Kris Aquino announces dismissal of Falcis grave-threat complaint

by Arniel C. Serato
Apr 26, 2019
Kris Aquino open to reconciling with former business partner Nicko Falcis: "So i am making this offer, we can meet at a neutral location with your lawyers & mine. We can talk like civilized individuals- let’s not involve our siblings. And who knows, maybe God wants peace for us all."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban

#KrisAquinoVsNickoFalcis

Ibinasura ng Office of the Prosecutor ng Quezon City ang reklamong two counts of grave threats na isinampa ng magkapatid na Nicko at Jess Falcis laban kay Kris Aquino.

Ayon sa resolusyon na may petsang April 1, 2019, walang "probable cause" ang reklamo ng Falcis brothers, kaya hindi pinayagan ng prosecutor’s office ng siyudad na umakyat ito sa korte, kunsaan magaganap ang hearing o bista.

Pirmado ang resolusyon ni Senior Assistant City Prosecutor Rolando G. Ramirez, at aprubado ito ni Senior Assistant City Prosecutor at Division III Chief Rossana S. Morales Montojo.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ngayong Biyernes ng hapon, April 26, inanunsiyo ni Kris sa followers niya ang naging desisyon ng prosecutor's office ng Quezon City.

Pahayag ni Kris [published as is], “SUMMARY: Baka sa haba ng sinulat ko nawala yung message, DISMISSED ang kaso nung Falcis brothers against me.

“It’s easy to judge others, i’ve fallen into that trap, too.

“But it’s HARD to LIVE that person’s life.

“Ang dami kong nabasa, narinig, at napanuod, mga hindi na mabilang na panlalait sa buong pagkatao ko.

“HOW DID I SURVIVE?

“BECAUSE I TOLD THE TRUTH.”

“WE ARE FLAWED HUMANS.”

Kasunod nito, pinasalamatan ni Kris ang legal team niya sa Divina Law sa matagumpay na pagdepensa sa kanya.

Dagdag ng web star at endorser, “They respected my choices, they were brilliant in their knowledge of the [PH] legal system.

"And most of all, THEY BELIEVED ME & IN ME.

“I am PROOF, we are all flawed humans, but setting me apart from my legal adversaries, i immediately & bravely faced accountability for my actions.

“Hindi ako nag pretend sa inyo na 'perfect' ako... and we STUCK TO THE ISSUES.

“Higit sa lahat, hindi ko binastos ang pagkatao nila kagaya ng ginawa nila sa ‘kin.

Continue reading below ↓

“Dinaan namin sa tamang proseso at nagtiwala ako sa justice system ng Pilipinas.

“Mahaba pa ang LABAN.

“i am not prematurely celebrating, naipanalo namin yung kaso nila laban sa kin, alam kong mas titindi ang kanilang misyon na siraan at sirain ako at saktan ang mga mahal ko sa buhay.

“My tears fall while writing this post, because i shall never forget all the special people, na nung kinailangan kong magpakatatag, no questions asked- they generously gave me unconditional love, friendship, support, and prayers.

“To close, i’ll start with a quote. “i may not be able to solve all your problems, i know how painful it is & it’s been, so i won’t say you’ll get over it; just be assured that whatever life brings, i am with you... HINDI KA NAG-IISA.” Thank you from a girl who is unafraid to show her scars, because she knows: PROTECTING YOUR DIGNITY IS WORTH EVERY BATTLE. #laban

Continue reading below ↓

ROAD TO RECONCILIATION?

Kapansin-pansin namang isa sa mga nagkomento sa Instagram post ni Kris ay si Nicko.

Mensahe ng dating business associate ni Kris, “Our family continues to pray for peace and justice.

“We both told our truths as the cases get dismissed one after the other since we both want to protect our families.”

Continue reading below ↓

Kaagad naman itong sinagot ni Kris, na dati nang nagpahayag ng labis na paghanga kay Nicko bilang self-made finance expert.

Pahayag ngayon ni Kris: “@nix722 hello nicko.

“To clarify, 2 of my cases got dismissed.

“1 prevailed and i withdrew 2.

“But yung case nyo against me na dismiss, and the cyberlibel case against your brother tuloy.

Continue reading below ↓

“i am still the weird me who is now giggling after reading 'pray' sa comment mo- because i remember clearly- we were at a healing Mass in Greenbelt and nahagip sa video that you were seated texting while i stood solemnly & napansin ng mom mo hindi ka nakikipray because kinandong mo yung yellow birkin ko.

“Enough time for me has passed that the anger has faded.

“BUT i hope you realize that the boy who celebrated his birthday last week thought the world of you, and he’s been through enough hell...

“And yet despite your mom being a doctor-nag TRIP kayo sa mga karamdaman ko...

“the whole of IG can read this, kayo naman ang hindi sumipot sa mediation.

“So i am making this offer, we can meet at a neutral location with your lawyers & mine.

“We can talk like civilized individuals- let’s not involve our siblings.

“And who knows, maybe God wants peace for us all.

Continue reading below ↓

“Alvin’s numbers remain the same. Madali syang ma contact kung gusto mong matapos na ‘to.”

Continue reading below ↓

Tugon ni Nicko: “@krisaquino I love Bimb and Kuya, and I’ve shown respect and care for them all through out our experiences — good and bad po.

“I have never involved them in any way that will put them in harm’s way.”

Continue reading below ↓

Ikinatuwa naman ng netizens ang palitan nina Kris at Nicko ng mga mahinahong mensahe.

Daan na kaya ito para magkapatawaran ang magkabilang kampo at iurong na ang mga nakabinbin pang mga reklamo ni Kris sa ilang korte laban sa magkapatid?

THE ISSUE IN BRIEF

Si Nicko—dating business partner ni Kris at managing director ng production company ng aktres—ay sinampahan ni Kris ng 44 counts of qualified theft sa pitong lungsod ng Metro Manila, kabilang na ang Quezon City, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Taguig, Makati, at Manila.

Continue reading below ↓

Tatlo sa mga reklamo ni Kris ay nabasura na—ang mga nakasampa sa Taguig, Makati, at Pasig.

Ngunit, ibinasura man ng Taguig Prosecutor's Office ang qualified theft complaint ni Kris, iminungkahi nitong maghain ng reklamong estafa si Kris kay Nicko.

Labis itong inalmahan ng kampo ni Nicko, na nagtaka kung nag-a-abugado na kay Kris ang Taguig Prosecutor's Office.

Iniurong naman ni Kris ang reklamo niya laban kay Nicko sa Mandaluyong.

Si Atty. Jess Falcis—ang nakababatang kapatid ni Nicko na siyang tumatayong spokesman ng pamilya—ay inihabla ni Kris ng 9 counts of cyber libel sa Department of Justice.

Continue reading below ↓

Nag-ugat ito sa pagbunyag ni Atty. Jess na sinabihan ni Kris ang kanyang kapatid na si Nicko ng "DARE TO STEP IN THIS COUNTRY AND YOU WILL BE DEAD."

Binuweltahan naman ng magkapatid si Kris ng reklamong two counts of grave threats sa Quezon City Prosecutor's Office dahil sa pagbabanta nito sa kanilang buhay.

Ngunit, dismissed na nga ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino open to reconciling with former business partner Nicko Falcis: "So i am making this offer, we can meet at a neutral location with your lawyers & mine. We can talk like civilized individuals- let’s not involve our siblings. And who knows, maybe God wants peace for us all."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results