Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Trending: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla defend ABS-CBN 

by Jet Hitosis
May 14, 2020
Kapamilya real-and-reel life couple Kathryn Bernardo (left) and Daniel Padilla (right) upload their Instagram videos on their take on the ABS-CBN shutdown, hours before the House members approved, on second reading, a bill providing a provisional legislative franchise for ABS-CBN.
PHOTO/S: @bernardokath, @supremo_dp on Instagram

Mas magiging talamak ang “inequality” sa bansa.

Nabawasan na kasi ngayon ang option ng manonood dahil sa pagsasara ng ABS-CBN.

Ito ang ipinunto ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo, 24, nang maglahad siya ng opinyon tungkol sa network shutdown.

Nagsalita si Kathryn sa video na ipinost niya sa Instagram nitong Miyerkules, May 13.

Kasabay ni Kathryn, nag-post din kahapon ng Instagram video ang boyfriend at love-team partner niyang si Daniel Padilla, 25.

Sa panig ni Daniel, ipinagtanggol niya ang mga kapwa Kapamilya stars na patuloy na bina-bash dahil lang sa pagpapahayag ng saloobin pabor sa ABS-CBN.

KATHRYN: “WAG NA NATING PALALAIN ANG INEQUALITY”

Upang bigyang-diin ang kanyang punto tungkol sa inequality, ginamit ni Kathryn ang isang linya sa blockbuster movie niyang Hello, Love, Goodbye.

Ang Hello, Love, Goodbye ang huling pelikulang pinagbidahan ni Kathryn.

Produced ng Star Cinema, ang film production unit ng ABS-CBN, ang Hello, Love, Goodbye ay ang highest-grossing Filipino film, na may kinitang mahigit PHP880 million.

Continue reading below ↓

Ipinalabas ito noong July 2019, kung saan nakatambal ng aktres ang Kapuso actor na si Alden Richards.

“Mayroon po akong isang linya dun sa movie na nagawa ko nung huli.

“Ang sabi dun: 'Ang choice para lang sa may pera.’”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa pelikula, ginampanan ni Kathryn ang karakter ni Joy, laki sa hirap pero mataas ang ambisyon para sa pamilya.

Si Alden naman si Ethan, isang binatang carefree at umiiwas sa responsibilidad sa buhay.

Ang linyang binanggit ni Kathryn ay sinabi ni Joy kay Ethan.

Sa pagpapatuloy ni Kathryn, ipinaliwanag niyang dahil sa pagpapasara sa ABS-CBN “mas binawasan pa natin iyong pagpipilian ng mga kababayan natin.”

Lalo na raw at ang ABS-CBN ang malinaw na nasasagap ng mga telebisyon sa malalayong probinsiya.

Nataon pang panahon ng pandemic kaya ngayon, ayon sa aktres, higit mas kailangan ng Pilipino ang mahahalagang impormasyon, pati na rin ang libangan.

“Sana matuto tayong makaramdam,” patuloy ni Kathryn.

Continue reading below ↓

“Matuto tayong makaramdam sa ilang milyong Pilipino na nawalan ng libreng access sa impormasyon at libangan."

Binigyang-diin ni Kathryn: “Wag na po nating palalain ang inequality.

“Ang choice hindi lang iyan dapat sa may pera. Magtulungan tayo."

LABOR, PUBLIC HEALTH, PRESS FREEDOM ISSUES

Para sa young actress, apektado ng ABS-CBN shutdown ang mga usaping labor, public health, at press freedom.

Continue reading below ↓

Paliwanag niya: “Labor issue, kasi ilang libong empleyado ang nawalan ng trabaho. Kahit na wala naman silang nilabag na batas.

“Issue rin po ito ng public health. Kasi iyong impormasyon na pinagkukunan nila para protektahan iyong mga sarili nila, nawala.

“At lastly, issue rin po ito ng press freedom.

“Kasi nawalan sila ng paraan para magpahayag.”

“MATUTO TAYONG MANINDIGAN SA TAMA”

Nanawagan din si Kathryn sa publiko na manindigan sa kung ano ang tama.

