Inamin ni Julia Barretto na “very happy” ngayon ang kanyang puso.
Pero sa kabila nito, ayaw pa ring magkuwento ng 23-year-old actress tungkol sa kanyang love life.
“My heart is fine right now, actually… thankfully,” sabi ni Julia nang mag-guest siya sa Moving On ng Magic 89.9 FM nitong Lunes ng gabi, May 11.
Kinumusta kasi ng hosts disc jockeys (DJs) na sina Sam YG at Gino Quillamor ang puso ni Julia.
“It’s happy right now… it’s very happy,” sagot ng aktres.
“But I think, as to whether I’m single or not, I think I’m not gonna answer that for now.
“I think I wanna keep people wondering.”
“DON’T SHARE TOO MUCH ABOUT IT”
Mistulang desidido talaga si Julia na ilihim sa publiko ang tungkol sa espesyal na taong nagpapasaya sa kanya sa ngayon.
Ito raw kasi ang pinakamahalagang natutuhan ng young actress pagdating sa romantic relationships.
Upang maprotektahan ang relasyon ng isang public figure na tulad niya, kailangan daw na limitado o walang alam ang publiko tungkol dito.
“If there’s something that you really wanna last and work out, protect it as much as you can,” sabi ni Julia.
“Don’t share too much about it.
“Don’t share so much about a relationship that is supposed to be just between two people.”
Paliwanag ni Julia: “I think, the less people know about something, the less they could have an opinion about it.”
Sa sinabi niyang ito, malinaw na gusto ni Julia na gawing pangmatagalan ang kasalukuyan niyang relationship.
“So now, I want things to work out, I want things to last,” nakangiting sabi ni Julia.
“I’m gonna protect it with all that I have.
“I’m gonna keep a lot of things to myself from now on when it comes to that aspect in my life.”
THE LUCKY GUY
Bagamat ayaw pang direktang kumpirmahin ang tungkol sa kanyang special someone, nagbigay ng hint si Julia sa mga katangiang gusto niya sa isang lalaki.
Siyempre pa, taglay ng bagong nagpapasaya sa aktres ang mga katangiang ito.
“Someone intelligent,” ani Julia.
“A good conversationalist.”
Pipiliin din daw ng young actress ang isang lalaking gentleman, maaasahan, at makakaintindi sa kanya.
Dagdag ni Julia, “Just being a gentleman, somebody who is always there for you.
“Someone who understands you.”
JULIA’S “LOVED ONE”
Sa 23rd birthday ni Julia nitong March 10, ipinakilala niya—indirectly—sa social media ang bago niyang inspirasyon.
Tinukoy niya ito bilang “a loved one.”
Tanging ang loved one na ito ni Julia, kasama ang pamilya ng huli, ang nagsalu-salo sa dinner para ipagdiwang ang birthday ng aktres.
BREAKUP WITH JOSHUA, ALLEGED ROMANCE WITH GERALD
Ang dating loveteam partner na si Joshua Garcia, 22, ang huling nakarelasyon ni Julia.

Tumagal ng mahigit dalawang taon ang kanilang relasyon, na nagtapos noong April 2019.
Ilang buwan matapos ang breakup kay Joshua, na-link si Julia sa aktor na si Gerald Anderson, 31.
Nang mga panahong iyon, katatapos lang ipalabas ng pelikula nina Julia at Gerald, ang Between Maybes, noong May.
THE THIRD PARTY
Pagsapit ng July, nadawit si Julia sa kontrobersiyal na hiwalayan ni Gerald sa aktres na si Bea Alonzo, 32.
Tatlong taong naging magkarelasyon sina Gerald at Bea.
Magkasunod na itinanggi nina Gerald at Julia na ang young actress ang third party sa breakup ng aktor kay Bea.
Sa isang TV interview, iginiit ni Julia na hindi sila kailanman nagkarelasyon ni Gerald.
Sa kabila nito, pilit pa ring iniuugnay ng netizens sina Julia at Gerald sa isa’t isa.
Nariyang inintriga ang pagkakapareho ng jersey number ng dalawa nang kapwa sila sumali sa ABS-CBN All-Star Games noong August 2019.

Minalisyahan din ng fans ang anila’y matching wooden cross bracelets na ilang beses na namataang suot nina Julia at Gerald nang mga sumunod na buwan.
“Love bracelet” daw iyon nina Julia at Gerald.

Kasabay ng pag-iwas na pag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa isa’t isa, humupa ang intriga sa pagitan nina Julia at Gerald.
Hanggang sa ianunsiyo na nga ni Julia na may bago na siyang pag-ibig.
Sa kasalukuyan, nananatili pa ring single si Gerald, gayundin sina Bea at Joshua.
