Natuwa si Nova Villa na makatrabaho sina Tessie Tomas at Noel Trinidad sa pelikulang Senior Moments, sa panulat at direksiyon ni Neal “Buboy” Tan.
“At saka totoo naman, true to life naman ito,” sabi ni Nova sa storycon ng Senior Moments noong Abril 7, 2024, Linggo, sa Limbaga 77 restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City.
“Senior naman na talaga kami. And I admit, ano lang ako, mukhang baby-faced lang ako pero kuring-kuring na ako.
“Sa awa ng Diyos… e, lumalaban pa. Puwede pa. Kaya lang, ididikta mo ang dialogue! Ha! Ha! Ha! Merong ganun!” natatawang bulalas ng septuagenarian na aktres.
Pagpapatuloy ni Nova, “Noon, pag bata-bata pa tayo, di ba, pag mga lola-lolo natin, ‘Hay naku, eto na naman, hindi tayo nagkakaintindihan!’ Yung ganun.
“And naiisip natin, ‘Palibhasa matanda na!’ Nakakasabi tayo ng ganun. Talaga palang dadating doon.
“Talaga pala, hindi puwedeng hindi. At ako, aminado na ako talaga.
“Nasa showbiz ako, 15 years old… 17 years old ako noong… 16 actually, 15 noong FPJ [Fernando Poe Jr.], siya ang naka-discover sa akin, ginawa ko yung Daniel Barrion [1964].
“So 17 years old, ayan Dolphy na ang nakasama ko sa ano. Tapos sige puro ano na tayo, television, after my contract with FPJ for three years. Freelancer.
“Lahat ng producer, mga Lea Productions, mga Ilang-ilang, lahat ng mga producers noong araw, nalabasan ko lahat yan.
“Hanggang sa lahat ng TV — Channel 5, Channel 13, Channel 7, Channel 2, lahat, up to the present.
“So, parang feeling ko noon, active kasi ako, di ba? Comedienne, malikot, maliksi, ganun. Kayang-kaya ko lahat ng mga dialogues na yan.
“Gusto mo, adlib-an kita, isang oras, mag-a-adlib ako, kaya ko ang mga ganyan.
“Pero ngayon, eto na yung realization na dadating talaga tayo sa ganito.”
Read: Nova Villa, makahulugang ngiti ang sagot sa tanong kung naging sila ni FPJ
NOVA VILLA ON MEMORIZING HER LINES
Type ni Nova na maputi na ang kanyang mga buhok.
“Yung iba, nagda-dye ng puti. Ako, hindi. Natural yan, oo.
"So ngayon, of course, time will come, yung hitsura mo ngayon, yang puting buhok na yan, pakikinabangan na rin,” pagmamatuwid ni Nova.
“Ayan, katulad ngayon, senior-senior, yung ganoon. I still believe na awa ng Diyos, talaga, sa age of 77 ako ngayon, malapit nang mag-78… hello, mag-e-80 na ako.
“Pero sabi ko nga, awa ng Diyos, nandun pa yung liksi. Ang kalaban ko lang talaga, yung brain ko. Yung kalimot.
“Siguro sa tagal, you know, in showbiz, puyatan yan, e. Ganyan kakapal na script, mine-memorize mo.
“Meron kang entablado, meron kang pelikula, meron kang TV show. Puro utak ang ginagamit diyan. Magme-memorize ka, ganyan-ganyan.
“Hanggang sa pagka siyempre, gamit na gamit, dadating ang araw, parang damit lang yan, mangungupas din yan. Something like that.
“Kaya mas matindi ngayon ang dasal ko. ‘Lord, tulungan Mo po ako maka-memorize!’
“On the way to the shooting, pag nasa kotse ako, on the way I pray the rosary. Humihingi ako ng tulong. I call the Holy Spirit na tulungan ako, na maging maliksi yung aking…
“Yan ang No. 1 because you have to memorize lines! Especially in drama. Pag comedy, mamaniin ko.
“Kahit walang script, ibigay lang sa akin ang situation. Kahit isang oras. Gawin namin ni Tessie yan. Walang script, ha? Bigyan mo lang ng topic kung ano.”
Read: Nova Villa demystifies urban legend that she has a kid by the late FPJ
VETERAN STARS
Ipinagdiinan ni Nova na mahirap para sa veteran stars na umakting dahil ginagamit nila ang utak.
“Pag may edad ka na, siyempre ano na rin yan, medyo nalalanta na rin yung mga ugat-ugat mo diyan,” pagtatapat ni Nova.
“That’s why I am praying very hard na every time, walang biro, every time, every taping, shooting, I pray.