“Tayong mga Pilipino, sana matuto tayong manindigan sa kung ano ang tama,” dagdag ni Kathryn.

“Sana magamit natin iyong boses natin para maipahayag, nang responsable, kung ano iyong mga saloobin natin.”

Hinikayat din ng young actress ang kabataang tulad niya na huwag matakot ipaglaban ang kanilang pinaniniwalaan.

“At sa mga kabataan, sana wag kayong matakot.

“Kasi kagaya nyo rin ako, natakot ako.

“Pero kung hindi kasi tayo magsasalita ngayon, sino?

“Tayo ang magmamana ng Pilipinas, kaya may karapatan tayo.”

Continue reading below ↓

KATHRYN ADMITS TO BEING TRAUMATIZED BY BASHERS

Inamin ni Kathryn na takot siya kaya natagalan bago siya nagsalita tungkol sa ABS-CBN closure.

Naging “traumatic” daw kasi para sa aktres ang huling beses na nasangkot siya sa usaping pulitika.

Ang tinutukoy ni Kathryn ay ang pangangampanya niya noong 2016 para sa dating senador na si Mar Roxas.

Continue reading below ↓

Nang mga panahong iyon, sinuportahan nina Kathryn at Daniel ang kandidatura ni Mar para maging presidente ng bansa.

Pero naging dahilan iyon para kuyugin si Kathryn ng mga bashers na pabor sa ibang presidential candidates.

Kuwento ni Kathryn, “Ang dami pong pag-atake.

“Ang daming sinabi hindi lang sa akin, pero pati sa pamilya ko.”

Inihalintulad ni Kathryn ang karanasan niyang iyon sa pamba-bash na nararanasan ngayon ng kapwa niya Kapamilya stars.

“Naging traumatic po iyong experience ko na kagaya po ng nararanasan ngayon ng ibang artista na nagsalita.”

LABAN KAPAMILYA ONLINE CAMPAIGN

Simula nang magtigil-operasyon ang network nitong May 5, nagkani-kanyang lahad ng opinyon ang maraming Kapamilya talents.

Sa Laban Kapamilya Facebook Live campaign, matapang na inilatag ng mga celebrities ang kanilang saloobin.

Giit ng karamihan sa kanila, wala sa timing at puwersahan ang pagpapasara sa ABS-CBN.

Inilalaban din nila ang kapakanan ng 11,000 empleyado ng network na mawawalan ng trabaho.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga nakibahagi sa campaign sina Coco Martin, Judy Ann Santos, Kim Chiu, Bela Padilla, Angel Locsin, Angelica Panganiban, at Jodi Sta. Maria.

Pero naging dahilan pa ang online event na ito upang personalin ng bashers ang ilang artista, tulad nina Coco, 38, at Kim, 30.

NETIZENS MAKE FUN OF COCO’S LISP, KIM’S CLASSROOM ANALOGY

Binatikos ng netizens ang anila’y “overacting” na reaksiyon ng bida ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ginawan pa ng videos at memes ang sinabi ni Coco na: “Wala nga akong trabaho, e, ano’ng ipapakain ko sa pamilya ko?”

Ginawa ring katatawanan ng netizens ang lisp ng aktor.

Pang-aalipusta rin ang natanggap ni Kim matapos mag-viral ang pagkukumpara niya sa pagpapasara sa ABS-CBN sa patakarang ipinatutupad sa classroom.

Kahit pa inamin na ng aktres ang kanyang pagkukulang, hindi pa rin siya tinigilan ng mga bashers.

Bumuo pa ang netizens, na mas malamang ay pro-administration, ng kanta at dance steps gamit ang quote ng “classroom law” analogy ni Kim.

Continue reading below ↓

Ilang araw nang trending sa social media ang short song na may titulong “Bawal Lumabas by Kim Chiu.”

Ginawan na rin ng dance challenge ang kantang ito.

