JERRY OLEA
Lead actor si Jerome Ponce sa pelikulang Katips ni Direk Vince Tañada, at kasama sa cast niyon ang girlfriend niyang si Sachzna Laparan.
Pinag-usapan ang socmed post ng magkasintahan kung saan nanood sila ng pelikulang Maid in Malacañang ni Direk Darryl Yap.
Magkasabay nag-showing noong Agosto 3, 2022 ang Katips at Maid in Malacañang.
Read: Is Vince Tañada disappointed at Katips star Jerome Ponce for watching Maid In Malacañang?
Ang next movie ni Direk Vince na Ako Si Ninoy starring Juan Karlos “JK” Labajo ay palabas na sa local cinemas umpisa Pebrero 22, 2023, Miyerkules.
Kasabay nito ang showing ng Bakit Di Mo Sabihin?, The Whale, at Sound of Silence.
Sa Marso 1 naman ang showing ng follow-up movie ni Direk Darryl na Martyr or Murderer, kasabay ang Oras De Peligro ni Direk Joel Lamangan, at ang Creed III.
Kasama sina Jerome at Sachzna sa cast ng Martyr or Murderer bilang young Ninoy Aquino at young Cory Aquino, respectively.

Matatandaang kontrobersiyal ang pagganap ni Giselle Sanchez bilang Tita Cory sa Maid in Malacañang.
Nag-hesitate ba si Sachzhna gumanap bilang young Cory, o OK lang dahil co-stars pa rin sila ni Jerome?
“Hindi. I mean ahhh, hesitation, wala din,” sambit ni Sachzna sa engrandeng mediacon ng Martyr or Murderer noong Pebrero 20, Lunes, sa Las Casas Filipinas de Acuzar, Roosevelt Ave., Quezon City.
“Kasi before niyan, nasa movie ako ng kabila, pero nanood kami sa Maid in Malacañang. So there’s no hesitation.
“Kasi family ko talaga is pro-Marcos talaga. So, I mean, ahhmm, wala silang kahit na anong galit. So, nung sinabi ni Jerome na, ‘Puwede ka raw ba?’ Siya kasi ang nauna, e. ‘Puwede ka bang kunin as young Cory?’
“Umoo agad ako at tuwang-tuwa agad ang mama ko lalo. Sabi ko, ‘Sige.’ And after nun, dire-diretso na, nakilala ko si Direk Darryl.”
Natuwa ba siya sa naibigay sa kanyang role na young Cory?
“Natuwa, opo, natuwa naman. Pero siyempre ahhmm, yung ginampanan ko, e, hindi naman kung sinu-sino,” sagot ni Sachzna.
“So, medyo pressure sa akin. At kailangan ko talagang… I mean, yung katangian niya, kung sino at ano si former President Cory Aquino.
“At nakaka-pressure lang. Siguro, yun lang ang para sa akin, pressured ako. And at the same time, grateful ako, kasi nalagay ako sa ganitong posisyon.”
Ang Martyr or Murderer ay co-produced ng Viva Films at ni Senator Imee Marcos.
GORGY RULA
Maba-bash kaya siya sa portrayal o characterization niya kay Tita Cory?
“Sana wala. Sana wala, kasi kahit ano naman ang gawin natin, andiyan pa rin ang bashing e,” sambit ni Sachzna.
“I mean, katabi na ng bashing yung ginagawa namin ngayon. Makita man nila ang karakter dito o hindi, may bashing na diyan.
“So, nabuhay na tayo sa bashing. Kasi as a social media influencer, siguro immune na ako dun.”
Ikaapat o ikalimang acting job ni Sachzna itong Martyr or Murderer. Nae-enjoy na niya ang pag-aartista?
“Nae-enjoy ahhh, ito na-enjoy ko ito! Pero kasi, iba ang social media sa pag-aartista. So, nag-a-adjust pa ako,” pag-amin ni Sachzna.
“Yung mga ginagawa nila, yung pressure mo. Kasi ang social media, hindi ka naman talaga lalabas, e. Ganito, post lang. Mag-trend, viral, ganyan.
“Pero sa pag-aartista, ibang klase na ito. Iba yung pinasok ko, andun dapat ang eagerness na matuto, na dapat tama yung pino-portray mo. Or OK ang pino-portray mo, nakikinig ka sa direktor.
“Sa social media, wala kang direktor, e. Sarili mo lang ang direktor.”
Kumusta ang Valentine’s Day nila ni Jerome?
Napangiti ang dalaga, “Actually, kauuwi ko lang kaninang 3:00 a.m. Galing kaming New Zealand ni Jerome. February 7 pumunta na kami dun, dun kami nag-Valentine week.
“Tomorrow mag-flight namin kami pa-Japan ni Jerome. Vacation ulit. Uuwi kami sa February 27 para naman sa premiere night.”
NOEL FERRER
With no judgement, just a statement of facts, Jerome Ponce is the kind of artist that goes where the role and work and money is — just as his acceptance of roles in Katips and Martyr or Murderer.
May mga ganito naman — or correct that — maraming ganito naman talaga! Truly, we are defined by our choices.
