Andi Eigenmann live-in partner Philmar Alipayo mistaken for bodyguard

IMAGE @chepoxz Instagram

Andi Eigenmann's live-in partner Philmar Alipayo laughs off being mistaken for a bodyguard of the Kapamilya actress.


Idinaan na lang sa tawa ng boyfriend ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo nang pagkamalan siyang bodyguard ng Kapamilya actress. 

Hindi raw inaasahan ni Philmar ang paglapit sa kanya ng isang grupo na hindi niya kakilala. 

Bahagi ng Instagram Story ni Philmar noong Lunes ng hapon, March 25:

"So a random group of people came to me and said 'guard ka ba ni miss Andi?'" 

Kung nainsulto man si Philmar sa maling konklusyon patungkol sa kanya, nilagyan niya ng tatlong laughing emojis ang kasunod na written text sa kanyang Instagram Story. 

"I'm calling 911," pabirong saad niya sa nakakainit-ng-ulong tanong sa kanya.

Dagdag ni Philmar, "Smoke n da hell"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXPECTING PARENTS

Eight months nang magkarelasyon sina Andi at Philmar, na kilala bilang isang champion surfer na nakatira sa Siargao. 

Noong February 1, 2019, masayang ibinalita ni Andi na siya'y 14-week pregnant at si Philmar ang ama ng nasa kanyang sinapupunan. 

Kasunod nito ay inihayag ng Kapamilya actress na nagpapagawa sila ni Philmar ng kanilang bahay sa Siargao

Noon pa lang October 2018, nasabi na rin ni Andi sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na napamahal na siya sa hometown ng nobyo. 

Hinahati raw niya ang kanyang oras sa pamamalagi sa Siargao at sa Manila, kung saan nakabase ang anak ng aktres na si Ellie.   

Nitong March 9, 2019, sunod na kinumpirma ni Andi na baby girl ulit ang kanyang ipinagbubuntis. 


Stories We Are Tracking

Andi Eigenmann compares current boyfriend with her exes
Andi Eigenmann compares current boyfriend with her exes
Andi Eigenmann is 14 weeks pregnant
Andi Eigenmann is 14 weeks pregnant
Meet Philmar Alipayo, Andi Eigenmann's surfing champ boyfriend
Meet Philmar Alipayo, Andi Eigenmann's surfing champ boyfriend
Andi Eigenmann, Philmar Alipayo are having a baby girl
Andi Eigenmann, Philmar Alipayo are having a baby girl


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN