Bea Alonzo trades happy vibes with Angelica Panganiban, Angel Locsin

by Rachelle Siazon
Oct 10, 2019
Angelica Panganiban (center) at Angel Locsin (right) ikinatuwa ang pagiging positibo ni Bea Alonzo (left) ilang buwan matapos ang masalimuot na hiwalayan nito at ni Gerald Anderson.
PHOTO/S: Mark Atienza / Noel Orsal

Tila iniwan na ni Bea Alonzo ang bigat sa kanyang dibdib matapos ang side trip niya at ng ilang Kapamilya stars sa Oslo, Norway.

Todo-suporta naman sina Angel Locsin at Angelica Panganiban na ilan sa mga artistang naka-bonding ni Bea matapos ang hiwalayan ng huli at ni Gerald Anderson.

Sa kanyang Instagram post kahapon, October 9, ipinakita ni Bea ang sunset view habang sakay siya ng eroplano pauwi ng Pilipinas.

Pagmumuni-muni ni Bea, "Looking out the aircraft window, gazing at this beautiful sunset, savoring this quiet moment.

"Just taking it all in. Leaving my thoughts with you, clouds.

"How can I not believe?"

Continue reading below ↓

Sa comments' section, sinang-ayunan ni Angelica Panganiban ang pagiging positibo ni Bea.

"Iwan iwan din pag nagkaluwag-luwag [face with rolling eyes] uwi na mami. Malapit na ko mag text kay KIKOOOO," saad ni Angelica.

Reply ni Bea, "@iamangelicap mami!! eto nako!! hahahaha!! pagaling ka [hug and heart emojis]."

Pagkatapos ay nag-post ulit si Bea ng ilang masasaya niyang litrato habang nasa ibang bansa.

Continue reading below ↓

Kalakip nito ang quote na "When things change inside you, things change around you... Welcome back [sun emoji]."

Dito nagyaya si Angel na magkita-kita na sila.

Ani Angel, "I-welcome na yan!"

Sagot ni Bea, "@therealangellocsin yaaaaaass!! miss you!! tara na!!"

Continue reading below ↓

BEA-GERALD BREAKUP

Noong Hulyo, lumikha ng kontrobersiya ang pag-amin ni Bea na wala silang formal breakup ng longtime boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Bigla na lang daw itong hindi nakipag-usap sa kanya hanggang sa mauwi na nga sa hiwalayan ang kanilang halos tatlong taong relasyon.

Naging tampok ng espekulasyon ang pag-react ni Bea sa litrato ni Gerald kasama ang Between Maybes leading lady nitong si Julia Barretto.

Pero sa panayam ng TV Patrol noong August 5, mariing pinabulaanan ni Gerald na third party ang dahilan ng breakup nila ni Bea at wala raw kinalaman dito si Julia.

JULIA SAYS NO TO BEING DRAGGED INTO BEA-GERALD BREAKUP

Kasunod nito, kinondena ni Julia ang umano'y pailalim na pagdidiin sa kanya ni Bea sa isyu.

Giit ni Julia sa isang Instagram post noong August 6, hindi raw siya kasali sa kung anumang pinag-awayan nina Bea at Gerald.

Nilinaw rin ni Julia na hindi rin third party ang dahilan kung bakit nagkahiwalay rin sila ng boyfriend niyang si Joshua Garcia apat na buwan ang nakalilipas.

Continue reading below ↓

Sa parte ni Bea, hindi na niya sinagot ang mainit na pahayag ni Julia laban sa kanya.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban (center) at Angel Locsin (right) ikinatuwa ang pagiging positibo ni Bea Alonzo (left) ilang buwan matapos ang masalimuot na hiwalayan nito at ni Gerald Anderson.
PHOTO/S: Mark Atienza / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results