PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jodi Sta. Maria, "woman in love" nga ba?

Guess ano ang sagot niya?
by PEP Troika
Published Apr 1, 2025
jodi sta. maria may "untold" story
Jodi Sta. Maria, may "untold" story during the presscon for her horror movie under Regal Entertainment?
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Sa pagsisimula ng media conference ng horror film na Untold, which is produced by Regal Entertainment, nakakaintriga ang pasakalye ni Ms. Gloria Diaz.

Sa harap ng press na nagtipun-tipon sa Valencia Events Place, Quezon City, noong Lunes, March 31, 2025, inilarawan niya ang bida ng pelikula na si Jodi Sta. Maria bilang "woman in love."

Pagdating sa question and answer portion (Q & A), tinanong ng Bulgar entertainment editor na si Janice Navida ang dating Miss Universe, pero ang safe na ang sagot niya.

"She’s in love with her work, with our movie,” pakli ni Ms. Gloria.

Read: Gloria Diaz "no filter" ang obserbasyon sa beauty pageants

Pinilit pa rin siyang mag-elaborate tungkol sa sinabi niya.

"She will share it,” mabilis na sagot ni Ms. Gloria.

Sabi naman ni Jodi, "I don’t think so, kaya nga untold."

jodi sta. maria mum about love life
Jodi Sta. Maria mum about love life
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JODI STA. MARIA ON LOVE LIFE

Nang kinulit ng mga reporters si Jodi matapos ang Q & A, napaka-safe ng sagot niya.

Taong 2020 ang huling napabalitang relasyon ni Jodi.

Matatandaang inilabas ng PEP Troika ang "dating" status nila ni Raymart Santiago.

Read: Raymart Santiago, kinumpirma ang pagkakamabutihan nila ni Jodi Sta. Maria

After year 2021, naging tahimik ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon.

At that time, hindi pa annulled ang kasal ni Jodi sa ex-husband na si Pampi Lacson. Na-finalize lang ito noong June 2024.

May mga isyu rin si Raymart at ang estranged wife na si Claudine Barretto.

Back to Jodi's love life, aniya, “Alam mo, I’m the type of person na kung titingnan mo, yung social media ko, makikita mo dun, lover of life.”

Pinush pa rin ng reporter na ito: Ibig sabihin ba ay romantically in love siya?

Natatawa lang siya at hindi niya ito sinagot,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit ng aktres, “Ikaw talaga, Gorgy. You’re naughty.”

Basta pagdating sa pag-ibig, eto lang ang masasabi ng bida ng Untold:

"I am in love with life in general. And if you’re going to ask me about that, I would say na yun nga, tulad ng sabi ko, nasa social media ko iyan, I’m a lover of life.

"So I am in love na.”

Hindi pa rin nag-give up ang press, pero consistent si Jodie sa kanyang sagot:

“I was asked that question before, and I’ve also answered that question before din na ako naman yung type of person who never loses faith in love. Yun lang po.

"Napakaimportante ng love in all aspect. Hindi lang ito limited sa romantic relationships, but also friendships, also love for work, love for career. In the general aspect also,” ang safe pa ring sagot ng premyadong aktres.

Read: DID YOU KNOW? Heart Evangelista and Jodi Sta. Maria are cousins?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Sa April 30 na ang showing sa mga sinehan ng Untold na dinirek ni Derick Cabrido, at timely ang pagtalakay ng pelikulang ito sa isyu ng fake news.

May pagka-fake news peddler kasi ang role ni Jodi.

“Ang akin lang, kung ano yung mensahe, kung papano mag-i-speak yung movie sa mga tao, sana bigyan nila ng halaga yun.

“Kung paano mapi-pique ng movie na ito yung kanilang interes, or maybe their conscience, sana pakinggan nila yun,” sabi ni Jodi.

JODI STA. MARIA ON FAKE NEWS

Last year pa nila ito natapos at nagkataon na ngayon lang ito maipalalabas habang pinag-uusapan kung gaano katindi ang epekto ng fake news sa ating lipunan.

“May mga bagay kasi na hindi natin kontrolado. For example, yung mga fake news peddlers, hindi natin sila kontrolado."

Ang sunud-sunod na tanong ng Kapamilya star, "Ba’t nila ginagawa yun? Ano yung motivation nila? Ano yung rason nila for doing so? Because may pinaglalaban ba talaga sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito ba talaga ay dulot ng kung ano man ang pinaniniwalaan nila or is it because [of] survival? Because they’re getting something out of it?

“Kung alam nating hindi na natin sila mako-control, then nasa sa atin na yun, e, na mag-fact check. Let’s do our due diligence.

“Titingnan natin kung gaano katotoo o hindi yung mga bagay na nababasa natin. Kasi ngayon, may mga bagay na sabihin mo na, it might sound true, but it’s not actually true.

“Or sometimes, they make the truth with a lie, so magmumukha pa rin siyang parang totoo.

“So yun nga, e, parang magandang ipanawagan sa mga tao din na mag-fact check kayo sa lahat na nababasa ninyo. Wala namang problema dun.

“Because maganda rin na makakadagdag din sa kaalaman ninyo.

“And I think, siyempre it’s also the role of the government to create laws na mapoprotekta sa mga tao na nabibiktima ng fake news at siyempre ma-reprimand yung mga tao na gumawa nito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Celebs, inimbitahan ng Kongreso dumalo sa probe ng fake news

NOEL FERRER

Pinag-uusapan sa kongreso kung paano masusugpo ang fake news at kung paano mape-penalize ang mga taong nagkakalat nito.

Sa mga susunod na hearing para sa usaping ito, maaring mag-imbita sila ng kilalang celebrities na naging biktima ng fake news.

Kung sakaling imbitahin siyang dumalo sa hearing, pupunta ba siya?

“Kung ano siguro ang maitutulong ko, kung sa palagay nila importante yung boses ko at yung sasabihin ko, bakit naman hindi?

“Kasi it’s really for, for ano naman ito, for the Philippines. Para rin naman ito sa mga kababayan natin.

“Tulad nga ng sinabi ko kanina, wala namang taong nabubuhay para sa sarili lamang. Lahat tayo, may responsibilidad tayo sa isa’t isa,” saad ni Jodi.

Hindi lang maalala ni Jodi kung kailan siya nabiktima ng fake news.

"Bihira kasi ako tumambay sa internet. It’s actually parang may friends na magme-message sa akin, mag-viber na, 'Okay, lumabas ito. Is this true?' ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang gagawin ko kapag may mga ganyang klaseng news, babasahin ko siya, and I would tell, let’s say that person, whoever sent it to me, whether it’s true or not.

"But then, I mean para ma-affect ka talaga on a deep level? I tried to somehow manage my emotions, especially kapag may mga sinasabi sa iyong below the belt.

"Pero ang pinakaimportante sa akin is yung paano kung nalagay doon sa isang site ang story [and] walang kakayanan na i-explain yung sarili niya, maipagtanggol yung sarili niya?

"Ang pinag-land-an nung sabihin nating fake news na yun ay hindi man lang magpa-fact check [o] gagawin yung diligence niya o magbe-verify?

"So madali silang mabibiktima nung mga bagay na hindi totoo at madali silang mapapaniwala."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jodi Sta. Maria, may "untold" story during the presscon for her horror movie under Regal Entertainment?
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results