Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Angel Locsin exposes online death threat against her, Kim Chiu, Coco Martin

by Jet Hitosis
May 21, 2020
A Twitter user offered a P200-million reward to supporters of President Rodrigo Duterte and GMA Network who would be willing to "kill" ABS-CBN stars (L-R) Angel Locsin, Kim Chiu, and Coco Martin.
PHOTO/S: @therealangellocsin, @chinitaprincess #LabanKapamilya on Instagram

Idinaan ni Angel Locsin sa biro ang pagbubunyag ng isang tweet ng death threat sa kanya.

Bukod sa 35-year-old actress-humanitarian, pinagbantaan din ang buhay ng kapwa niya Kapamilya stars na sina Kim Chiu, 30, at Coco Martin, 38.

Ipinost ni Angel sa Instagram nitong Miyerkules, May 20, ang screenshot ng naturang tweet.

Sa caption, special mention ng aktres ang National Bureau of Investigation (NBI).

Mababasa sa tweet na may iniaalok na PHP200-million reward sa “makapatay kina Kim Chiu, Coco Martin, at Angel Locsin.”

Ang nabanggit na offer ay eksklusibo lang daw sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng GMA Network.

Kung totoo ang reward offer, mahihinuhang ang nag-tweet ay tagasuporta ng Presidente, at pabor sa ABS-CBN shutdown.

RELATED STORY

DEATH THREAT FROM A FAKE TWITTER ACCOUNT?

Ang tweet ay ipinost ng Twitter user nitong Martes, May 19.

Pero masasabing peke ang account ng netizen na ito.

Sa pagsilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Twitter account, nakita na May 2020 lang ito ginawa.

Continue reading below ↓

At press time, tatlo lang ang followers ng account.

Consistent din ang Twitter user sa posts nito pabor sa pagsasara ng Kapamilya network.

At bukod sa death threat laban kina Kim, Coco, at Angel, may hiwalay pang tweet ang netizen.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pinagbabantaan din nito ang buhay ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo, at maging ni ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak.

Continue reading below ↓

Sina Angel, Kim, Coco, at Kathryn ay pawang nakibahagi sa Laban Kapamilya Facebook Live online protest kaugnay ng ABS-CBN shutdown.

Sa parehong tweet, nabanggit din ng netizen ang tungkol sa planong pambobomba sa compound ng ABS-CBN—sa tulong daw ng New People’s Army (NPA).

Ang NPA ang armed wing ng 51-anyos na revolutionary organization na Communist Party of the Philippines (CPP), at ng kaalyado nitong National Democratic Front (NDF).

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ANGEL ACCUSED OF SUPPORTING NPA

Bukod sa screenshot ng death threat, ibinahagi rin ni Angel ang isang quote card.

Mababasa sa quote card (published as is): “Angel Locsin is NPA SUPPORTER KAYA HINDI DAPAT PANIWALAAN SINASABI NG BABAENG YAN.”

Sa kabila ng pagbabanta at akusasyong ito laban kay Angel, mahihinuhang hindi sineryoso ng aktres ang parehong post.

Continue reading below ↓

Pero sa caption, tinawag ni Angel ang atensiyon ng NBI.

Caption ni Angel: “Hello, NBI? Beke nemen po… [smiling face with open mouth and cold sweat emoji]”

KIM: “NAKALIMUTAN NIYA SA CLASSROOM MAY BATAS”

Bilang isa sa mga pinangalanan sa death threat, napakomento si Kim sa post ni Angel.

Gaya ni Angel, idinaan din ni Kim sa biro ang reaksiyon niya.

Continue reading below ↓

Natakot daw si Kim na siya ang nauna sa death threat ng Twitter user.

Pagkatapos, idinugtong ni Kim ang linya sa sikat na sikat ngayong law of classroom analogy niya tungkol sa ABS-CBN shutdown.

Tanong ni Kim, hindi raw ba naaalala ng Twitter user na may batas sa classroom, at iyon ay ang pagbabawal na lumabas?

Comment ni Kim: “Shocks ako una??!!!

“Katakot naman yan!!! [shocked face emoji]

“Baka nakalimutan niya sa CLASSROOM MAY BATAS!

“bawal lumabas oh bawal lumabas!

“Kaya baka hindi siya lumabas ate ange????”

Reply ni Angel kay Kim: “hahaha! Baka!”

Continue reading below ↓

RELATED STORY

Pabiro at sarkastiko rin ang komento ng fiancé ni Angel na si Neil Arce:

Sabi ni Neil kay Angel: “NPA ka pala [three weary cat face emojis]”

Tinawanan lang ni Angel ang comment ni Neil.

Continue reading below ↓

ANGEL GOES “NATAWALOKA”

Ilang Instagram followers ni Angel ang nalula sa laki ng reward money na iniaalok ng Twitter user.

Biniro tuloy ni Angel ang nagsulat ng death threat:

“Baka puwedeng makahingi naman ng pang ayuda kuya [laughing with tears emoji]”

Pero sa isang komento ni Angel, sinaway niya ang kanyang fans na gustong kumprontahin ang nasa likod ng online death threat.

Continue reading below ↓

Huwag nang padalhan ng direct messages ang Twitter user, sabi ni Angel.

Ayon pa sa aktres, “natawaloka” lang daw siya sa tweet nito.

HOW WILL NBI RESPOND?

Ang ibang Instagram users, curious kung ano ang gagawin ng NBI sa kaso ni Angel.

Damputin din daw kaya ng NBI ang mga nagbabanta sa buhay ng celebrities?

Continue reading below ↓

Tulad ng nangyari kay Angel, may nag-tweet nitong May 5 tungkol sa pagpatay kay Pangulong Duterte.

May 12 nang dinakip ng NBI ang teacher na si Ronnel Mas, 25, dahil sa tweet nitong nag-aalok ng PHP50 million pabuya sa makakapatay sa Pangulo.

Kinasuhan si Mas ng inciting to sedition at paglabag sa ethical standards, na may kaugnayan sa Anti-Cybercrime Law.

Tanong ngayon ng netizens, pareho lang kaya ang patakarang ipaiiral ng NBI sakaling ibang tao ang pagbantaan ng buhay online?

Gaya nga ng nangyari kina Angel, Kim, Coco, Kathryn, at Katigbak?

Wala pang linaw kung maghahain ng pormal na reklamo sa NBI ang sinuman sa nabanggit na Kapamilya personalities kaugnay ng online death threat sa kanila.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A Twitter user offered a P200-million reward to supporters of President Rodrigo Duterte and GMA Network who would be willing to "kill" ABS-CBN stars (L-R) Angel Locsin, Kim Chiu, and Coco Martin.
PHOTO/S: @therealangellocsin, @chinitaprincess #LabanKapamilya on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results