PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mayor Ina Alegre, happy sa pagsikat ng Pola as shooting capital

"Maraming locations na puwedeng pagsyutingan."
by PEP Troika
Published May 18, 2024
Ina Alegre
Pola, Oriental Mindoro Mayor Ina Alegre, inilahad kung paano siya nagbibigay ng incentives sa mga movie producers na gustong mag-shoot sa Pola: “It takes two to tango. Para dumami ang kliyente mo, dumami ang gustong mag-shoot sa 'yo, kailangan maging mabait ka sa kanila."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Four consecutive days na nanguna sa Netflix list na Top 10 Movies in the Philippines Today ang Pula na pinagbidahan nina Coco Martin at Julia Montes.

Syinuting iyon ni Direk Brillante Mendoza noong Hulyo 2021 sa munting bayan ng Pola sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Kasama sa cast ng Pula sina Raymart Santiago, Christine Bermas, Vince Rillon, Alan Paule, Lotlot de Leon, Elizabeth Oropesa, at ang mayor ng Pola na si Ina Alegre.

Ina Alegre

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natutuwa si Mayora Ina na Pula ang title ng nasabing movie, dahil may barangay na Pula sa Pola.

Ang pelikula ni Direk Brillante na Bahay na Pula (2022) kung saan tampok sina Julia Barretto, Xian Lim at Marco Gumabao ay sa Pola rin nagsyuting.

Ina Alegre
Julia Barretto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May iba pang movies ng dinirek o prinodyus ni Direk Brillante na kinunan sa Pola, at sa tuwi-tuwina ay kasama sa cast si Ina. Nilinaw ni Mayora Ina na hindi siya ka-package deal ng pagsusyut sa bayang pinamumunuan niya.

“Hindi naman. Hindi package deal,” pag-iling ni Ina noong Mayo 9 sa UCC cafe sa Santolan Town Plaza, San Juan City, MM.

“It just so happens na may role na puwede.”

Mahigit two weeks na nagsyuting ang Pula sa Pola. Kumusta si Coco noong nasa bayan nila?

“Mabait siya, sobrang bait. Isa yon sa hinahangaan kong artista,” pakli ni Ina.

“Even Julia, mabait. Mabait na nilalang. Nagluluto dun si Julia. Masarap! Ang galing niyang magluto. Magaling siyang magluto.”

READ:

Julia Barretto at Xian Lim, may intimate love scene sa Bahay Na Pula

Xian Lim, nangakong di na uulitin ang photo-op sa "buwaya"

Xian Lim, kaliwa't kanan ang projects habang tengga ang Love.Die.Repeat

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MAYOR INA ALEGRE PROUD OF POLA'S SCENIC DESTINATIONS

Noon pa naikukuwento ni Direk Brillante na ang sasarap ng seafoods sa Pola.

“Yeah, sobrang loves ni Direk. Sobrang fresh daw. Sobrang saya sa Pola,” pagmamalaki ni Ina.

“Maraming tourist attractions doon. Maraming locations na puwedeng pagsyutingan.

“Kung gusto mo ng dagat, ilog, kung gusto mo ng lawa, kung gusto mo ng bundok, meron kami.”

Hindi nila pinahihirapang kumuha ng permit ang mga magsyusyuting sa kanilang bayan. Buo ang kanilang suporta.

Maraming resorts sa Pola, pero wala pang hotel. Hindi pa raw sila ready sa malaking company na mag-a-outing.

Sa limang taon ng pagiging punong-bayan ni Ina, malaki na ang ini-improve ng Pola.

Tubong-Pola ang Vice Governor ng Oriental Mindoro na si Ejay Falcon. Tumutulong ba si Ejay sa Pola?

“Oo, kasi kaibigan ko si Ejay, si Vice Gov. Parehas kaming artista, parehas kami ng pinanggalingan. So, we’re OK, we’re OK,” sey ni Mayora Ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We help each other. Mabait siya.”

Taga-Pola rin si Kabayan Noli de Castro.

“Tumutulong siya sa akin. Napakabait niyang tao.”

READ:

Bayan ng Pola, Oriental Mindoro, nagiging favorite location para sa movie shoots

Mayor Ina Alegre, suportado ang neophyte Oriental Mindoro vice governor na si Ejay Falcon

Coco Martin-Julia Montes movie na Pula, diretso sa Netflix

Coco Martin at Julia Montes nagsu-shooting ng pelikula sa Pola, Oriental Mindoro

NOEL FERRER:

Nagiging shooting capital ng Oriental Mindoro ang munting bayan ng Pola.

MAYOR INA ALEGRE, PAANO NAGBIBIGAY NG INCENTIVES SA GUSTONG MAG-SHOOTING SA POLA?

“Hindi ko china-charge yung mga kumukuha ng permit para mag-shooting,” sey ni Mayora Ina.

Ina Alegre

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It takes two to tango. Para dumami ang kliyente mo, dumami ang gustong mag-shoot sa 'yo, kailangan maging mabait ka sa kanila.

“Paano mo gagawin ‘yon? Hindi mo papahirapan sa permit, hindi mo papahirapan na magbayad ng kung anu-ano.

“Number 2, kailangan yung mga people around you, mabait din. Hindi sila papahirapan. Iyan lang din naman ang kailangan, maging mabuti ka sa mga taong yun.”

GORGY RULA:

MAYOR INA ALEGRE, KINUMPIRMA NA MARAMI PANG SHOOTING NA MAGAGANAP SA POLA

Kinumpirma ni Mayora Ina na may seryeng isu-shoot sa Pola na produced ni Dondon Monteverde. May movie rin na magsusyut doon produced by Regal heiress Roselle Monteverde.

“First time nilang mag-shoot sa Pola pero taga-doon sila. Meron silang mga lupain sa Pola,” kuwento ni Mayora Ina.

“Sila ang may pinakamalaking palaisdaan sa buong Oriental Mindoro.”

Balak din ni Mayora Ina na magprodyus muli ng movie.

Hangad niyang isapelikula ang epekto ng oil spill sa Pola nang lumubog ang MT Princess Empress noong Pebrero 28, 2023 sa coast ng kalapit-bayan na Naujan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sino kayang aktres ang angkop na magbida sa pelikulang iyon?

READ:

Mayor Ina Alegre, nagbunga ang paghihigpit sa Pola, Oriental Mindoro

Kalusugan ng mga taga-Pola, Oriental Mindoro apektado ng oil spill: "Yung amoy niya, sobrang sama."

Pola Mayor Ina Alegre, handog ang makulay na tulay para sa LGBTQIA

Direk Brillante Mendoza, sinagot kung package deal sina Coco Martin at Julia Montes sa pelikula

Direk Brillante Mendoza reveals Coco Martin's unchanged habit

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pola, Oriental Mindoro Mayor Ina Alegre, inilahad kung paano siya nagbibigay ng incentives sa mga movie producers na gustong mag-shoot sa Pola: “It takes two to tango. Para dumami ang kliyente mo, dumami ang gustong mag-shoot sa 'yo, kailangan maging mabait ka sa kanila."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results