DANIEL DEFENDS FELLOW KAPAMILYA STARS

Sa kanyang Instagram video kahapon, nagpahayag ng pagkadismaya si Daniel sa panlalait at pagtatawa sa mga kapwa niya Kapamilya artists.

Tinuligsa ng aktor kung paanong “iniinsulto” ng bashers ang mga artistang nanindigan lang naman para sa ABS-CBN.

Sa panahon daw na dapat ay nagkakaisa ang lahat laban sa coronavirus pandemic, “nagkakawatak-watak pa tayong mga Pilipino dahil sa pagkakaiba ng opinyon," ayon kay Daniel.

Sabi ni Daniel: “Bilang Pilipino, tungkulin natin na maging mapagmatyag.

“Karapatan natin ang magsalita.

“Nakakadismaya hong makita na ang iba naming mga kasamahan sa industriya na piniling magsalita ay iniinsulto.

“Wala naman ho silang ibang layunin kundi muling magbukas ang ABS-CBN.”

Ayon kay Daniel, hindi lang pansarili ang dahilan sa matapang na paglalahad ng saloobin ng Kapamilya talents.

Continue reading below ↓

Iniisip din daw nila ang kapakanan ng libu-libong empleyadong mawawalan ng trabaho.

“Ang gusto lang naman ho nila ay mapawi ang takot na nararamdaman ng mga empleyado na maaaring mawalan ng trabaho,” patuloy ni Daniel.

“Ano ho bang masama sa manindigan sa sariling kabuhayan, at sa kabuhayan ng marami?”

Continue reading below ↓

“MAS MAINAM PA MAGING BULAG KAYSA NAGBUBULAG-BULAGAN”

Kasunod nito, umapela si Daniel ng pang-unawa at respeto sa kabila ng pagkakaiba-iba ng opinyon sa issue ng ABS-CBN shutdown.

“Sa lahat ng mga pumupuna, nagsasalita, alam ko ho magkakaiba tayo ng opinyon.

“Alam ko na kung anuman ang halaga sa amin ng ABS-CBN ay maaaring hindi iyon ang halaga nito sa inyo.

“Pero sana ho wag tayong makalimot na rumespeto sa pinagdadaanan ng iba.

“Kaya sana huwag nyo ipagkait sa amin ang karapatan namin na magpahayag ng aming saloobin.”

Sa huli, nanawagan din si Daniel sa publiko na maging “makatao.”

Sana raw ay makita ng mga tao ang “katotohanan” sa mga nangyayari.

“Sa mga kapwa ko Pilipino, huwag ho nating talikuran ang pagiging makatao.

“Buksan ho natin ang mga puso natin para sa pinagdadaanan ng iba.

“At buksan natin ang mga mata natin para sa katotohanan.

“Mas mainam pa ang maging bulag kaysa sa nagbubulag-bulagan,” ani Daniel.

Continue reading below ↓

HOUSE APPROVES PROVISIONAL FRANCHISE FOR ABS-CBN

Na-upload ang videos nina Kathryn at Daniel ilang oras bago paspasang inaprubahan ng Kamara ang provisional franchise para sa ABS-CBN nitong Miyerkules.

Nag-convene ang Kamara bilang House Committee of the Whole at ipinasa sa second reading ang House Bill 6732.

Si House Speaker Alan Peter Cayetano ang may akda ng HB 6732, na co-authored ng pito pang kongresista.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng bill, mabibigyan ng provisional legislative franchise ang ABS-CBN sa susunod na limang buwan, o hanggang October 31.

Naisumite na ang committee report ng panukala, na isasalang at inaasahang papasa sa isa pang plenary session ng Lower House sa susunod na linggo.

Sa loob ng limang buwan, kailangang matalakay at maaprubahan ng Kongreso ang panibagong 25-taong prangkisa para sa ABS-CBN.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya real-and-reel life couple Kathryn Bernardo (left) and Daniel Padilla (right) upload their Instagram videos on their take on the ABS-CBN shutdown, hours before the House members approved, on second reading, a bill providing a provisional legislative franchise for ABS-CBN.
PHOTO/S: @bernardokath, @supremo_dp on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results