“Na bigyan ako ng Holy Spirit ng talino, ng isip to memorize. Nagagawa ko naman. Pero talagang dumadating.
“Siguro yung kuryente ng utak mo, medyo nababawasan na. Kaya kung minsan, nag-memorize ako.
“Nasabi ko naman yung dialogue ko. Pero ano nga ba yung dialogue? Tapos… ahhh… nasaan na? Nabura.
“Nawala talaga! Wala! Na-delete, totoo yun. Parang cellphone, nade-delete. Tingin na naman sa script, o, ayun na naman.
“Ayun, e, di ulit na naman ako, ulit. Ulit, nasabi ko naman. Iba naman, na-delete na naman. Hello?! Ba’t ganito?! Lalo na pag drama.
“Comedy, hindi. Kaya namin ni Tessie yan. Kahit bigyan mo lang ng situation, kaya namin yan. In our own words, mapapatawa namin kayo, magagawa namin yan.
“Pero pag drama, mahirap ang drama. Kasi word for word, you have to memorize. With matching acting yun, ha?!
“With crying. May kasamang luha. May drama, ganun. Ang nangyayari, puro ka drama, asan na yung dialogue? Nabura na.
“Nabubura pala. Samantalang noon, minamani-mani lang namin ang pagme-memorize.
“Pero dadating pala talaga sa ganung edad, dadating pala talaga dun.
“Yung mga lola, lolo nga natin, minsan nanay ko nga, sabihin sa akin, ‘Sino ka? Anong pangalan mo?’ sabi sa akin.
“O, hala! Alzheimer’s! Ano lang siya noon, 70+ lang, gumaganun na. ‘Anong pangalan mo?’ sabi sa akin.
“So, ganun pala yon. Ngayon, e… bear with us. Dahil pag dumating yung ganun, that’s why ako, ang ginagawa ko… e, pasensiya na… I tell the assistant director.
“Sabi ko, ‘Pag ako nakitaan mo ng…’ pero ang reaction, umaarte ako. Nagre-react ako sa mga nangyayari. Andun yon.
“Pero dapat nagdadayalog ako. Nasabi ko yung ibang dayalog, pero bandang huli, ano na.
“Kahit anong isip ko, ayaw. Ayaw pumasok pagdating sa ganyan kong dayalog, pero umaarte pa rin ako.
“That’s why I ask the floor director, ‘Pag nakita mo, four seconds hindi ako nagdadayalog, magdikta ka na diyan. Ang sasabihin mo lang yung mga first, second sentence.’
“Kasi kailangan, maisip ko yun. At saka ko ngayon maaalala yun. Pero hindi ako tumitigil ng reaction.
“At kahit idikta mo sa akin… kunyari siya muna, nagsabi nung dayalog na yun, isang mahabang ganun, yung sentence na yun… wala kayong mano-notice sa akin na tulala ako.
“Nagre-react ako, umiiyak ako. Pero mine-memorize ko yung sinabi niya. Pag nakuha ko na yun, then andun pa rin yung reaction.
“Andun pa rin ang drama. Mapi-feel nyo yung sinasabi ko. Yun ang nangyayari sa senior moments.”
NOVA VILLA ON CONTEMPORARY ACTRESSES
Nilinaw ni Nova na hindi siya nagpa-panic kapag nakakalimutan niya ang minemoryang lines.
Batid iyon ng mga direktor, na nagsabing tutulungan siya. Kaya kahit dinidiktahan siya ng assistant director ay tuluy-tuloy ang pag-grind ng camera.
Pagmamatuwid ni Nova, “I’m saying this because hindi tayo Superman, Superwoman na sa ganyang edad, fresh pa yung brain mo.
“It only shows in reality, nangyayari na talaga sa atin iyan. At maraming ganyan. Marami na ring artista ngayon, like Perla Bautista, hirap na.
“Luz Valdez, wala na, hindi mo na makakausap nang tama si Luz.
"Pilita Corrales is not singing anymore, wala na. ‘Hi,’ sasabihin lang niya, ‘Hi, hi,’ pero hindi ka kilala.
“Oo, si Pilita, wala na. Super-ano na si Pilita, wala na.
"Luz Valdez, comedienne din naman, wala na rin. Perla Bautista, puro tawa na lang.
“E, lalo naman si Caridad Sanchez! Wala na rin. Wala na yung isip, totally, hindi na puwede.
“So you see, LVN, mas may edad naman sila sa akin. Pero ibig kong sabihin, dadating ako doon, sa edad na iyon.”
Read: Caridad Sanchez has Dementia; daughter Cathy reveals, "My mother is fading"
