JERRY OLEA
Naramdaman ni Manay Lolit Solis na maraming tunay na nagmamahal sa mundo ng local showbiz.
Pinanindigan iyan ni Manay Lolit sa tsikahan nila ni Tito Boy Abunda sa kanyang 77th birthday celebration nitong Mayo 19, 2024, Linggo, sa Oriental Palace restaurant, Morato Avenue, Quezon City.
Read: Lolit Solis unfazed by mounting health issues: "Nothing to fear na"
Pagtatapat ni Manay Lolit, “The biggest mistake na nagawa ko pero hindi ko pinagsisihan… siguro if I will live my life again, gagawin ko uli, yung scam.
“Pero dun ko na-realize… sa kasalbahihan ko, akala ko, iiwanan ako ng lahat, di ba? Na you’d be alone kasi gumawa ka ng kasalanan. Lahat na, galit sa yo.
“Pero, no! Dun nga lalong na-feel kong… kaya yata ako naging lalong salbahe, kasi nakita ko talaga lahat… lahat ng alaga ko, ipinagtanggol ako.
“Lahat nung pinakitaan ko ng mabuti dun sa mga reporter, sa showbiz writers, pinagtanggol din ako.
“Kaya I did not feel alone that time na galit sa akin yung buong Manila dahil sa kagagahan ko, buong Pilipinas… kasi, na-feel ko yung love na yun sa showbiz.
“Kaya kahit na anong sabihin mong ‘Showbiz lang yan, eklay lang yung pagtingin sa yo,’ I don’t believe that.
“Kahit sa showbiz, makakakita ka ng tunay na kaibigan.”
Ang "scam" na tinutukoy ni Manay Lolit ay ang 1994 Manila Film Festival scandal, na magtatatlumpong taon na sa Hunyo 22.
Read: Manila Film Festival 1994: The Scandal that Rocked Showbiz
THE MANILA FILMFEST 1994 SCAM
Inako ni Manay Lolit ang pagiging mastermind ng filmfest scam, kung saan tinawag ng presenters na best actor at best actress sina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez, respectively, para sa pelikulang Loretta.
Ang tunay na best actor ay si Edu Manzano para sa pelikulang Zacarias, at ang tunay na best actress ay si Aiko Melendez para sa Maalaala Mo Kaya: The Movie.
Sa mga pangunahing personalidad na sangkot sa MFF 1994 scam, bukod-tanging si Nanette Medved ang present sa 77th birthday celebration ni Manay Lolit.
Sabi ni Nanette, “Nay, even if we don’t see each other that often, you know how much I love you.
“And the fact that everyone is here, is a testament to how much you changed everyone’s life, di ba?”
Read: Lolit Solis looks back on Manila Film Festival 1994 scam she masterminded
Read: UNTOLD STORIES: Details Lolit Solis has never revealed about Manila Film Fest Scam
GORGY RULA
Dahil sa Manila Filmfest scam ay naghiwalay ng landas sina Nay Lolit at Gabby bilang manager-talent.
Bilang kapalit ni Gabby, inalagaan ni Manay Lolit si Tonton Gutierrez na present din sa 77th birthday bash niya.
TONTON GUTIERREZ: ANG HARBATERONG ALAGA NI MANAY LOLIT
Pahayag ni Tonton, “Nay, first of all, maraming-maraming-maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin.
“Bale taos-puso po talaga akong nagpapasalamat sa yo, Nay… Kasi, nung mga panahon na medyo baliw ako, si Nanay talaga yung nagpatino sa akin.
“Sabi sa akin, ‘Magpakatino ka and you’ll go places!’ Nag-promise naman ako kay Nanay, ‘Opo, gagawin ko naman po lahat ng gusto nyong gawin ko.’
“So, I hope I did not disappoint you, Nay. Nasunod ko naman lahat ng gusto mo, di ba?
“Eto po, sa lahat po ng alaga ni Nanay Lolit, ako lang ang nakakaharbat sa kanya. O, Nay, di ba, totoo?!”
