PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kathryn Bernardo, most desirable Pinay ngayon?

Team Incognito vs Team Senior High sa ABS-CBN Ball?
by PEP Troika
Published Apr 7, 2025
kathryn bernardo abs-cbn ball
Sa dami ng nali-link at sinasabing nanliligaw sa kanya ngayon, tila ang Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo ang most desirable Filipina sa kasalukuyan.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

JERRY OLEA

Si Kathryn Bernardo ba ang Most Desirable Filipina ngayon?

Umugong ang tsikang nililigawan ni Alden Richards si Kathryn bago pa mag-showing noong Nobyembre 13, 2024 ang reunion movie nilang Hello, Love, Again.

Read: Kathryn, Alden develop deeper friendship in Hello, Love, Again

Ang KathDen reunion movie ang pinakamalakas na Pinoy movie sa kasaysayan, hindi adjusted sa inflation. Umabot sa PHP1.6B ang kinita nito sa takilya.

Merong mga hopia at asado na magtatambal muli sina Kathryn at Alden sa Pinoy adaptation ng K-drama na Queen of Tears.

Read: KathDen follow-up project, pinag-uusapan ng GMA at ABS-CBN

kathryn bernardo alden richards hello love again
Kathryn Bernardo and Alden Richards at the premiere of Hello, Love Again.
Photo/s: Star Cinema
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERICHO ROSALES

Nag-overlap noon ang usap-usapang nagpapalipad-hangin din si Jericho Rosales sa ex ni Daniel Padilla.

Take note na ang 45-anyos na si Jericho ang gumanap na Angelo Buenavista sa orig na teleseryeng Pangako Sa ‘Yo (Nobyembre 2000-Setyembre 2002), kung saan si Kristine Hermosa ang Yna Macaspac.

Sa remake ng Pangako Sa ‘Yo (Mayo 2015-Pebrero 2016) ay si Kathryn ang Yna, at ang Angelo ay si Daniel.

Nasa cast din si Andrea Brillantes bilang Lia Buenavista, younger sister ni Angelo.

Naudlot ang romance sa pagitan ng OG Angelo at bagong Yna.

Read: Kathryn Bernardo clarifies late night jog with Jericho Rosales

kathryn jericho night jog
Kathryn Bernardo and Jericho Rosales were spotted during a night jog.
Photo/s: Joanne Canja Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARK ALCALA AND DONNY PANGILINAN

May mga ibang pogi pang na-link sa 29-anyos na si Kathryn.

Andiyan ang 28-anyos na mayor ng Lucena City na si Mark Alcala, na ex-boyfriend ni Ashley Ortega.

Read: Mayor Mark Alcala nanliligaw ba talaga kay Kathryn Bernardo?

Who is Mark Alcala, Lucena City mayor and possible suitor of Kathryn Bernardo, as learned by PEP.ph -- from his leadership strides up to the latest gossip about his romantic life.
Mark Alcala is a rumored suitor of Kathyrn Bernardo.
Photo/s: Screengrab from Facebook | Mark Alcala
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Season 7 ng Pilipinas Got Talent (PGT), kasama ni Kathryn bilang hurado sina Freddie "FMG" Garcia, Donny Pangilinan, at Eugene Domingo.

Sabi-sabi, litmus test ito para sa chemistry ng KathDon. Baka mas bagay raw na sina Kathryn at Donny ang magtambal sa remake ng Queen of Tears.

Read: Rigodon de Amor: From KathDen to KathDon and DonBelle to RoBelle?

May nagbanta sa PGT host na si Robi Domingo. Huwag daw nitong isi-ship ang 27-anyos na si Donny kay Kathryn, or else…

Take note na ang ka-loveteam ni Donny na si Belle Mariano ay nag-guest sa Kapamilya teleseryeng Incognito, kung saan isa sa pitong bida si Daniel Padilla.

Read: Robi Domingo fires back at netizen opposing Kathryn-Donny pairing

pilipinas got talent judges
Pilipinas Got Talent judges: (L-R) Freddie M. Garcia, Kathryn Bernardo, Eugene Domingo, and Donny Pangilinan
Photo/s: ABS-CBN
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DAVID LICAUCO

Sa Body of Work: The Bench Show noong Marso 21, 2025 sa SM Mall of Asia Arena, opening si Alden at finale si Kathryn.

Walang highlight na magkasama sila sa pagrampa. Pinakatilian sa star-studded fashion extravaganza — kung saan sanib-puwersa ang mga Kapuso at Kapamilya — si Kathryn at ang SB19.

Sa curtain call ay may moment si Kathryn with David Licauco.

Noon pa vocal ang 30-anyos na si David na idol niya si Kathryn maging si Daniel, at pangarap ni David na makasama sa isang Star Cinema project si Kathryn kahit suporta lang siya.

Nakakakilig ang KathDav, or is it KathVid?

Read: David thrilled to read writeups about him and Kathryn

David Licauco and Kathryn Bernardo short interaction during Body of Work: The Bench Show.
David Licauco and Kathryn Bernardo short interaction during Body of Work: The Bench Show.
Photo/s: Courtesy: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CHRISTIAN SINGSON

Sa presscon ng pelikulang Beyond the Call of Duty noong Abril 1, Martes, sa mansion ni former Governor Chavit Singson sa Corinthian Gardens, inamin ng anak nitong si Christian Singson na pangarap niyang makatambal si Kathryn.

“Ang galing kasi niya. Saludo ako sa akting niya!” bulalas ng 28-anyos na si Christian.

Hanggang pangarap lang iyon at walang balak si Christian na manligaw kay Kathryn dahil engaged na siya.

