PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Litrato ng prosthetic penis ni Paulo Avelino sa Fan Girl, viral sa social media

The truth is out!
by PEP Troika
Published Dec 27, 2020
Naging usap-usapan sa social media kung totoo o peke ang ari ni Paulo Avelino sa isang mahalagang eksena sa MMFF 2020 entry na Fan Girl. Kahapon, December 26, lumabas ang larawan ng prosthetic penis na ginamit umano ni Paulo sa pelikula.
PHOTO/S: Noel Orsal / Screen grab from Twitter

JERRY OLEA

Nag-world premiere ang pelikulang Fan Girl noong Oktubre 31, 2020 sa 33rd Tokyo International Film Festival ng Japan.

Sa online review ni Deborah Young noong Nobyembre 3 para sa Hollywood Reporter, binanggit na may frontal nudity si Paulo Avelino sa pelikula.

Excerpt sa nasabing film review: “Also remarkable is the decisiveness with which Filipino star Paulo Avelino, who plays himself, puts his name and body on the line. Though the character he plays comes across as fictional, the role involves male frontal nudity and various degrees of misbehavior that could be a cold shower (or perhaps titillating) to his rom-com fans...”

Sa virtual mediacon ng 46th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Nobyembre 24, nagbiro ang direktor ng Fan Girl na si Antoinette Jadaone, “After three days, in-accept na ni Paulo iyong role. Ang question lang niya, kung may frontal nudity. Charot!

“Hindi. Ang tanong niya, kung sino ang gaganap na fan girl. At the time, wala pa kaming napili...”

Disyembre 4, inurirat ko ang isang taong malapit kay Paulo kung nag-frontal ba ang aktor sa movie.

“Secret,” sagot ng taong malapit kay Paulo.

Disyembre 7, digital conference at trailer launch ng Fan Girl.

Nang uriratin si Paulo tungkol sa eksenang nag-frontal siya, ang sabi niya, “Ahhm, actually, to be honest, parang... para sa akin, hindi naman talaga kailangan pero kung mapapanood niyo iyong eksena, mas nae-enhance niya... iyong nangyayari.

“So, kumbaga, kung ipapaintindi mo sa audience... audience mo na ano, na nasa level three lang ito... ito, kapag napanood nila, umaangat iyong.... iyong... iyong gustong ibigay nung eksena para umabot sa level ten, parang ganun.

"At feeling ko, nag-work naman. Saka hindi ko lang alam, baka gusto lang talaga ring makita ni Direk Antoinette yung mga..."

Disyembre 25, Biyernes, nag-umpisa ang streaming ng Fan Girl bilang isa sa sampung official entries ng MMFF 2020.

Sa eksenang nabosohan ni Jane (karakter ni Charlie Dizon) si Paulo habang umiihi, nag-text ang fan girl sa kaibigan, “Baklaaaaa! Nakita q uten ni paulo!!!!!!!!! Ang laki!!!!!!!!!! wahhhh”

Madaling-araw pa lang ng Pasko, kumalat na ang screen shots at video clips ng eksenang “notary public.”

Sandamukal agad ang nagduda na “fake news” ang ipinasilip ni Paulo.

Disyembre 26, Sabado, naglipana na sa YouTube, Facebook, Messenger, at Telegram ang kabuuan ng Fan Girl.

Kumalat na rin ang litrato ng prosthetic penis na ginamit umano sa pelikula.

Nag-message at nag-text ang PEP Troika sa nag-claim umano na gumawa ng nasabing prosthetic penis, pero at this writing ay hindi pa ito sumasagot.

Ipinadala rin ng PEP Troika via Messenger ang litrato ng prosthetic penis sa isang taong malapit kay Paulo.

Mabilis ang reply ng taong iyon—litrato ng Christmas tree na ang nakasulat, “We wish you a Merry Christmas.”

GORGY RULA

Para sa akin, mahalaga ang eksenang iyon na nasilip ni Jane (Charlie Dizon) ang ari ni Paulo habang umiihi.

Nang nakasakay si Jane sa pick-up ni Paulo, ang ganda ng ngiti niya habang nakahiga at nakatingin sa langit.

