Marco Gumabao keeps mum on cousin Gretchen Fullido sexual harassment charge

IMAGE Noel Orsal

Marco Gumabao says their whole family supports cousin Gretchen Fullido, who recently filed a sexual harassment case against former ABS-CBN executive Cheryl Favila and TV Patrol segment producer Maricar Asprec.


Iwas magbigay ng pahayag si Marco Gumabao tungkol sa sexual harassment at libel complaints na inihain ni Gretchen Fullido laban sa former executive at employee ng ABS-CBN news department, at libel cases laban sa ilang kapwa reporters.

Kapatid ng ama ni Marco na si Dennis Roldan ang ina ni Gretchen, kaya magpinsan ang dalawa. 

Pahayag ng  Kapamilya actor, "Well, I don't want to talk to her about the issue because I don't want to stress her out.

"Ayokong magmukhang tsismoso lang na nakikitsismis lang.

"Basta ako, I don't wanna comment about the whole issue.

"Basta I'm here for her, I'm here to support her, and kung may kailangan siya sa akin, nandito lang ako para sa kanya."

Pero buo raw ang suportang ibinibigay ng kanilang angkan sa ipinaglalaban ni Gretchen.

"Oo naman siyempre," sambit niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Marco sa grand media launch ng Los Bastardos na ginanap sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City, noong Miyerkules, October 10.

STILL A KAPAMILYA

Napabalita noong lilipat si Marco sa bakuran ng Kapuso network, kasabay ng pagpirma niya ng kontrata bilang exclusive talent ng Viva.

Marami tuloy ang nagulat nang mapanood siya sa trailer ng Los Bastardos, kung saan isa siya sa nawawalang anak ni Ronaldo Valdez sa istorya.

Muli namang nilinaw ng aktor na kahit kailan ay wala siyang sinabing lilipat siya sa GMA-7.

Aniya, "Never akong nagsabi na lilipat ako ng Seven, it's just that lumipat ako ng Viva.

"Lumipat ako ng Viva, which is neutral, you can go both ABS and GMA.

"At that time lang, nagkaroon lang ako ng guesting sa GMA at tinanggap namin because it was work, pero I never said anything na lilipat ako ng GMA.

"They never offered anything naman."

Sa magagandang nangyayari ngayon sa kanyanv career, naniniwala si Marco na "perfect timing" lang ang nangyari sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think it's also just timing lang talaga.

"I've been in the business seven years now and I've been with ABS and Star Magic for six years, and now with Viva for a year pa lang.

"Of course, thankful ako sa Star Magic sa lahat ng ibinigay nila sa akin.

"Before we parted ways, I made sure na naging maayos yung paghihiwalay namin, walang bad blood.

"Happy ako na wala nga, na-invite pa nga ako sa Star Magic Ball last year kahit na kakaalis ko lang papuntang Viva.

"Ngayon, I'm really happy and thankful ako kila Mr. M [Johnny Manahan], Ms. Mariole [Alberto] na they allowed me to transfer to Viva, and now I'm in Viva and my career is just kicking off.

"I can say na it's also God's blessing and it was timing also."

FIRST LEAD ROLE

Bilang isa sa lead actor sa Los Bastardos, na mapapanood na simula sa Lunes, October 15 sa Kapamilya Gold ng ABS CBN, masayang-masaya si Marco sa napakalaking oportunidad na ipinagkatiwala sa kanya.

Saad niya, "It's very overwhelming and it's a big privilege to be part of this show.

"Unang-unang lead role ko ito sa teleserye ng ABS-CBN, so maraming-maraming salamat ABS-CBN, sa mga bosses for accepting me and casting me.

"To RSB, maraming-maraming salamat."

Ang RSB ay ang drama unit na pinamumunuan ni Direk Ruel S. Bayani.

Sexy, daring, at mature ang tema ng Los Bastardos kung saan balitang maraming kissing at love scenes na mapapanood.

Kahit kumportable at kampante si Marco sa ganitong mga eksena ay aminado ang aktor na nandun pa rin ang kaba sa tuwing nagpapakita siya ng abs onscreen.

Dagdag niya, "But at the end of the day, you have to be confident in yourself, with what you've work hard for."

Naniniwala si Marco na marami siyang matututunan mula sa mga kasama niya sa teleserye, gaya nina Jake Cuenca, Albie Casiño, Joshua Colet, at Diego Loyzaga. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, "Si Jake first time ko makakatrabaho and based on all his recent shows, movies, alam ko magaling si Jake.

"Excited ako na marami akong matutuhan sa kanya, and also sa other three na kasama ko—Diego, Joshua, and Albie.

"I am also excited to get stuff from them."

Dagdag niya, "Acting is a never-ending learning experience. Especially kila Tito Ronaldo din, sa lahat ng ibang kasama din.

"Excited ako sa puwedeng mapulot na lessons or tips na makukuha ko sa kanila."

Sa ganda ng kanyang katawan at sa sexy theme ng Los Bastardos, walang kaso kay Marco kung maging pantasya man siya ng mga manonood. 

Aniya, "Wala namang problema sa akin as long as they don't cross the line.

"Mayroon naman kasing temptations na ganyan, pero so far, wala namang nagko-cross ng line, wala namang bastos pa, so okay lang."

PEP.ph's complete coverage of the Gretchen Fullido sexual harassment, libel complaints:

Gretchen Fullido files sexual harassment, libel complaints vs ABS-CBN colleagues

ABS-CBN issues statement on Gretchen Fullido sexual harassment complaint

Ces Drilon issues statement about Gretchen Fullido libel complaint

Jerika Ejercito, Melissa Ricks show support for Gretchen Fullido with #IStandWithGretchen

Lawyer of Cheryl Favila, Maricar Asprec on Gretchen Fullido's sexual harassment complaint: "Baseless"

Gretchen Fullido to public amid sexual harassment controversy: "Please just pray for me."

Karen Davila, Bianca Gonzalez speak up on Gretchen Fullido sexual harassment charge

Iza Calzado reacts to Gretchen Fullido sexual harassment claim

Cheryl Favila camp: "It's not sexual harassment, Gretchen just does not meet journalistic standards."

Gretchen Fullido claims implicit sexual favor asked; Cheryl Favila says texts distorted maliciously

Bryan Revilla airs support for Gretchen Fullido in her fight vs. colleagues

Ogie Diaz sides with Gretchen Fullido in her sexual harassment complaint


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN