PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Young woman admits relationship with 7 pensioners for money

Parang negosyo lang.
by KC Cordero
Published Jul 10, 2024
Close-up shot of Lina
Binatikos ng netizens ang naging desisyon ni Lina na pagsabay-sabayin ang relasyon sa pitong pensioners para masuportahan siya ng mga ito financially. (Photo: Screenshot at Ultima Hora Valle on YouTube)

Single si Lina, na nasa mid-20s ang age at residente ng Barranquilla, Colombia.

Ilang beses na siyang nagkaroon ng relasyon, pero lahat iyon ay nauwi sa breakup.

Ang gusto niya sa lalaking kanyang makakasama at mamahalin ay may financial stability, at kaya siyang bigyan ng komportableng buhay.

Sa tuwing nagkakaroon siyang muli ng boyfriend at nauuwi sa hiwalayan, nare-realize ni Lina na mukhang malabong matagpuan niya ang lalaking magbibigay sa kanya ng seguridad sa buhay—lalo na kung kasing-edad niya.

Read: Make-up artist goes viral for transforming grandpa into a hottie

YOUNG WOMAN SADYANG LAPITIN NG older MEN

Habang nasa ganoon siyang pag-aanalisa sa kanyang love life at sa kanyang buhay in general, napansin niyang madalas mag-flirt sa kanya ang mister ng kanyang kapitbahay.

At hindi lang ito ang may-edad nang lalaki na nagpaparamdam sa kanya. Marami pa.

Naisip ni Lina na dahil bata pa siya, sariwa, at may hitsura kaya lapitin siya ng mga may-edad nang lalaki—at karamihan sa mga ito ay mga lolo na pensiyonado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon din niya na-realize na mas makakamit niya ang hinahanap na emotional and financial stability kung ang magiging dyowa niya ay mature na.

Read: Chappell Roan, barista at yaya muna bago naging pop star

PITONG PENSIONERS ANG KARELASYON NGAYON NG YOUNG WOMAN

Sinimulan ni Lina na tumambay sa mga parke at iba pang lugar na hangout ng mga pensiyonadong kalalakihan.

Sa ngayon, pitong pensioners ang kanyang karelasyon.

Lahat sila ay tinutulungan siya sa kanyang mga pinansiyal na pangangailangan.

Read: DJ Mo claims Angelicopter dumped him on their wedding anniversary

Photo of Lina being interviewed
Ibinahagi ni Lina sa isang panayam ang kakaibang relasyon niya sa pitong matanda, lahat ay pensiyonado. Photo: Screenshot at Ultima Hora Valle on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Online gamer flies to confront and violently attack fellow gamer

Sa isang panayam kay Lina na ini-upload sa YouTube channel ng Última Hora Valle, isang news website sa Columbia, noong June 7, 2024, ibinahagi niya na kumpara sa dati na kaedad niya ang kanyang nakakarelasyon, wala siyang problema ngayon sa piling ng pitong pensioners.

Hindi na umano niya kailangan pang humingi ng pera sa mga ito dahil sila mismo ang kusang nagbibigay sa kanya.

Ani Lina, “They give everything because at their age, they are not going to get a woman like me.

“They are going to keep me happy all the time.”

Read: MMA fighter loses fight, also in love after GF rejects proposal

NEGOSYO LANG, HINDI ROMANTIC RELATIONSHIP

Sa video ay ipinakilala ni Lina ang kanyang pitong boyfriends na sina Carlos, Simón, Jesús, Pablo, at Manuel.

Ang dalawa pa ay ayaw isapubliko ang pangalan.

Magkakakilala ang pitong lolo, at anila ay okey lang na magkakahati sila sa affection ni Lina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang mga lolo ang sumasagot sa mga gastusin ng dalaga.

Tinutulungan din siya ng mga ito sa kanyang mga gawaing bahay, gaya ng pagluluto, paglalaba, at paglilinis.

May kumpetisyon din sa pagitan ng pitong pensioners para mas mapansin ni Lina.

Read: Hammer used by grandma for 20 years actually a live grenade

Photo of Lina and the 7 pensioners
Nagpapaligsahan ang pitong pensiyonado sa atensiyon ni Lina. Photo: Screenshot at Ultima Hora Valle on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinalarawan din ng dalaga ang kanyang ugnayan sa mga ito bilang negosyo lang at hindi romantic relationship.

Ipinaliwanag din niya na naglalaan siya ng mas mahabang oras kung sino sa pito ang mas nakapagbibigay sa kanya ng mas maraming pera kada buwan.

Read: Angry girlfriend runs over boyfriend carrying their baby

NETIZENS BINATIKOS ANG YOUNG WOMAN

Nag-viral ang video ni Lina.

Mayorya ng netizens ay hindi nagustuhan ang kanyang mga disposisyon. Ipinagmamalaki pa raw niya ang kanyang mga kasalanan.

May mga nagkomento na dapat siyang makulong dahil sinasamantala niya ang mga matatandang lalaki.

Ayon sa isang netizen, bahagi rin ang mga pensioners sa kasalanan ni Lina.

Komento nito, “Moral decadence, at its finest; people who place more value on temporary material things on Earth than on eternal treasures in heaven.

“Not only do they sin but they flaunt their sin; making their sin a scandal; being able to make more people fall into the same sin that leads to spiritual death.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-call out din ito sa YouTube channel.

“We draw attention to Ultima Hora Valle; so that it does not spread these immoralities; that can harm more people by spreading bad examples that corrupt society.”

Read: Man wants wife to quit job; she demands half of his company

Marami rin ang nagpayo kay Lina na tigilan na ang pakikipagrelasyon sa mga pensiyonado, at sa halip ay maghanap ng trabaho.

Ang ilan ay kumampi kay Lina, at nagsabing: “Feminism is its maximum splendor.”

Nakakatulong din umano siya sa mga pensiyonado dahil, “Well, in the end, she acts as a caregiver.

“Old people must be cleaned, fed, with medications on time, with medical appointments, etc.”

May nagbiro rin na ito raw ng version ng Colombia ng Snow White and the Seven Dwarfs.

Para naman sa dalaga, hindi siya apektado sa kung anuman ang sinasabi ng mga tao.

Ang mahlaga, nagkakasundu-sundo siya at ang pitong pensioners.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bride breaks ankle after giving groom piggyback ride

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binatikos ng netizens ang naging desisyon ni Lina na pagsabay-sabayin ang relasyon sa pitong pensioners para masuportahan siya ng mga ito financially. (Photo: Screenshot at Ultima Hora Valle on YouTube)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results