JERRY OLEA
Nagpakitang-gilas sa hubaran at harutan si Jhon Mark Marcia sa pelikulang Cheaters, na nag-streaming umpisa Abril 2, 2024, Martes, sa Vivamax.
Mas mapangahas si Jhon Mark sa pelikulang Sisid Marino na sila ni Julia Victoria ang mga bida, sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Read: Joel Lamangan, galit sa artistang "nagkukunwa-kunwaring alam niya pero tanga"
“Sobrang tindi po!” bulalas ni Jhon Mark nang makausap ng PEP Troika sa last shooting day ng Sisid Marino noong Marso 23 sa Rosario, Cavite.
"Sexy, kitang-kita po nila ako, sexy. Puwet, lahat, then binigay ko na. Si Direk Joel iyan, nag-frontal tayo. Aabangan nila iyon. Hahahaha!"

JHON HINDI NAG-INARTE SA SEXY SCENE
Sa eksena, nasa bangka sila ni Julia. Ang bangka ay naglalayag sa laot.
Ano ang pakiramdam niya habang kinukunan ng drone camera ang kanyang katawan at naka-expose ang kanyang private part?
“Medyo kinakabahan po, pero hindi po ako nag-inarte. Kasi, Direk Joel na iyan!” bulalas ni Jhon Mark.
“Nagtiwala na lang po ako kay Direk Joel. Sabi ko, kaya kong ibigay na lahat kay Direk Joel. Tiwala po ako sa kanya.”
Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods
Napag-usapan ba nila na magpo-frontal siya bago pa sila mag-shoot?
“Opo. Napagmitingan na po namin.”
Naramdaman ba niyang na-exploit siya?
“Hindi naman po. Kasi, ang gagaling po ng team. Ang babait po ng mga staff, lahat,” mabilis na tugon ni Jhon Mark.
“Sobrang professional po talaga ang mga taga-production. Iba po talaga pag professional lahat ng katrabaho mo. Sobrang dali ng trabaho.”
GORGY RULA
Ang producer ng pelikulang Sisid Marino ay ang talent manager ni Jhon Mark na si Lito de Guzman o LDG.
Bumuo si LDG ng all-male sing-and-dance group na Magic Voyz, kung saan isa sa members si Jhon Mark.
Tampok din sa Sisid Marino ang mga kasamahan ni Jhon Mark sa Magic Voyz.
JHON MARK HINDI GUMAMIT NG PROSTHETIC O PLASTER
Take note na totoo ang ibinuyangyang ni Jhon Mark sa Sisid Marino, hindi d*ldo o prosthetic pen*s!
Dakilang tunay si Jhon Mark, kaya confident siyang mag-frontal nudity.
May Vivamax hunk actor na laging naka-plaster at hanggang butt exposure lang ang kaya dahil dahil duty free siya IRL!!!
Role lang na kunwari ay sarap na sarap ang mga katalik niya sa eksena.
Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?
NOEL FERRER
Nakuha raw sa katitili ni Direk Joel Lamangan kaya na-improve ang akting ni Jhon Mark Marcia sa pelikulang Sisid Marino.
“Kasi, noong una po talaga, sobrang tense na tense ako, hindi ko alam ang gagawin,” pag-amin ni Jhon Mark.
“Nung pangalawang araw, naano ko na siya. Medyo nakapa-kapa na.”
JHON MARK ON LEADING LADIES
Kumusta ang co-stars niya sa Sisid Marino, partikular ang leading lady niyang si Julia Victoria?
“Sobrang gagaling po nila. Magaling po si Julia, saka po si Ataska. Sobrang wala rin po silang arte,” sambit ni Jhon Mark.

“Kung ano po yung sasabihin ni Direk, gagawin din nila nang maayos. Talagang hindi nila pinahihirapan ang mga tao.”
Read: Ataska, nag-transition from child actress to Vivamax star
Nailang pa ba sila sa mga maseselang eksena?
“Sa akin po, sanay naman ako sa sexy. Sa kanila po… sa tingin ko, hindi. Kasi, ang gagaling nila,” sey ni Jhon Mark.
“Talagang ibinuhos din nila yung makakaya nila, yung akting nila.”
Ang papel nina Jhon Mark at Julia sa Sisid Marino ay mag-asawang naadik sa pagtatalik.
