PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BarDa loveteam, masusubukan ang lakas sa box office

Despicable Me 4, nanguna sa box office sa Northat America at sa Pilipinas.
by PEP Troika
Published Jul 10, 2024
barbie forteza david licauco that kind of love
Barbie Forteza and David Licauco's first movie together, That Kind of Love, opens in local theaters this Wednesday, July 10, 2024.
PHOTO/S: PEP.ph

JERRY OLEA

Nanguna sa takilya ng North America nitong nakaraang weekend, Hulyo 5-7, 2024, ang bagong bukas na Despicable Me 4.

Ayon sa Box Office Mojo, $75M ang opening weekend gross sa North America ng nasabing animated comedy ni Gru at ng Minions.

Read: REVIEW: Minions magic continues in Despicable Me 4

Pagkatapos maging kampeon sa takilya ng U.S. at Canada for three consecutive weekends, pumangalawa na lamang ang animated coming-of-age film na Inside Out 2 with $30.3M.

Pinakamalakas na pelikula ng taon so far ang Inside Out 2, na ang worldwide gross ay umabot na sa $1.22B.

Read: Inside Out 2, lagpas $1 billion na ang kinita worldwide

Ang global gross ng Despicable Me 4 ay pasok agad sa Top 10. Pumuwesto agad ito sa number 8 with $231M.

Noong Hulyo 3, Miyerkules, nag-open sa local cinemas ang Despicable Me 4, kasabay ang Whisper, The Promised, Citizen of a Kind, at Kuman Thong: Black Magic Baby na dinirek ni Xian Lim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa source ng PEP Troika, tinatayang PHP63M to PHP65M ang kinita ng Despicable Me 4 sa unang linggo nito sa Pilipinas.

despicable me 4

NOW SHOWING: THAT KIND OF LOVE & MARUPOK A+

Ngayong Hulyo 10, Miyerkules, ang opening day sa local cinemas nationwide ng first BarDa movie, ang That Kind of Love.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ka-triangle dito nina Barbie Forteza at David Licauco si Kaila Estrada.

Kabilang sa taglines nito, “Two imperfect people entangled by fate because of their search for love.” “What if The Love Coach meets her Unexpected Match?” “Will Love Coach Mila be able to help Mr. Perfect find his match?”

that kind of love poster

Ngayong Wednesday rin ang opening finally ng Marupok A+ na dating Marupok AF ang title.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Exclusive sa Ayala Malls cinemas ang showing ng catfishing film na ito nina EJ Jallorina, Royce Cabrera, at Maris Racal.

Palabas na rin today sa mga sinehan ng bayang magiliw ang horror movie na Longlegs, at ang Fly Me To The Moon nina Channing Tatum at Scarlett Johansson.

Sa susunod na Miyerkules, Hulyo 17, magpapayanig naman ang Twisters. Kasabay nito ang opening ng foreign films ding Survive, Uranus 2324, at Escape.

twisters poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At sa Hulyo 24 magpapasabog ang marvelous BFF movie of the decade, Deadpool & Wolverine. Makikipagsalpukan dito ang horror thriller na All My Friends Are Dead starring JoJo Siwa and Jade Pettyjohn.

“Deadpool” vs “Dead”!

deadpool & wolverine poster

GORGY RULA

Ang daming curious kung dito sa That Kind of Love ay mapatutunayan ang lakas ng BarDa loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magbabayad kaya ang fans para panoorin ang pelikulang ito sa mga sinehan?

Read: That Kind of Love, must-watch para sa BarDa fans

Maganda naman daw at nakakakilig ang movie na idinirek ni Direk CC Camarillo. Kaya challenge ito sa tambalan nina Barbie Forteza at David Licauco.

Kakaiba kasi ang loveteam nila na hindi nag-iilusyon ang fans na magkakatuluyan sila dahil alam ng lahat na may kanya-kanya silang relasyon.

Sabi nga ni Barbie sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk, masuwerte sila dahil nag-hit ang tambalan nila sa Maria Clara at Ibarra.

Napakasuwerte raw nilang tinanggap agad ng mga manonood. Hindi kagaya ng ibang loveteams na talagang inalagaan at kung anu-ano pang ginawa ng mother studio para lang mag-click.

“Ilang beses pa ang iba na nagwo-workshop para makabuo ng chemistry. Marami pong ganun.

"Sobrang rare po talaga na magkaroon ng ganito agad, tapos ganito agad yung reception ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya talagang ano siya, luck talaga! We’re both very happy,” pahayag ni Barbie sa nakaraang interview sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda.

DAVID LICAUCO'S NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND

Dagdag na challenge pa nito, sa kalagitnaan ng promo ng kanilang pelikula, naglabasan sa TikTok ang sinasabing non-showbiz girlfriend ni David.

Makaapekto kaya ito sa kanilang pelikula?

Read: David Licauco spotted with alleged girlfriend in BGC

Ang payo ni Barbie kay David, “Just ano… kailangan alam mo yung priorities mo. Set your priorities straight, and then maybe you can also discipline the relationship, since you’re the man in the relationship.

“You can discipline it, and even your partner siguro, mas matuturuan mo siya nang maayos, di ba? Para mas mag-work yung relationship niyo,” bahagi ng pahayag ni Barbie nang hiningan ito ni Kuya Boy ng payo para kay David.

Curious din ako dito sa Marupok A+ na limitado lang ang mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang opening film sa Cinemalaya noong nakaraang taon, at nataong press conference naman ngayon ng 20th Cinemalaya para sa nalalapit na pagsisimula nito sa Agosto 2, 2024.

Read: Marupok AF ni Maris Racal, urong-sulong ang playdate

marupok af poster

May presscon din today ang reunion movie ng JoshLia na Un/Happy For You, na nakatakdang ipalabas sa Agosto 14 na sakop ng Ghost Month (Agosto 4-Setyembre 2, 2024).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kalagitnaan ng Hulyo, nakatakda nang i-announce ang first four entries ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) base sa script.

Pasok kaya sa first 4 ng MMFF 2024 iyong movie na kasama sina Maris Racal at Anthony Jennings?

NOEL FERRER

Good luck sa BarDa loveteam! Ito na ang determining factor ng drawing power ng loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco.

Good luck din sa Marupok A+ ni Maris Racal.

Kung ang pelikulang Pilipino ay medyo effort para kumita, iba naman sa teatro.

Major box-office hit ang One More Chance ng PETA, at Grace na huling obra maestra ni Floy Quintos na parehong magkakaroon ng rerun soon.

Read: Sam Concepcion, sakdal husay sa One More Chance The Musical

Pati ang Mula Sa Buwan nina Myke Salomon (na nanalong Best Actor in a Musical sa Gawad Buhay) at Gab Pangilinan (na kasama ni Myke sa Best Musical Production of an Existing Material na Last Five Years).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin nila sa Mula Sa Buwan ang namamayagpag ngayong si Phi Palmos, na kasama rin sa What’s Wrong With Secretary Kim at Widows’ War, at may pelikulang ipapalabas sa katapusan na How To Slay A Nepo Baby.

Buhay na buhay ang teatro. Sana, ganoon din sa pelikulang Filipino!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza and David Licauco's first movie together, That Kind of Love, opens in local theaters this Wednesday, July 10, 2024.
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results