PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lilibeth Romero laments "handling/mishandling" of partner Eddie Garcia’s body after accident

Lilibeth Romero testifies in Congress on partner Eddie Garcia's death.
by Arniel C. Serato
Published Jan 29, 2020
Lilibeth Romero on death of partner Eddie Garcia: "Worse is the handling/mishandling of his body, and worst is trying to fit this 5 feet 11 inches man into a tricycle and when he couldn’t fit into it, carried him like a lechon out to the road and waited for a taxi.”
PHOTO/S: Courtesy: Zer Zetroc on Facebook

Hindi naging maayos ang pag-handle sa katawan ng namayapang beteranong aktor na si Eddie Garcia nang madisgrasya ito sa isang GMA-7 set noong June 8, 2019.

Ito ang sinabi ng partner ni Eddie na si Lilibeth Romero sa kanyang testimonya sa Kongreso, sa pagdinig ng House committee on labor and employment, ayon sa ulat ng Manila Bulletin, ngayong araw, January 28.

Dagdag pa sa testimony ni Lilibeth, ayon sa ulat, ipinilit ipasok ang katawan ni Eddie sa loob ng isang tricycle, at nang hindi ito nagkasya ay binuhat daw itong parang "lechon" sa kalsada, kung saan naghintay ng taxi ang mga nag-rescue.

Dagdag ni Lilibeth, base pa rin sa ulat, ang pagkamatay ng kanyang long-time partner ay “caused by gross negligence, unsafe working environment” at ang kawalan ng first aid o emergency personnel sa set ng GMA-7.

Nangako din daw si Lilibeth na makikipagtulungan sa nasabing kumite upang makabuo ng bagong batas para magarantiyahan ang kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa sa telebisyon at pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang testimonya, hinimok ni Lilibeth ang mga mambabatas na gawing batayan ang kamatayan ni Eddie upang makapagpasa ng maayos na panukalang batas para maprotektahan ang mga manggagawa sa industriya.

Sinabi rin niya sa hearing, na sa imbestigasyon ng Kapuso Network, lumabas na nakaapak ang kaliwang sapatos ni Eddie sa hindi pantay na bahagi ng set kaya raw ito nawalan ng kontrol at natumba.

Dagdag ni Lilibeth: “Categorically, I state that Eddie Garcia’s death was caused by gross negligence, unsafe working environment, absence of an expert medic, and crowd controller, no standby ambulance.

“Worse is the handling/mishandling of his body, and worst is trying to fit this 5 feet 11 inches man into a tricycle and when he couldn’t fit into it, carried him like a lechon out to the road and waited for a taxi.”

Ang kanya namang anak na si House Deputy Speaker Michael Romero ay naghain na ng House Bill No. 0181 na naglalayong makabuo ng occupational safety and health standards (OSHA) sa mga manggagawa sa pelikula, telebisyon, at teatro.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

EDDIE GARCIA’S DEATH

Pumanaw si Eddie sa edad na 90, noong nakaraang June 20, 2019, ganap na 4:55 P.M.

Ito ay pagkatapos siyang maratay sa ICU ng Makati Medical Center ng labindalawang araw.

June 8 nang nasangkot sa isang freak accident ang beteranong aktor sa set ng teleseryeng Rosang Agimat sa Tondo, Maynila.

Pinagmumulta ng Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR) ang GMA Network at ilan pang kumpanya ng P890,000 kaugnay ng kanyang pagkasawi.

Batay sa imbestigasyon ng DOLE-NCR, nalabag ng network ang tatlong probisyon sa Occupational Safety and Health Standards (OSHS) sa insidenteng kinasangkutan ng award-winning actor-director.

Una, bigo ang GMA-7 mai-report sa DOLE ang on-set accident sa loob ng 24 oras.

Pangalawa, walang safety officer sa set.

Pangatlo, wala ring first-aid responder sa location ng taping, ayon sa order ng kagawaran na isinapubliko noong Disyembre 23.

Bukas ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa anumang pahayag ng GMA Network sa mga inihayag ni Lilibeth Romero sa Kongreso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lilibeth Romero on death of partner Eddie Garcia: "Worse is the handling/mishandling of his body, and worst is trying to fit this 5 feet 11 inches man into a tricycle and when he couldn’t fit into it, carried him like a lechon out to the road and waited for a taxi.”
PHOTO/S: Courtesy: Zer Zetroc on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results