Sinagot ni Kapamilya executive Laurenti Dyogi ang paratang ng mga anti-ABS-CBN at pro-Government netizens na ginagamit daw ng network ang mga empleyado nito upang makuha ang simpatiya ng publiko.
Si Dyogi ay ang head of TV production ng ABS-CBN, pero una siyang nakilala bilang direktor ng sikat na reality show na Pinoy Big Brother.
Tweet niya: “Good afternoon sa lahat! Katatapos lang ng Senate hearing on ABS franchise.
“Nalulungkot ako dahil habang tumatagal na wala kami sa free tv at radyo, marami sa aking katrabaho ang maaring mawalan ng kabuhayan.
“Pero patuloy akong umaasa! #KapamilyaForever #LabanKapamilya”
Kalakip ng kanyang tweet ang halos dalawang minutong video ng mga empleyado at talents na naghayag din ng kanilang kalungkutan sakaling tuluyang magsara ang ABS-CBN.
BASHERS: "PAAWA EFFECT"
Ang video post ni Dyogi ay tinawag ng isang basher na "paawa effect."
Buong komento ng netizen: “kasalanan ng network po big brother. Yang mga nawowork sa network, wag nyo pabayaan.
“pero sorry kuya kasi feeling ko paawa effect tong video nato.
“alam naman na kasi namin eh, bat nag video pa para maawa kami?
“pero effective naawa ako sa kanila…. lang.”

Tugon ni Dyogi, “unfair” na sabihing paawa ang kanilang hinaing.
Totoong “takot at pangamba” ang naramdaman daw ng mga tauhan ng ABS-CBN sa kasalukuyan.
Saad niya: “Totoo ang nararamdaman nilang takot at pangamba.
“I don’t blame you if you can’t relate or fully empathize with them.
“But I think its unfair to invalidate their feelings as paawa.”
Burado na ang komento, pero mababasa pa rin sa timeline ni Dyogi ang kanyang sagot.
"KASALANAN NG MANAGEMENT"
Sabad ng isang netizen, bakit daw pinabayaan ng network na hindi ma-renew ang kanilang prangkisa.
Huwag daw sisihin ng ABS-CBN management ang gobyerno sa nangyari.

Mahinahon naman itong sinagot ni Dyogi.
Pahayag niya, “am not sure if you are fully aware of how everything transpired.
“Sad that you are just quoting standard reasoning of our detractors.”

LABAN KAPAMILYA!
May mga nagtanggol at nakisimpatiya kay Dyogi at sa ABS-CBN.
Komento ng isa: "Walang susuko magsama sama tayo magdasal para sa lahat sa bayan na kailangan ang @ABSCBN
"ang serbisyo nila tulad ng pagpaabot ng balita, releif goods , at ngbmay mga sakit handa sila tumulong. I LOVE KAPAMILYA since ako natutu manuod ng balita sa pronincya."
Tweet naman ng isa: "Ito Ang mga iilan pa lang na empleyado ng ABSCBN na maaapektuhan pag nagpatuloy pa ito, ito lng ang source of income nila, kaya wag natin hayaang ang mga taong ito ay magdusa lalot may edad na ang iba sa kanila. #LabanKapamilya"
Pahayag naman ng isa pa: "Kaiyak po yung video, sana po hipuin ni Lord ang puso ng lahat ng kumakalaban sa abs cbn, magkaroon sana kahit kaunting kabutihan sa puso nila, at wag na po sana nilang hadlangan ang franchise."
STATUS OF FRANCHISE RENEWAL
Hanggang ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung kailan o kung magbabalik pa sa ere ang Kapamilya network.
Nagsara ang broadcast ng ABS-CBN noong May 5, 2020, isang araw makalipas ang pagkapaso ng kanilang 25-year legislative franchise.
Nakabinbin pa rin sa Kongreso ang franchise renewal nito.
Kahapon, May 19, nagdesisyon ang Kongreso na hindi na ituloy ang pagdinig sa House Bill 6732, na magbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN hanggang October 31, 2020.
Sa halip, tatalakayin daw ng Kongreso ang mismong renewal ng 25-year franchise ng giant network.
Kahapon din ay nagsagawa ng hiwalay na pagdinig ang Senado tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Pinag-usapan sa hearing ang Senate Bill 981, na naglalayong bigyan ng 25-taong prangkisa ang network, at ang Senate Bill 1521, na layon namang bigyan ng temporary franchise ang istasyon hanggang June 2022.
Hindi maaaring maglabas ng committee report ang Senado ukol sa hearing hangga't hindi naisusumite ng Kongreso ang maaprubahang batas tungkol sa ABS-CBN franchise.
Alinsunod sa batas, ang lahat ng franchise bills ay kailangang manggagaling muna sa Mababang Kapulungan bago ito pag-usapan sa Senado.
RETRENCHMENT IN ABS-CBN?
Isa si ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak sa naimbitahang magsalita sa virtual hearing sa Senado kahapon.
Dito ay inihayag ni Katigbak na posibleng mapilitang magbawas ng mga empleyado ang network kapag natagalan pa ang pagbabalik nito sa himpapawid.
Umaabot daw sa halos P35M araw-araw ang lugi ng istasyon habang naka-off the air ito sa free TV.
Mula May 5 hanggang ngayong May 20, tinatayang nasa kalahating bilyon na diumano ang lugi ng istasyon.
Panimula ng ABS-CBN President at CEO, "When we were taken off the air on May 5th, we made a commitment to our employees, given the difficult economic situation following the COVID-19, we made a commitment to them that we would not take away any jobs for three months."
Sabi pa ni Katigbak, “We continue to lose a substantial amount of money every month, and I'm afraid that if we cannot get back on air soon by August, we may already have to consider beginning a retrenchment process.
“We felt it would be very, very painful to put our employees out on the street without them having an idea as to how they can continue earning a living and continue to feed their families.
"But unfortunately, we cannot make that commitment open-ended because we are also limited by financial constraints.”
THE NETWORK FRANCHISE APPLICATION
Taong 2014 pa, sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino, nagpasa ng franchise renewal application ang ABS-CBN sa Kongreso.
Pero binawi ito ng network dahil daw sa “time constraints.”
Taong 2016, sa 17th Congress at sa panahon na ni Pangulong Rodrigo Duterte, muling nag-apply ang ABS-CBN ng bagong prangkisa.
Ngunit inupuan lamang ito ng mga mambabatas.
Nitong 18th Congress, nagpasa ang ilang mambabatas ng 11 panukalang batas na magbibigay ng bagong prangkisa sa Kapamilya network.
Pero nanatili itong nasa komite lamang hanggang sa mapaso na ang prangkisa ng ABS-CBN nitong May 4, 2020.
Naghain ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN, noong May 5, dahil wala na itong prangkisa para magpatuloy ng kanilang pagbu-broadcast.
Ito ang naging hudyat upang mag-shutdown ang network noong araw ring iyon.
May 7, naghain sila ng petition for certiorari and prohibition sa Supreme Court upang ipabasura ang NTC order.
Pero hindi naglabas ang Supreme Court ng TRO sa advisory nito kahapon, May 19.

