KC Concepcion says her greatest love was also her greatest heartache

by Bernie V. Franco
6 days ago
KC Concepcion reveals an important detail about her "greatest love" in a recent video that she uploaded on YouTube.
PHOTO/S: @ethandavid_ on Instagram

Ang greatest love ni KC Concepcion, 34, ang siya ring nagdulot sa kanya ng pinakamatinding heartache.

Ito ang naging paglalarawan ng actress-entrepreneur nang tanungin tungkol sa kanyang greatest love.

Sa video na in-upload ni KC sa kanyang YouTube channel ngayong Araw ng mga Puso, February 14, napag-usapan nila ng kaibigan at hairstylist na si Ethan David ang tungkol sa pag-ibig.

Una ay tinalakay ng dalawa ang same-sex marriage ni Ethan.

Pagkatapos ay tinanong ng hairstylist kung paano si KC kapag na-in love ito.

Pagbabahagi muna ni Ethan, “She’s really willing to travel anywhere with this man she loves.”

Dito ay sinagot ni KC ang tanong na “Describe your greatest love.”

Ayon sa anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion: “My greatest love was also my greatest heartache, because you can’t have a great heartache without great love.

“I can’t imagine life not experiencing being in love.

“I know I’ve been in love so hard, I can’t imagine a person that hasn’t experienced that.”

Continue reading below ↓

Hindi pinangalanan ni KC kung sino sa kanyang mga naging boyfriend ang greatest love niya.

kc'S PAST BOYFRIENDS

Sa pagkakaalam ng publiko, may anim na naging boyfriend si KC.

Ito ay ang singer na si Rico Blanco, ang director-turned-politician na si Lino Cayetano, ang Kapamilya actors na sina Piolo Pascual at Paulo Avelino, ang former Azkals player na si Aly Borromeo, at ang pinakahuli ay ang French filmmaker-businessman na si Pierre Plassart.

Noong 2003 ay lumutang ang balitang may namamagitan kina KC at Rico. Pero hindi nila kinumpirma ang kanilang relasyon.

Sa interview ni Rico sa veteran entertainment reporter na si Ricky Lo noong 2006, inamin ng musician na dati siyang naging "really close" kay KC.

Noong 2007 ay inamin ni KC na nagdi-date sila ni Lino. January 2008 naman nang lumabas ang balitang nag-break na sila.

October 2010 nang maging magkarelasyon sina KC at Piolo.

November 2011, nagsalita si KC tungkol sa paghihiwalay nila ng Kapamilya actor sa The Buzz, ang dating showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN.

Nagbigay naman ng mas mahabang interview si KC sa YES! Magazine, na lumabas noong 2012, tungkol sa pagkalugmok niya matapos ng hiwalayan nila ni Piolo.

Continue reading below ↓

March 2015 nang kumpirmahin ni Paulo na naghiwalay sila ni KC, pero hindi nila inamin sa publiko nang maging magkarelasyon sila.

Sa isang artikulo ng PEP.ph na lumabas noong April 2015, nabanggit na higit sa isang taon ding naging magkarelasyon ang dalawa.

Noong 2016 ay nabalita ang pagdi-date nina KC at Aly.

Kinumpirma nila ang kanilang paghihiwalay noong March 2018.

August 2018 naman nang i-post ni KC na nagkabalikan sila ni Pierre matapos maghiwalay ng limang taon.

Sa interview ni Sharon sa Magandang Buhay noong September 2018, sinabi ng Megastar na ang unang paghihiwalay nina KC at Pierre ay dahil sa kanilang long-distance relationship.

Umugong ang balitang nauwi muli sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa nang mag-post sa Instagram si KC noong July 2019 at ginamit ang caption na "we single ladies."

Napansin din ng netizens na tumigil na sa pagla-like si KC sa mga post ni Pierre, na lalong nagpalakas ng suspetsang naghiwalay na nga ang dalawa.

Continue reading below ↓

Lumabas naman sa balita kamakailan na inili-link si KC kay apl.d.ap ng international group na The Black Eyed Peas.

December 2019 nang mamataang magkasama sa public sina KC at apl.d.ap., pero wala pang kumpirmasyong nanggagaling sa dalawa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion reveals an important detail about her "greatest love" in a recent video that she uploaded on YouTube.
PHOTO/S: @ethandavid_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results