ang trabaho.
Nalaman namin sa isang reliable source na kapag may tama ito sa dati pa niyang bisyo, parang gusto raw nitong makipag-away.
Kung sinu-sino raw ang pinagtitripang awayin.
Ang paborito raw nitong inaaway ngayon ay ang producer na nagbigay sa kanya ng napakagandang pelikula.
Napansin ang galing ni aktor sa pag-arte sa pelikulang ito. Pero hindi lang namin alam ang dahilan kaya bad trip na bad trip siya sa kanyang producer at kung anu-ano raw ang pinagsasabi niya.
Read:
Maimpluwensiyang Personality at Fashion Personality, nagtalakan at nag-iskandalo sa birthday party
Mga aberya sa set: May na-pack up, nagsakalan, naatrasan ng sasakyan
Sinong "JP" ang pinatatamaan ni Aiko Melendez sa kanyang blind item?
Nakakalungkot dahil binigyan na naman siya ng magagandang projects, at isa na rito ang teleseryeng umeere ngayon.
Maganda ang role niya rito, pero umaangal na raw ang ilang co-actors niya kaya pinag-iisipan na umano ng production staff na patayin na lang ang karakter niya rito.
Type ko tuloy subaybayan ito at abangan kung matutuloy ang pagtsugi sa kanya sa teleseryeng ito.
Parang nakakapagod nang sabihing sana magbago na siya. Kasi ilang beses na natin itong hinihiling sa Magaling na Aktor na ito.
Read:
Dating Sikat na Aktor, Maganda at Mayamang Celebrity, naging sila ba?
Female singer, nagwala sa comedy bar matapos makipag-away sa yummylicious boyfriend
Alluring Actress, echosera sa pahayag na pumayat dahil lamang sa diet
NOEL FERRER
Sabi-sabi, nasa topak daw ng aktor ang kanyang galing. Pero lagi na lang bang ganito?
At kung minsan, nanganganib at nakakapapekto pa talaga sa magandang samahan sa set ang attitude niya.
Maraming magagaling umarte, pero mas nanaisin ng production na makatrabaho ang mahuhusay na, mababait pa!
JERRY OLEA
Nakakalungkot. Bilib tayo sa husay ng Magaling na Aktor, at natuwa tayo sa magandang feedback sa akting niya sa bago niyang teleserye.
Pero sabi nga ni Siddhartha Gautama, o Buddha, tatlong bagay ang hindi maitatago nang matagal—ang araw, ang buwan, at ang katotohanan.
