GORGY RULA
Nag-file ng medical leave si Senator Bong Revilla sa Senado nung Martes, Mayo 14, 2024, dahil sa kalagayan ng kanyang kanang paa na kailangan ang maayos at mabilis na pagpapagaling.
Inoperahan ang Achilles tendon ng right ankle ng actor-politician noong nakaraang buwan, dahil tuluyan itong napunit sa first shooting day ng pelikula niyang Birador: Alyas Pogi 4.
Read: Bong Revilla, tuloy ang operasyon para sa napunit na Achilles tendon
Pansamantalang na-shelve ang naturang pelikula dahil sa kalagayan ni Senator Bong na nagpapagaling pa ng kanyang paa.
Noong Lunes, Mayo 13, ay pinilit niyang dumalo sa session sa Senado. Aksidente niya itong natapak kaya parang bumuka nang slight ang operasyon nito.
Ayon sa nakuhang medical certificate ng St. Luke’s Global sa BGC, Taguig, “Upon the latest inspection over the right ankle after change of dressing (2345H May 13 2024), we have noted some area of bleeding and mild dehiscence.
“We have advised that he keep the leg elevated at all times for the next 2 weeks (May 14 2024 to May 31 2024) to decrease potential swelling that can aggravate our postoperative wound site.”
Nakasaad pa roon na kailangan niya munang tumigil sa trabaho, dahil sa dapat na naka-elevate ang paa nito sa loob ng dalawang linggo.
“Not reporting for onsite work will provide the best scenario for his wound healing so that he can readily elevate the leg,” sabi pa sa medical certificate ng St. Luke’s Global.
Namamalagi muna si Senator Bong sa kanilang farm sa Cavite, para doon tuluyang magpagaling.
Read: Bong Revilla sasailalim sa therapy for 3 months, pero "tuloy ang trabaho ko"
JERRY OLEA
Nanghinayang si Senator Bong dahil hindi niya personal na natanggap ang parangal bilang Best Comedy Actor ng Guillermo Mendoza Scholarship Foundation sa kanilang Box Office Entertainment Awards 2024.
Ginanap ang awards night sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila, Quezon City, noong Linggo, Mayo 12.
Read: Alden Richards, Kathryn Bernardo: Box Office King and Queen
Sina Congresswoman Lani Mercado at Agimat Party-list Representative Bryan Revilla ang tumanggap ng naturang parangal.
Nagbigay naman ng video message si Senator Bong na nagpapasalamat sa bumubuo ng Box Office Entertainment Awards.

Lani Mercado and Bryan Revilla accept the Best Comedy Actor award for Senator Bong Revilla
Aniya, “Nagpapasalamat po ako sa lahat ng sumuporta sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis sa nakalipas na dalawang season. Ang award na ito ay hindi lang para sa akin kundi para sa lahat ng nakitawa, nakiiyak, at nakisaya.”
Pinasalamatan ni Senator Bong ang co-stars niya at production staff ng action-comedyseries ng GMA-7 na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
Ang leading lady niyang si Beauty Gonzalez ang itinanghal na Best Comedy Actress.
NOEL FERRER
Sabi naman ni Senator Bong, kailangan niyang sundin ang payo ng doktor na magpahinga muna at ingatan ang kanyang paa para tuluy-tuloy ang paggaling nito.
Gusto pa rin niyang ituloy ang comeback movie niyang Birador: Alyas Pogi 4 kapag gumaling na ang kanyang paa.
Ang tantiya nila, tatlo hanggang anim na buwan ang healing ng kanyang kanang paa na napunit ang Achilles tendon.
