Natuwa ang netizens sa bonding moments ni Cesar Montano sa kanyang apat na anak na babae.
Sa Instagram nitong nakaraang Lunes, May 1, 2023, ibinahagi ni Cesar ang isang larawan niya kasama ang mga dalagang anak na sina Angelina Cruz, Sam Cruz, at Chesca Montano.
Sina Angelina, Sam, at Chesca ay mga anak ni Cesar sa ex-wife na si Sunshine Cruz.
Sa ikalawang larawan naman ay kasama na nilang apat si Kirsten Montano, anak naman ng actor-director sa partner nito ngayong si Kath Angeles.
Bukod kay Kirsten, may dalawa pang anak si Cesar kay Kath—sina Lian at Samuel Montano.
“Buching” pa kung tawagin ni Cesar ang panganay niya kay Sunshine na si Angelina.
Buong caption niya: “Church Day at CCF Main with my 4 Marias. Buching , Sam, Chesca, & Kristen.#CCF #CCFMain #filipino”
View this post on Instagram
Pinusuan naman ito nina Sam at Chesca.


Pati na ang TV host na si Kim Atienza.

Gayundin ang ginawa ng maraming netizens sa mga larawang ibinahagi ni Cesar.




September 2022, tinawag ng netizens na “blended family” ang setup nina Sunshine at Cesar pagdating sa kanilang mga anak.
Sa ika-21 kaaraawan kasi ng panganay na anak ni Sunshine kay Cesar na si Angelina, mababanaag na para silang isang masayang pamilya.
Kabilang sa mga bisita sa selebrasyon ang half-siblings ni Angelina sa amang si Cesar kay Kath.
Read: Sunshine Cruz thanks everyone for appreciating her “blended” family: “Oras na kalimutan ang past.”
Muli naman silang nag-bonding sa pagsalubong ng Bagong Taon, 2023, sa probinsiya ni Cesar sa Bohol.
Lalo tuloy humanga ang netizens dahil tila muling nadugtungan ang tulay na naputol sa pagitan nina Cesar, Sunshine, at mga anak dahil sa kanilang hiwalayaan noon.
Lalo namang gumaganda ang pagkakaibigan nina Sunshine at Kath.
Read: Sunshine Cruz and Kath Angeles continue to forge friendship; strengthen blended family setup
