JERRY OLEA
Nangangapa si Sylvia Sanchez nang unang dumalo sa Cannes International Film Festival noong Mayo 2022 sa France.
“Suntok sa buwan yun, lakasan ng loob!” bulalas ni Sylvia nang makatsikahan namin nitong Hunyo 5, 2024, Miyerkules, sa headquarters ng Aksyon Agad sa West Avenue, Quezon City.
Read: Lorna Tolentino, pinasok na ang pagiging producer; bumili ng mga pelikula sa Cannes
Gusto niya noong mag-full blast bilang producer. Pero gusto muna niyang matuto.
Pagpapatuloy ni Sylvia, “Ano yung bago ngayon? Especially wala nang theatrical, e. Mahina na talaga ang theatrical.
“So, saan ako kakapit? Anong genre? Lahat, di ba?”
Walang expectation noon si Sylvia na maibenta sa Cannes ang pelikulang Hey Joe na dala niya.
“Kasi, alam kong hindi pandoon, e. Hindi ginawa yung movie para doon, para pang-Cannes.
“So basta hoping lang, ganun. So pagdating dun, nakailang meetings ako, nakahingi ng mga schedule. Tapos wala na.
“Sabi ko, ‘Ay! Hindi na, parang wala, hindi talaga.’ So, nagpunta ako dun thinking na matututo ako, gusto kong matuto.
“Yun yon, hindi para makabenta. Naging daan ko lang yung Hey Joe… kasi nung time na yun, tapos na yung ginawa, inaayos pa nga namin.”
SYLVIA SANCHEZ RETURNS TO CANNES
Noong Oktubre 2022 ay bumalik din agad si Sylvia sa Cannes para sa pagpapalabas ng Cattleya Killer sa content market na MIPCOM.
Kasama niya ang mga anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde, pati sina Direk Ruel S. Bayani at Enchong Dee.
Read: Maine Mendoza, todo suporta sa bagong serye ni Arjo Atayde

“MIPCOM is series naman ang binebenta dun. So nagkaroon ako ng idea na ahhh OK, ito pala, mas natututo ako between TV and movie, alam mo yun,” lahad ni Sylvia.
“Iba lang din yung organizer ng MIPCOM, iba yung Cannes film festival. Pero kumbaga, ang isang na-gain ko sa MIPCOM is babalik ako sa Cannes next year na… nagkaroon na ako ng lakas ng loob.
“Parang… laban na ito! Pagbalik ni Sylvia sa Cannes noong Mayo 2023 ay kasama na niya si Lorna Tolentino, at dala nila ang pelikulang Topakk. Nakakuha sila roon ng distributor.
"Nabili naman nila ang distribution rights sa Pilipinas ng art films na Monster ni Hirokazu Kore-eda, at Silent Night ni John Woo.
“Hindi ka dapat mahiya dun, e. Bentahan yun, e, saka bilihan yun. Yun talagang palakasan ng loob, alam mo yun,” saad ni Sylvia, na COO ng Nathan Studios ng pamilya Atayde.
“Tapos hanggang sa slowly, nung nandun ako last year, nagkaroon na ako ng meetings ng kung sinu-sino. Natuto ako.”
Read: Ria Atayde, film producer na kasama ang mga kapatid
SYLVIA SANCHEZ GOES TO LOCARNO
After ng Cannes, nagsadya na sila sa Locarno filmfest bitbit ang Topakk. Nagtungo rin sila sa Fantastic Fest sa Austin, Texas.
“Yun yong kumbaga Oscars daw ng mga genre’ng action at horror kumbaga,” pakli ni Sylvia.
“Kung sa Cannes, art film. Doon sa Fantastic is all action, horror yung genre. Dun ako slowly natututo talaga.”
Sa Cannes noong nakaraang buwan ay nabili naman nila ang anim na pambatang animated films at isang South Korean horror film.
Babalik si Sylvia sa Cannes filmfest next year. Bale fourth consecutive year na niya roon, if ever.
Gamay na ba niya ang pasikut-sikot sa Cannes?
“Hindi pa masyado. Gamay ko na, pero hindi pa gamay na gamay,” pagmamatuwid ni Sylvia.
“Hopefully, meron akong ka-co-prod na ito ngang Singapore, meron kaming isang movie na dadalhin, isa-submit sa Cannes…
“Moonglow, ita-try din namin dun. So kung anong pumasok dun, di may pelikula kaming dala.
“Kung wala, pupunta pa rin ako as producer. Kasi gusto kong matuto.
“Gamay dun sa level from first year ko, second year, kumbaga nagle-level up. Ngayon, meron nang, ‘Hi, Sylvia!’ Gumaganun sa akin yung mga foreigners.
“Dati talaga, wala talaga. So meron ka nang… di ba? Meron na akong nagiging grupo dun, na mga mababait naman.
“Mababait naman ang mga tao dun, mga producers. So, kailangan lang talaga, lakas ng loob.”
Read: Triangle of Sadness, starring Filipino actress Dolly de Leon, wins Palme d'Or at Cannes 2022
GORGY RULA
Si Ria Atayde ang CEO ng Nathan Studios, kung saan kabahagi rin siyempre sina Arjo Atayde, Maine Mendoza, Zanjoe Marudo, at Gela Atayde.

Pahayag ni Sylvia, “Ino-open ko yung door muna para sa kanila. Ako muna nag-start, ganun.
“Tapos inaalam ko. Well si Ria ngayon, kapag nagzu-zoom meeting kami ng mga producers, ng mga foreign producers, kasama siya e. So, natututo na rin siya.