“Kaya nga, bayaran mo na yan, no!” tili ni Nay Lolit.
Pagpapatuloy ni Tonton, “Kaya niyo ba yon? Kuya Bo [Christopher de Leon], ha, Miss Amy [Austria], kaya niyo ba yon? Ako lang ang nakakagawa nun.
“Nay… I want you to live longer. Kasi andami mong kaibigan na nandito na nagmamahal sa yo.
“Alam mo nagda-dialysis ka ngayon pero you’re so strong, and we are so proud of you. We love you so much. Nay, happy birthday to you!”
Read: Lolit Solis undergoes dialysis after being hospitalized
Susog ng wifey ni Tonton na si Glydel Mercado, “Happy birthday, Nay! Salamat po sa pagmamahal. Alam niyo yan, pag nagtetextan tayo.
“Dahil alam niyo, mahal na mahal namin kayo. Talagang nanay ang turing namin sa inyo. Salamat po sa pagmamahal.
“And thank you at nandito tayo, nagkasama-sama tayo sa isang special event for Nanay Lolit Solis.
“God bless you, Nanay, and more birthdays and blessings to come… We love you so much! Maraming nagmamahal sa yo!”
Read: Lolit Solis, gustong isama ang alagang aso pag ike-cremate siya

Lolit Solis and her talents including Christopher de Leon, Amy Austria, Sandy Andolong, Tonton Gutierrez, Lani Mercado, Glydel Marcado, Paolo Contis, Benjie Paras, Pauleen Luna, and Nanette Medved
NOEL FERRER
Sincere at honest, transparent dealings and strong relationships based on love and trust — iyan ang nagkakaisang nasa puso ng mga taong nagmamahal kay Nay Lolit Solis.
Sa kabila ng kanyang mga occasional na pagpe-playtime at pagkapilya, mahal siya ng mga tao dahil she is fiercely loyal and truly loving.
BENJIE PARAS ON CASH GIFTS AND RECYCLED GIFTS
Nakakatuwang tanggap ng mga tao ang pagkaharbatera ni Nanay, and Benjie Paras (one of her wards) put it best — mas OK nang bigyan si Nanay ng envelope kaysa in kind.
“Almost 20 years na rin tayong magkasama, Nay, and ahh thank you sa lahat. Dahil si Nay, pag alaga ka or kaibigan ka, ipaglalaban ka,” lahad ni Benjie.
“Siya na ang magiging masama para lang hindi ka madamay. Huwag niyo lang pong reregaluhan ng bagay, dapat cash po ang ibibigay niyo.
“Kasi pag bagay po, lagi niyang nire-recycle yon. Ipinanreregalo din sa iba.
“Dinadalaw ko si Nay noon, may talk show sa GMA, dadalhan ko yan ng ensaymada. Sabi niya, ‘Diyan ka lang, maghintay ka lang.’
“Tapos mamayang konti, merong lalapit, magbibigay ng mga pagkain. Ididiretso niya sa bag. Tapos nung pauwi na ako, ‘Anak, iuwi mo na ito! Pasalubong sa mga bata.’
“So, inuwi ko naman. Nung pag-uwi ko, andudun yung ensaymadang binigay ko sa kanya.
“Tapos yung misis ko po, ang birthday nun ay June 3. So, nagtataka ako, last year, dumating sa bahay, ang aga, May! May padalang cake.
“May dedication si Nay dun sa ibabaw. Pagbukas ko, nakasulat dun, ‘Nay Lolit, happy birthday. Mahal ka namin. Lorna Tolentino.’
“So, alam niyo na po, sa susunod, puro cash lang po ang ibibigay nyo kay Nanay. Nay, I love you, Nay! Happy, happy birthday!
“Natawa ka kasi totoo. Yun lang po, happy birthday po!”
Hagalpakan sa tawa ang mga taong dumalo ng Sunday lunch piging ni Nay Lolit na grabe ring kinarir ng kasamahan nating si Tito Gorgy!!!
Saludo ako sa iyo!!!
Read: Lolit Solis expelled from PAMI; refuses to own up to "bullying"
