PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beauty shares hubby's funny sitcom response

May consistent bilin din siya tuwing may kissing scene si Beauty.
by Rose Garcia
Published Apr 23, 2023
Beauty Gonzalez and husband Norman Crisologo
Beauty Gonzalez on husband Norman Crisologo's reaction to her upcoming project with Bong Revilla: “Sabi nga niya, ‘Babes, ilabas mo lahat ng Bisaya mo rito sa bahay." She will play Bisaya wife in the sitcom.
PHOTO/S: @beauty_gonzalez on Instagram; Noel Orsal

Hindi lang si Beauty Gonzalez ang happy sa sitcom niyang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis with Bong Revilla, pati ang mister ng aktres na si Norman Crisologo.

"Natuwa siya," ang bungad na kuwento ng Kapuso leading lady.

“Sabi nga niya, ‘Babes, ilabas mo lahat ng Bisaya mo rito sa bahay. Kailangan galingan mo diyan.’ So, sobrang happy siya and sobrang supportive siya."

May mga iba pa raw bilin si Norman kay Beauty.

“Sabi nga niya sa akin, ‘O, wag kang masungit, ha. Kasi dire-diretso ang taping mo niyan.'

"Kasi, mag-aabot sila sa Stolen Life. Sabi ko, 'Hindi ah, matagal ko na itong pinangarap, ano? Diretso lang ako.'

"Okay naman siya, walang problem sa kanya and sobrang supportive ng husband ko.”

At may consistent bilin daw ang art curator sa tuwing uuwi ang misis mula sa kanyang taping.

Ayon kay Beauty, na natawa, “Sabi niya lang sa akin, just like all the boys na naging ka-love team ko, from Gabby [Concepcion] to Albert [Martinez] to Kelvin [Miranda] to Ariel [Rivera], make sure you brush your teeth before you come home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’ve been love-team with all these guys, and yun lang ang bilin niya sa akin. ‘Baby, you have a kissing scene today?’ Yeah, parang meron. ‘Did you brush your teeth?’ Wait lang.”

READ Beauty Gonzalez says 15-year age gap is not a problem to her and husband Norman Crisologo

Hindi raw nagiging isyu sa asawa niya kung may kissing scene siya dahil malinaw na trabaho lang talaga ang lahat.

“He knows that it’s just a job. I think it’s better to ask him. Kasi it’s hard to explain on my side. I think I’ve given him the trust na kailangan lang, and I don’t hide anything from him.

“You know, as an actor also, you want to make it real. But, at the same time, you know your fine lines kung hanggang saan lang yun.

"But alam niya kasi na may respect ako sa sarili ko. Matindi ang itinuro ng mga magulang ko sa akin, and I want Olivia to be proud of me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Olivia ang seven-year-old daughter ng mag-asawa. At minsan daw ay napanood niya ang kanyang mommy sa "Loving Miss Bridgitte" ng drama anthology na Stories From The Heart, kung saan katambal ni Beauty si Kelvin Miranda.

READ Beauty Gonzalez, husband Norman Crisologo decide not to have another baby

Sabi ng 31-year-old star, “She sees me kissing a lot of boys in TV. In fact, nakita niya si Kelvin minsan, and she said, ‘You’re the young boyfriend of my mom.’ Chinika niya. And I’m open to her that it’s just acting.”

Gusto raw niyang mabago ang notion sa Pilipinas na kapag may asawa na, hindi na puwedeng magkaroon ng love team. Para sa kanya, trabaho lang ang lahat.

“Kung lalagyan nila ng malisya, e, di magaling kaming lahat. Pero sa totoo lang, we’ve been married for ten years, pero wala po kaming naging problema, awa ng Diyos.”

BEAUTY NOT YET READY TO RETIRE FROM SHOWBIZ

Minsan nang nagbitiw ng salita si Beauty, at nagsabing anim na taon na lang siya sa pag-aartista.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kapag tumuntong na sa edad na 12 si Olivia, magpo-focus na siya sa pagiging nana.

Pero sa dami ng magagandang nangyayari sa career niya, matutuloy pa rin ba ang plano niyang ito?

Natatawang sabi ni Beauty, “Well, I was wrong that time. People make mistakes, and, you know, noong sinabihan ako ng asawa ko, ‘Nakakatawa na, five years. Ngayon, may sitcom kang coming, may ganito kang coming, you might be leaving abroad for a movie, are you sure?’

“Maybe, another five years. ‘Tapos sabi niya, ‘Baby, alam mo kapag may tawad, may kapalit.’ Tawa ako nang tawa sa kanya. Extended na siya. Nagbayad na ako ng kapalit.”

Sinigurado naman ni Beauty na hindi raw isa pang baby ang kapalit dahil kuntento na raw silang mag-asawa sa isa nilang anak.

“Joke lang yun, medyo green joke,” natawang sabi niya.

“Pumayag naman siya. Natawa lang siya sa akin, sabi niya, paano mo naisip yun? Naisip ko kasi dati, ayokong mag-retire na ganun. Pero naisip ko naman ngayon, masyado akong na-excite na mag-retire. Ang dami pa palang puwedeng mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“When I look at myself, and when Hey Pretty Skin got me, the sitcom and the movie and the show, nasabi ko, mali ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Beauty sa launching niya bilang celebrity endorser ng Hey Pretty Skin sa Crowne Hotel noong April 14, 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty Gonzalez on husband Norman Crisologo's reaction to her upcoming project with Bong Revilla: “Sabi nga niya, ‘Babes, ilabas mo lahat ng Bisaya mo rito sa bahay." She will play Bisaya wife in the sitcom.
PHOTO/S: @beauty_gonzalez on Instagram; Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results