Kasama rin si Christian sa cast ng pelikulang Samahan ng mga Makasalanan kung saan bida si David Licauco, at ipapalabas na iyon sa Abril 19, Black Saturday.

Producer ng Samahan ng mga Makasalanan at Beyond the Call of Duty si Chavit.

Ano raw kaya kung mag-produce si Chavit ng movie starring Kathryn, at kasama sa cast si Christian?

Read: WHAT PEP KNOWS: Stars vying for Kathryn Bernardo?

christian singson
Christian Singson, son of Chavit Singson
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ABS-CBN BALL 2025

Sa Brighter Together: The ABS-CBN Ball 2025 noong Abril 4, Biyernes, sa Solaire North, Quezon City, ang pinakamaningning na stars ay sina Vice Ganda at Kathryn.

Dumalo rin doon si Daniel, at ang takaw-pansin na si Andrea Brillantes.

Sa pagkakaalam ko, this is the first event na nagkasama-sama ang Pangako Sa ‘Yo stars na sina Kathryn, Daniel, at ang 22-anyos na si Andrea — matapos ang official announcement ng KathNiel breakup noong Nobyembre 30, 2023.

Read: Kathryn, Daniel, Andrea, nagkita-kita kaya sa ABS-CBN Ball?

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Andrea Brillantes
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, and Andrea Bllantes at the ABS-CBN Ball 2025.
Photo/s: @niceprintphoto / @pepalerts / @niceprintphoto Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At eto na… lumutang ang intrigang kesyo nagkainitan sina Daniel at Kyle Echarri dahil kay Kathryn.

Nadadawit sa usapin sina Juan Karlos (na kasama sa remake ng Pangako Sa ‘Yo) at Richard Gutierrez.

Incognito vs Senior High ba ito?! Ang haba-haba ng hair ni Kathryn!!!

Read: Daniel at Kyle, nagkainitan sa after-party ng ABS-CBN Ball?

NOEL FERRER

Oo nga, parang anything Kathryn Bernardo does nagiging malaking balita.

Para nga raw naging Team Incognito and Team Senior High ang involved.

But I got this from an insider — parang wala na raw muwang noong mga panahong yun si Daniel Padilla sa sinasabing kaguluhan sa ABS-CBN Ball involving Kathryn and Kyle.

At least, na-set ang record straight.

Ibang klase rin!

Kung sa GMA Gala noong Hulyo 2024 ay sexual harassment ang aftermath, sa ABS-CBN Gala naman ay tila epekto ng flowing alak ang pinag-uusapan.

Ganyan ba talaga kapag may party-party?!

Naku, medyo nasa tito-tita stage na tayo at medyo exempted na sa ganitong concerns.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Standout beauties at ABS-CBN Ball 2025

GORGY RULA

May ilang taong malapit sa kampo ni Kathryn Bernardo na napagtanungan ng PEP Troika.

May kasama raw na iba ang aktres sa buong event sa Solaire North, kahit nandiyan sina Kyle Echarri, Dolly de Leon, Piolo Pascual, Juan Karlos, Donny Pangilinan, at Belle Mariano.

Sa pagkakaalam daw nila ay hindi na umakyat si Kathryn sa Skybar para sa after-party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nakapansing doon pa lang sa mismong ABS-CBN Ball ay medyo nagkakagirian na raw sina Kyle at Daniel.

Nandoon din daw si Richard Gutierrez kasama ang iba pang taga-Incognito.

Maaaring iyon ang dahilan kaya hindi na sumama si Kathryn sa after-party kaya wala raw itong kaalam-alam kung meron ba talagang gulong nangyari sa Skybar.

Baka na-misinterpret lang daw ang pagiging touchy ni Kyle kay Kathryn.

Sabi ng isang napagtanungan namin, parang "baby-baby" ng grupo si Kyle, bilang siya ang pinakabata at may pagkamakulit daw talaga ito. Wala raw malisya yung pagiging malapit ni Kyle kay Kathryn.

Pero dahil sa isyung iyan, lalo tuloy naging desirable ang Box-office Queen, at pati ang nali-link o nai-involve sa kanya ay napapag-usapan.

WHO IS KENNETH?

Nung Linggo ng gabi, Abril 6, 2025, nag-trending si #Kenneth na nabanggit ni Kathryn sa Pilipinas Got Talent.

Si Kenneth daw ang first crush ng aktres noong Grade 2 pa lamang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naikuwento ito ni Kathryn sa mga kasamahan niyang judges at hosts sa Pilipinas Got Talent.

Lahad niya: “Crush ko, siguro Grade 2 ako nun sa probinsiya namin.

"Yung first ever, mestizo siya. E, pag crush ko, mas lalo ko yun hindi kakausapin.

“Mas lalong hindi mo talaga mararamdaman, kahit isabit mo ako, hindi ko aaminin na crush kita, yung ganun.”

Pinilit siya ni Melai Cantveros na sabihin kung sino ito.

“Okay. Ang name niya ay Kenneth,” napangiting sabi ni Kathryn.

Ayun! Hinanap na ng netizens kung sino itong “Kenneth” na first crush ni Kathryn, at may nakalkal sila sa Facebook na isang doktor na raw ito ngayon.

May lumabas na picture sa X, pero hindi naman nakumpirma kung siya na ba talaga si Kenneth na tinutukoy ni Kathryn.

Malamang nagulo na ang buhay ngayon nitong si “Kenneth” na first crush ni Kathryn Bernardo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa dami ng nali-link at sinasabing nanliligaw sa kanya ngayon, tila ang Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo ang most desirable Filipina sa kasalukuyan.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results