Napuno ng saya at alaala ang surprise birthday party kamakailan ng beteranang aktres na si Nova Villa.
Naging reunion kasi ng cast members ng comedy sitcom na Home Along Da Riles ang okasyon na ginanap sa isang restaurant sa Quezon City.
Ibinahagi ng dating aktres na si Maybelyn dela Cruz ang ilang kuhang video sa get-together.
View this post on Instagram
Advance birthday party ang naganap dahil sa April 16 pa ang kaarawan ni Nova.
Siya ay 77 years old na pagpatak ng nasabing petsa.
A DAY OF REMINISCING
Bukod kay Maybelyn ay dumalo rin sa party sina Boy 2 Quizon, Vandolph Quizon, Dang Cruz, at Smokey Manaloto.
Ang Home Along Da Riles ay napanood sa ABS-CBN noong 1992 hanggang 2003.
Bida sa sitcom ang yumaong Comedy King na si Dolphy.
Ginampanan naman ni Nova ang karakter na si Corazon o Aling Ason, na siyang love interest ng papel ni Dolphy na si Kevin Kosme.
Sa surprise party at makikita si Nova na nagulat matapos makita ang mga dating katrabaho.
During the party, sinariwa ng cast members ang alaala nila kay Nova, kabilang na ang pagbibigay ng bagay na sumisimbolo ng pagkakakilala nila sa beterang aktres nung mga panahon na sila ay magkakatrabaho pa.
Ilang lamang sa natanggap ni Nova ay food seasoning, bumbilya, at religious item na bigay ni Maybelyn dahil lumalim daw ang kanyang pananampalataya dahil sa magaling na aktres.
"Because of the birthday, nabuong muli ang ating samahan," sabi ni Nova sa kanyang speech.