ABS-CBN can operate until March 2022, says Speaker Cayetano

by Arniel C. Serato
Feb 14, 2020
House Speaker Alan Peter Cayetano assures the public that broadcast giant ABS-CBN will continue to broadcast until its franchise renewal application will be rejected or approved by Congress.
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News

Ipinaliwanag ni House Speaker Alan Peter Cayetano kung bakit hindi ganun ka-urgent ang pagdinig sa franchise application ng ABS-CBN Corporation.

Sa isang event sa Parañaque ngayong araw, February 14, nagbigay ng pahayag si Cayetano ukol sa nakabinbin pa ring mga panukalang batas sa Kongreso ukol sa franchise renewal ng Kapamilya network.

Saad ng Pangulo ng Kamara, “Bakit ko sinasabing hindi urgent, don’t get me wrong.

"Napakalaki po ng franchise ng ABS-CBN.

"Hindi lang sa 11,000 empleyado. Importante 'to sa buong bansa, sa democracy natin.

"Pero, hindi ganun ka-urgent. Bakit? Kasi, hanggang March 2022, puwedeng mag-operate, e, di ba?"

Kahit hindi pa makakuha ng bagong prangkisa, makakapag-operate pa rin daw ang istasyon habang pending ang kanilang aplikasyon sa Kongreso.

Kailan ba nila ito balak talakayin?

Tugon ni Cayetano, “Definitely before March 2022, possibly in May if we have cooler heads... worst case, after SONA."

Sa July 2020 nakatakda ang susunod na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Continue reading below ↓

Taliwas ito sa naging pahayag ni Cayetano noong January 22, 2020, kung saan tiniyak niyang sa unang linggo ng Pebrero ay tatalakayin na ng House Committee of Legislative Franchises, na pinamumunuan ni Congressman Franz Alvarez ng Palawan, ang 11 panukalang batas na naglalayong bigyan ng bagong prangkisa ang network.

Ngunit hanggang ngayong ikalawang linggo ng Pebrero ay hindi pa ito naikakalendaryo ng nasabing komite.

Paliwanag ng House Speaker, maraming inuunang prayoridad ang Kongreso, katulad ng pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal at ang health emergency kaugnay ng COVID-19.

Sabi pa nito, "Huwag kayong mag-alala dahil hindi naman mag-o-off the air ang inyong mga paboritong show.

"Pero sa ngayon, napakaraming importanteng inaasikaso ng Kongreso."

THE QUO WARRANTO PETITION

Muling nangako si Cayetano na gagawin nilang patas sa Kongreso ang hearing sa franchise renewal bills ng ABS-CBN.

Kasunod ito ng nagsilabasang opinyon ng netizens matapos magsampa ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General sa Supreme Court upang kaagad na kanselahin ang existing franchise ng broadcast giant.

Continue reading below ↓

Sabi ng kongresista na kaalyado ni Pangulong Duterte, “Gagawin namin ang pag-hearing namin and we do it fairly.

“So, yung mga pinalabas ngayon na parang isang side lang, wala tayong pupuntahan kung ganun. Hindi ito eleksiyon, paramihan.

“Ano bang nakalagay sa logo ng ABS-CBN, 'in the service of the Filipino people.'

“Hindi in the service lang ng dilaw, hindi in the service lang ni Duterte.

“Hindi in the service lang ng pro-ABS. Kaya nga sinusuportahan niyong lahat sa media.

“So, question, is it a question of press freedom? Yes.

“Hindi mo puwedeng tanggalin na merong issue ng press freedom.

“Pero kuwestiyon, ‘pag hindi ba binigay ang prangkisa, patay na ang press freedom, hindi.

“Kaya nga may hearing, e. Bakit may prangkisa pa?

"Kung ang press freedom ay automatic, e, wala na tayong dadaaanan pang hearing sa Kongreso, ibabatas na lang.”

Ayon pa kay Cayetano, hindi sila napi-pressure sa mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ABS-CBN pati na ng supporters ng network.

Continue reading below ↓

Sa March 30, 2020 magtatapos ang legislative franchise to broadcast ng ABS-CBN.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
House Speaker Alan Peter Cayetano assures the public that broadcast giant ABS-CBN will continue to broadcast until its franchise renewal application will be rejected or approved by Congress.
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results