Langit para sa kanyang kasama na niya sa sasakyan ang hinahangaan at iniidolong aktor.

Pero nang nakita na niya ang private part ng aktor at umiihi ito, doon na rin nagsimulang pinasok niya ang pribadong bahagi ng aktor.

Doon na nagsimula ang pagkilala niya sa totoong pagkatao ng aktor. Ibang-iba ito sa pagkakakilala niya.

Kaya kailangang gawin ni Direk Antoinette Jadaone ang eksenang iyon.

Totoo man o prosthetics, walang kaso. Hindi na isyu. Isa lamang yun sa mahahalagang eksena ng isang magandang pelikula.

Kaya mas mabuti sigurong ang ganda ng kuwento, at ang galing ng pag-arte ang mas pansinin kesa sa ari ng aktor.

Baka mamaya, sabihin pa ng iba na karapat-dapat talagang manalong Best Actor si Paulo dahil nagpakita ito ng ari niya.

Iyon tuloy ang napansin at pinag-usapan, keber na yung medyo flabby niyang katawan.

NOEL FERRER

Sana naman ay panoorin pa ang pelikulang Fan Girl higit pa sa sinasabing frontal nudity ni Paulo Avelino.

Kebs na kung totoo o fake yun, pero at least, there is this daring actor that measured up to the challenge of the role.

I was thinking lang, paano pala kung si John Lloyd Cruz iyon o si Jericho? Iba rin, di ba?

Oh well, speaking of international festivals, in-announce din ni Direk Mac Alejandre na ang kanyang pelikulang Tagpuan ay naimbitahan upang maging entry sa Dhaka International Film Festival sa isang buwan.

Magandang balita ito lalo pa’t maiso-showcase ulit ang husay ng pelikulang Pinoy sa ibang bansa.

Ano kaya ang nasa Dhaka pa roon, Tito Gorgy?

JERRY OLEA

Sa pelikulang Loretta (1994) na idinirek ni Mel Chionglo, may eksenang hawak ni Ruffa Gutierrez ang putol na ari ng asawa (Gabby Concepcion).

Siyempre, huwad ang aring iyon, maging ang ari supposedly ni Paolo Rivero na pinutol ni Jodi Sta. Maria sa pelikulang Chassis (2010) na idinirek ni Adolf Alix Jr.

Ayon sa isang insider, ang prosthetic penis na iyon ni Paolo ay siya ring ginamit ni Adrian Sebastian sa pelikulang Amor y Muerte (2013) na idinirek ni Ces Evangelista.

Halata ring huwad ang supposedly ari ni Carlos Morales na tinangkang putulin ni Monique Wilson sa pelikulang Laro Sa Baga (2000) na idinirek ni Chito S. Roño.

Sa Episode 5 (“Ivan & Jack”) ng Unlocked anthology ni Direk Adolf Alix Jr. na nag-streaming noong Agosto 6, 2020, Huwebes sa GagaOOLala, may frontal nudity ang bidang si Gold Azeron.

Agosto 10, Lunes, sa Facebook live session, inamin nina Gold at Direk Adolf na gawa sa Singapore ang prosthetic penis sa eksena.

Siyempre, peke rin iyong pagpo-frontal ni Gold bilang intersex sa pelikulang Metamorphosis (2019), kung saan tinanghal itong best actor sa 15th Cinema One Originals at 4th Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sa dalawang bagong pelikula ni Direk Joel Lamangan na Lockdown at Anak ng Macho Dancer, tunay ang pagpo-frontal ng mga bidang sina Paolo Gumabao at Sean de Guzman, respectively.

Maging ang supporting actors sa dalawang pelikula ay totoo ang inilantad na ari.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging usap-usapan sa social media kung totoo o peke ang ari ni Paulo Avelino sa isang mahalagang eksena sa MMFF 2020 entry na Fan Girl. Kahapon, December 26, lumabas ang larawan ng prosthetic penis na ginamit umano ni Paulo sa pelikula.
PHOTO/S: Noel Orsal / Screen grab from Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results