JERRY OLEA
Pararangalan sina Eva Darren, Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Gina Alajar, at ang namayapang Direk Carlo J. Caparas sa 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Gaganapin ang ikapitong edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) sa Hulyo 7, 2024, Linggo, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.
Kagaya noong nakaraang taon, ang magdidirek ng The EDDYS ay si Eric Quizon. Ang delayed telecast ay sa ALLTV.
Read: 6th Eddys: Max Eigenmann at Janine Gutierrez, tie sa best actress; Elijah Canlas, waging best actor
Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at digital platforms noong 2023.
7TH EDDYS HIGHLIGHTS
Isa sa highlights ng 7th The EDDYS ay ang pagpaparangal sa mga tinitingala at nirerespetong mga haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.
May posthumous award para sa comic strip creator, movie producer, at direktor na si Carlo J. Caparas para sa natatangi niyang kontribusyon sa Philippine movie industry.
Ang Movie Icon Awards naman ng The EDDYS ngayong 2024 ay ipagkakaloob kina Eva Darren, Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, at Gina Alajar bilang pagkilala sa hindi matatawarang pagmamahal, dedikasyon, at patuloy nilang paglaban para mas maiangat pa ang kalidad ng pelikulang Pilipino.
Meron ding Isah V. Red Award para sa mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan; Rising Producer of the Year; Joe Quirino Award; at Manny Pichel Award para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media.
Bilang pagkilala sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry, isang special award din ang ibibigay sa gabi ng parangal – ang The EDDYS Box Office Heroes.
Bibigyang-pugay ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan upang muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.
NOEL FERRER
May resibo ang pagbibigay ng Icon Awards ng EDDYS at heto sila:
EVA DARREN
Nagsimula ang showbiz career ni Eva Darren noong 1960s at nanalo ng dalawang Best Supporting Actress award para sa pelikulang Ang Pulubi (1969).
Nominado rin siya sa kaparehong kategorya para sa Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin (1997).
Ilan sa nagawa niyang teleserye ay ang Pangako Sa 'Yo (2000), Sineserye Presents: Patayin Sa Sindak si Barbara (2008), Mula Sa Puso (1997), at Kadenang Ginto (2018).
Read: Eva Darren, dinisrespeto sa 72nd FAMAS Awards?

NOVA VILLA
Mapa-komedya o drama, hindi magpapatalo si Nova Villa na nakagawa na ng mahigit 150 pelikula sa loob ng mahigit anim na dekada.
Bukod sa acting awards, recipient din siya ng Pro Ecclesia et Pontifice medal mula kay Pope Francis.
Ilan sa mga hindi malilimutang proyektong nagawa niya sa telebisyon at pelikula ay ang Chicks to Chicks (1979-1991), Home Along Da Riles (1992-2003), Pepito Manaloto (2012-present), 1st Ko si 3rd (2014), at Miss Granny (2018).
Read: Nova Villa, makahulugang ngiti ang sagot sa tanong kung naging sila ni FPJ

LEO MARTINEZ
Comedian at director si Leo Martinez na napanood sa mga pelikulang On the Job 2: The Missing 8 (2021), Juan Tamad at Mr. Shooli: Mongolian Barbecue (1991), Indecent Professor (1995), at Matinik Na Bading, Mga Syuking Buking (1997).
Naging director general din siya ng Film Academy of the Philippines (FAP).
Read: Leo Martinez opens up about son with Cherie Gil and his other children

LITO LAPID
Nakilala ang actor-public servant na si Lito Lapid bilang isa sa mga pambatong action stars ng Philippine Cinema.
Ilan sa movies na pinagbidahan niya ay The Jess Lapid Story (1978), Kastilyong Buhangin (1980), Yakapin Mo ‘Ko, Lalaking Matapang (1980), Pedro Tunasan (1983), Macho Gigolo (1986), Kamagong (1986), at Lapu-Lapu (2002).
Read: Senator Lito Lapid, pinag-iisipan na ang pagreretiro sa pulitika

