PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips: Shuvee, Michael, Sofia, Allen on rising oil prices

"Yun lang, tipid tayo, mag-walking, walking di ba?"
by Arniel C. Serato
Published Mar 28, 2026

marco masa, allen ansay, sofia pablo, shuvee etrata, michael sager
Huwag Kang Titingin stars (L-R) Marco Masa, Allen Ansay, Sofia Pablo, Shuvee Etrata, and Michael Sager weigh in on rising oil prices amid US-Israel war with Iran.
PHOTO/S: Arniel Serato

Sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, apektado ang lahat, anuman ang antas sa lipunan.

Nangyari ito dahil sa giyerang sinimulan ng U.S. at Israel laban sa Iran, na inakusahang may "nuclear at missile capabilities."

At habang umiigting ang hidwaan, nagdesisyon ang gobyerno ng Iran na higpitan ang makipot na daanan ng Strait of Hormuz, kung saan dumadaan ang mga oil tanker mula sa oil-producing countries sa Middle East.

Apektado ang mga bansang kaalyado ng U.S. at Israel dahil ang in-import nilang langis ay hindi pinapayagang dumaan sa naturang waterway.

Read: VIRAL: Gasoline boy explaining oil crisis is a cum laude graduate

Nagresulta ang krisis sa pagtaas ng petrolyo sa Pilipinas.

Nitong March 24, 2026, nagdeklara si President Ferdinand Marcos Jr. ng State of National Energy Emergency o Executive Order (EO) No. 110.

STAR REACT TO THE EFFECT OF FUEL HIKE

Sa presscon ng Huwag Kang Titingin na ginanap sa Citadines Hotel, Quezon City, noong March 26, 2026, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa mga miyembro ng cast tungkol sa walang habas na pagtaas ng presyo ng langis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga na-interview ay sina Shuvee Etrata, Michael Sager, Sofia Pablo, Allen Ansay, at Marco Masa.

SHUVEE ETRATA

Ayon kay Shuvee, ramdam daw niya ang epekto, pero mas maraming Pilipino ang labis na naapektuhan.

"Oh, my gosh, yes. I feel like...apektado naman po ako, pero hindi po ako yung pinakanaapektuhan ngayon.

"I feel for those who really make this as their job.

"Kaya nasabi ko kanina sa interview, marami po... ako at least po, nababayaran ko yung mga gasolina kasi marami naman pong dumadating na blessings.

"Pero paano naman yung mga yung mga driver, yung mga tsuper natin, yung mga driver ng tricycle, yung mga ganun po na kakarampot lang yung nakukuha nilang pera sa pagda-drive.

"Tapos mas tumaas pa. Parang wala na po, negative na po ang nakukuha nila.

"So doon po akong parang nalulungkot, pero, at the same time, hopeful na sana maging okay ang lahat para mas mapabuti yung hanapbuhay ng lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya ang payo ni Shuvee: Huwag gumala kung hindi naman kailangan.

Sabi niya: "Never naman po talaga ako gumala, ang ano naman sa akin, yung trabaho.

"Alangan namang hindi ako pumunta sa trabaho, parang kailangan ko talaga puntahan yung mga commitments ko.

"So wala, haharapin ko po talaga siya. Yung tipid kasi na yun, siguro, huwag na masyadong mag-stay sa sasakyan nang matagal. Kung naka-park, akyat na agad.

"Or minsan pag long drive, puwedeng i-open na lang natin ang window.

"Off yung aircon para simoy ng hangin na lang, ganun. Pero mahirap. Mahirap talaga."

Shuvee Etrata tipid-tips amid rising oil prices
Photo/s: Arniel Serato
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Shuvee Etrata recalls intense bashing she faced in the past

SOFIA PABLO AND ALLEN ANSAY

Ang mga bida ng Huwag Kang Titingin na sina Sofia at Allen ay apektado na rin.

Halos sabay nilang sagot: "Ay, opo. Ambilis ng sagot, opo talaga."

Paano sila nagtitipid?

Saad ni Sofia, "Ano po, kapag, paano ba? Nagsasabay. Nagsasabay.

"Yes. Lalo po kapag ganito, same naman po yung work, nagsasabay na lang kami kasi, e, gas talaga na, 'Ay, sakit sa ulo.'"

Nag-share din ba sila sa gas kapag nagsasabay?

Sagot ni Sofia, "Opo, nagsi-share kami."

Sabi naman ni Allen, "Kasi kung hindi naman kailangan pong lumabas, gumamit ng sasakyan, di na talaga."

Saad pa ni Sofia, "Dati, lagi niyo ako nakikita sa mall, ngayon, hindi niyo na ako makikita.

"Opo, work na lang talaga ang nilalabas mo kasi ang mahal, e."

Sofia Pablo tipid tips
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sofia Pablo and Allen Ansay still in the courtship stage

Michael Sager

Hindi rin nakatakas ang Sparkle artist na si Michael sa sakit ng ulo dulot ng pagtaas ng presyo ng langis

Sabi niya: "Naku po. I mean, talagang dapat aware tayo kasi it's a world crisis with the current events that's going on right now.

"I hope that we find a solution kasi kawawa din po ang mga Pilipino, and talagang lahat po affected diyan.

"And ayun, let's just try our best to find ways siguro that we're able to deal with this and let's just pray for the best and bahala na po ang mga superiors that will guide us with this."

Paano naman siya nagtitipid?

"Ako, siguro pag hindi kailangan lumabas, wag na muna lumabas.

"Ako, right now, I see myself, I just stay at home na lang minsan and pag mag-carpool, I think yun yung importante pag may mga kaibigan tayong mga kapitbahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun lang, tipid tayo, mag-walking, walking di ba? Masaya din bang maglakad, e."

Michael Sager tipid tips
Photo/s: Arniel Serato

Read: Pinoy Big Brother alumni gather to bid farewell to iconic house

Marco Masa

Hindi rin maiwasan ni Marco na malungkot dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng langis.

Saad niya: "Oo naman. Siguro a lot of people would overlook, yung mga kabataan na parang hindi namin...ako, personally, na parang hindi ko na makikita yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But siyempre, I've made changes with my lifestyle para mas maging maayos yung paggastos ko, yung pag-spend ko ng money.

"Dahil yun nga, since, nagda-drive na rin talaga ako and I drive my car, siyempre, apektado talaga ako sa pagtaas ng gas."

Kaya ang ginagawa na lang daw niya ay manatili sa bahay kung hindi naman importante ang lakad o wala itong kaugnayan sa trabaho.

Lahad niya: "So, a great way is to make sure na yung pupuntahan is importante, pupuntahan is makabuluhan.

"And para, ayun, I just wanna earn more lang din talaga to make sure na I'm living the life na siguro hindi ko lang ma-sacrifice yung teenage life ko dahil sa kung anong nangyayari sa akin.

"Of course, hindi ko pa rin kinakalimutan na, ayun, magpasalamat kay God, mag-spend time with friends, mag-spend time sa sarili ko.

"You know, to make sure na nabubuhay ako and I'm not just surviving, and I'm living."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Marco Masa tipid tips
Photo/s: Arniel Serato

Read: Marco Masa thinks first PBB eviction was a blessing in disguise

Samantala, ipapalabas ang Huwag Kang Titingin sa darating na April 15, 2026, sa mga sinehan nationwide.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Huwag Kang Titingin stars (L-R) Marco Masa, Allen Ansay, Sofia Pablo, Shuvee Etrata, and Michael Sager weigh in on rising oil prices amid US-Israel war with Iran.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results