“Dito, ini-introduce ko. ‘Ito ang mga dapat lapitan natin.’ ‘Ito yung mga tutulong talaga.’ Yun yun.
“Kasi, like sabi ko nga, ako ang nag-umpisa but later on, sila-sila na ito, mga anak ko na ito.”
Read: Sylvia Sanchez welcomes Zanjoe Marudo to her family not just as son-in-law but as third son
Congressman si Arjo, kaya kina Ria at Gela iaatang ni Sylvia ang pamamahala eventually sa Nathan Studios.
“Gela, nakikinig na rin ngayon.”
Pati sina Maine at Zanjoe?
“Oo, kasi siyempre, mga anak ko na yun, e. Asawa ng mga anak ko na yun, e.
"Si Maine, Arjo. Si Zanjoe, Ria, so sinabihan ko silang dalawa na, ‘Dapat magiging involved kayo dito.’
“I mean, hawakan niyo, kayu-kayo magkakapatid, magtutulungan dito. Kasi sa inyo ito, e. Future nyo ito, e.
“Who knows, di ba? Maging bongga ito. Hindi natin alam, paano sa sipag at tiyaga, lakas ng loob. Meron at merong kahihinatnan ito lalo na nag-a-abroad.
“At ngayon nakikipag-collab na ang Nathan Studios sa mga foreign productions. So, malay mo, di ba?”
Kumusta sina Zanjoe at Maine sa Nathan?
“Okay naman sila, like nagtatanong kami, nag-usap kami. Ano yung movie na dapat? Ano yung dapat ibenta,” sabi ni Sylvia.
“Basta nagtatanong kung ano yung… nagtatanong ako ng advice sa kanila. Kasi panahon nila ngayon, e.
“Ano nila ngayon, generation nila. Ano yung dapat? Ano yung klaseng pelikula? Ano yung kakagatin ng mga ka-age nila?
“Si Maine, ang talino, ang galing ng utak nun. Si Zanjoe din, kasi siyempre, nasa showbiz yun. So, nai-involve. Gusto ko, sila magkakapatid na magtutulungan.”
Read: Sylvia Sanchez, tuwang-tuwa sa pagiging "misis na misis kay Arjo" ni Maine Mendoza
Siyempre, bubuo ng kani-kanyang pamilya sina Ria at Zanjoe, pati sina Maine at Arjo.
Paano pag nagkaroon na sila ng mga anak? Tututukan siyempre nila ang kanilang mga anak.
So, si Sylvia na rin muna ang magpapatakbo ng Nathan Studios kapag may mga apo na siya?
If ever, doon na muna sina Ria, Zanjoe, Maine at Arjo sa pag-aalaga sa kanilang supling?
Sagot ni Sylvia, “Hindi ba puwedeng sila sa Nathan, akin ang mga apo ko? Di ba? Ako na lang, tapos sila ang magpapatakbo ng negosyo.
“Kasi future nila ito, e. Siyempre, alagaan nila yung mga anak nila. But at the same time, sabi ko nga sa kanila, ayusin nila yung negosyo.
“Kasi, tinayo naman namin ito ng daddy nila dahil sila yung inisip namin, di ba?”
NOEL FERRER
Ano ang natutunan ni Sylvia noong first time silang bumili ng movies sa Cannes filmfest?
“Na-learn ko dun yung… actually ngayon, sad to say, mahirap bumili ng art film,” pag-amin ni Sylvia.
“Yun yung natutunan ko dun. Kasi, hindi kinakagat, e. I mean, sayang, kasi ang gusto ng Nathan, magdala dito ng magagandang movies ng award-winning directors, magaganda talaga.
“Gusto ko, pag sinabing Nathan, yun yon. Pero hindi kinakagat, e.”
Nagbago ang preference niya sa bibilhing mga pelikula?
“Gusto kong matuto. Ano’ng kakagatin? Suntok kami dun sa art film, hindi kinagat. Action, hindi kinagat,” sey ni Sylvia.
“So, ang tawag niyan, tingnan natin ang mga bata. Animation. Sa susunod, romance drama naman.
“Loveteam-loveteam, tinatanggap naman dito. Pero depende rin yun kung maganda, di ba?
“So sabi ko, animation tayo.”
STREAMING PLATFORMS
May mga movie producer na hindi na umaasa sa theatrical release, at mas target ang streaming platforms para pagpalabasan ng kanilang movies.
Tumango si Sylvia, “Sa sinehan, theatrical ngayon, patay. Totoo talaga yun, mahina talaga. Bihira talaga yung kumikitang movie ngayon sa theatrical except Metro Manila Film Fest.
“Pasko. So, kung gusto mong kumita, sumama ka dun. Kasi, andun talaga yun, di ba?
“E, itong pagpo-produce ko naman, ang target ko, hindi lang theatrical, e, kundi iba-ibang platform. Kasi, amin yung bibilhin namin e. Kami yung distributor, amin for seven years.
“So, dapat maganda lang yung movie mo, try mong ibenta yun.”
Bilang baguhang movie producer, saan siya umaasa?
“Ako, meron pa rin akong let’s say ito ngang festival, film festival. Before film festival, may theatrical. May theatrical, di ba, ang December, kumikita, e.
“Hoping pa rin ako dun.”
Sa sinehan?
“Ng December, before filmfest. Meron yan, e, di ba? Tapos yun nga, let’s say ibenta mo sa Netflix, ibenta mo sa Amazon, puwede yun.
“Ibenta mo sa mga streaming… merong ganun. Mabebenta mo pa rin yun. Saka hawak mo nga for seven years.”