GINA ALAJAR
Bata pa lang ay nakitaan na ng galing sa pag-arte si Gina Alajar na nagsimula bilang child star noong 1967. Mula noon ay kinilala na siya bilang isa sa pinakamagagaling na aktres sa local showbiz.
Kabilang sa mga pelikula niya ang Diborsyada (1979), Manila By Night (1980), Brutal (1980), Salome (1981), High School Scandal (1981), Kontrobersyal (1981), Moral (1982), at Mulanay: Sa Pusod ng Paraiso (1996).
Read: Award-winning actress-director Gina Alajar recalls her bold-star years

GORGY RULA
Mula 1960s hanggang 1980s, mahigit 800 nobela at maikling kuwento sa komiks ang nilikha ni Carlo J. Caparas.
Kabilang diyan ang Panday, Bakekang, Joaquin Bordado, Totoy Bato, Kamagong, Elias Paniki, Tasya Fantasya, Gagambino, Pieta, Mong, Kamandag, Agatona, Harimanok, Pangil, Kroko, Ayaw Matulog ng Gabi, Ang Huling Lalaki sa Baluarte, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.
Noong 2011 pa nagkapirmahan sa pagitan ni Direk Carlo J at ng big boss ng Viva na si Vic del Rosario Jr. para isapelikula o gawing teleserye ang mga obra ni Direk Carlo J.
Umeere ngayon sa TV5 ang teleseryeng Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka Sa Lupa na prinodyus ng Viva, at pinagbibidahan nina Kiko Estrada at Sarah Lahbati.
Ano ang mangyayari sa napakaraming kuwentong iniwan ni Direk Carlo J?
“Actually, regarding most of his works and Viva, nakita niyo naman po, like Lumuhod Ka Sa Lupa is in full swing,” pahayag ng daughter ni Direk Carlo na si Peach Caparas noong Mayo 27, Lunes, sa Golden Haven, C5 Extension, Las Piñas City.
“And it’s just going to ger better.”

CARLO J. CAPARAS'S UNPUBLISHED WORKS
Inamin ni Peach na may unpublished works si Direk Carlo. May mga nabuo itong bagong kuwento noong kasagsagan ng pandemya.
Pahayag ni Peach, “Iyon po ay production na din po namin yun. And hopefully, maybe… because the Del Rosario family has been very gracious to us and kind.
“And sobrang supportive po talaga. So maybe po na sa kanila din po. We’ve affiliated with Viva to do everything that my father did not want to release just yet.”
Nangako si Peach na dadalo sila ng kapatid niyang si CJ Caparas sa 7th the EDDYS para tanggapin ang parangal ng SPEEd para sa kanilang ama.
Read: Carlo J. Caparas: The real Panday
Siyanga pala, ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheets, tabloids, at online portals sa bansa.
Ang kasalukuyang pangulo ng SPEEd ay si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.
Ang Internal Vice President ay si Tessa Mauricio-Arriola ng The Manila Times, at ang External Vice President ay ang ka-Troikang Jerry Olea.
Kabilang pa sa officers sina Gerardine Fe Trillana ng Malaya Business Insight, Maricris Nicasio ng Hataw, Dondon Sermino ng Abante, Dinah Ventura ng Daily Tribune, Nickie Wang ng Standard Today, Ervin Santiago ng Bandera, at Rohn Romulo ng People’s Balita.
Founding members/advisors sina Eugene Asis ng People’s Journal, Ian Fariñas ng People’s Tonight, at Isah V. Red (RIP).
Consultants sina Nestor Cuartero ng Manila Bulletin at Tempo, at Dindo Balares ng Balita.
Board members sina Neil Ramos ng Tempo, Nathalie Tomada ng Philippine Star, Bobby Requintina ng Manila Bulletin, at Rito Asilo ng Philippine Daily Inquirer.
Associate members sina Jun Lalin ng Abante, Janiz Navida ng Bulgar, at Anna Pingol ng Pika Pika.
