Jillian Ward thanks parents for her "taping car" BMW

by Ruel J. Mendoza
Sep 16, 2022
Jillian Ward
Jillian Ward, 17, now has an increasing car collection as her parents gifted her with a brand-new BMW car.
PHOTO/S: @jillian Instagram

Dahil sa sipag ni Jillian Ward, niregulahan siya ng mga magulang ng brand-new BMW car na magagamit niya sa kanyang taping.

Sa Instagram Stories post ni Jillian noong Lunes, September 12, 2022, iponost niya ang larawan ng bago niyang sasakyan na kulay puti.

"Thank you Mama and Papa for my new taping car!" caption niya.

Jillian Ward

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang modelo ng kotse niya ay BMW-M Sport sedan, na nagkakahalaga ng PHP3,690,000, base sa nakatalang presyo ng BMW 220i M Sport sa ulat ng Top Gear Philippines.

Tila nangongolekta si Jillian ng mga mamahaling kotse. Noong 2021, nabili niya ang kanyang unang BMW car.

Nito namang March 2022 ay nagkaroon siya ng Porsche sports car.

NO LOVE TEAM IN GMA-7 SERIES

Napapanood si Jillian sa pinagbibidahang top-rating GMA Afternoon Prime teleserye na Abot Kamay Na Pangarap na umeere matapos ang Eat Bulaga!.

Sa serye, wala siyang matatawag na ka-love team.

May konti lang na pakilig sa magkaka-crush sa kanya sa serye, ang janitor ng ospital na si Regan, played by Sparkle talent Jeff Moses.

Huling naka-love team ni Jillian ay si Will Ashley sa Prima Donnas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa 17-year old teen star, "Kung sino po ang itambal sa akin, okey po sa akin. Pero mas gusto ko po na gumawa ng solo projects.

"Nagsimula naman po ako as a child actress at nasanay ako sa mga character roles. Kaya wala talaga akong naging steady love team."

Five years old lang si Jillian nang unang sumabak sa showbiz.

Nakilala siya bilang child star sa GMA teleserye na Trudis Liit, at nasundan ito ng Daldalita at Jillian: Namamasko Po.

Napanood din siya sa mga sumusunod na serye: Captain Barbell, Andres de Saya, Biritera, Luna Blanca, Cielo de Angelina, Indio, Home Sweet Home, One Day Isang Araw.

Kasama rin siya sa Genesis, Magkano Ba Ang Pag-ibig?, My BFF, Bagito, Pare ‘Koy, Poor Señorita, Sa Piling Ni Nanay, My Special Tatay, Haplos, Super Ma’am, at Prima Donnas.

Sa Abot Kamay Na Pangarap, isa siyang genius doctor at butihang anak ng single mom niya na si Carmina Villarroel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong ni Jillian: "Yung character ko naman po na si Analyn ay busy bilang isang doktor kaya parang wala siyang time magka-love life.

"Tsaka yung show ay tungkol sa profession ni Analyn at yung relationship niya sa kanyang inang si Lynette at ang mga taong makikilala niya sa kanyang trabaho."

ON PLAYING A NEUROSURGEON

Pinapakita ni Jillian na seryoso siya sa piniling karera.

Bilang si Analyn, ang gifted child na naging isang young neurosurgeon, mas dinoble pa ni Jillian ang kanyang effort para magampanan nang tama ang kanyang role.

Aniya, "Nakakakaba po talaga dahil very challenging yung role. Kailangan ko rin po i-memorize ang maraming medical or technical terms.

"Mabilis po yung mga eksena kaya dapat tama yung pag-pronounce ko ng medical terms 'tapos kailangan sabayan mo ng tamang emotions at di ka mawala sa blocking."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jillian Ward, 17, now has an increasing car collection as her parents gifted her with a brand-new BMW car.
PHOTO/S: @jillian Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results