PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu on TV Plus shutdown: “Gusto mo magsalita pero… may trauma.”

Kim Chiu: “Ayaw ko man isipin pero parang personalan na… grabe lang.”
by Jet Hitosis
Published Jul 2, 2020
Kapamilya actress Kim Chiu’s “classroom analogy,” in which she tried to explain the shutting down of ABS-CBN in a classroom setting, goes viral after the #LabanKapamilya online protest on May 8, and has become the subject of memes.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram

“Grabe.”

Ito ang tipid na reaksiyon ni Kim Chiu sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN TV Plus at SKY Direct.

Sa bisa ng magkahiwalay na Cease and Desist Order ng NTC, hindi na napapanooran ang TV Plus sa Metro Manila at ang SKY Direct simula nitong Martes ng gabi, June 30.

Dahil dito, sa Kapamilya Channel na lang, sa SKY Cable, napapanood ang teleserye ni Kim na Love Thy Woman.

Sa isang post sa kanyang Instagram Stories, naglabas ng saloobin sa issue ang 30-year-old actress.

Ini-repost niya ang official statement ng ABS-CBN tungkol sa alias Cease and Desist Order ng NTC laban sa TV Plus.

Sa caption, mistulang hindi makapaniwala ang aktres na hindi pa nga naibabalik sa ere ang Channel 2, heto at tigil-operasyon na rin ang TV Plus at SKY Direct.

"GUSTO MO MAGSALITA PERO DI MO MAGAWA"

“Minsan mapapaisip ka nalang talaga,” bungad ni Kim sa kanyang post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Kim na tulad ng ginawa niya pagkatapos ng ABS-CBN shutdown, gusto raw sana niyang magpahayag uli ng saloobin sa issue.

Pero sa pagkakataong ito, hindi niya ito magagawa.

“Takot” na raw si Kim sa maaaring mangyari.

Naroon pa rin kasi ang “trauma” sa inabot niyang matinding pamba-bash matapos siyang makibahagi sa #LabanKapamilya online protest noong May.

“Gusto mo magsalita pero di mo magawa,

“May takot, kaba, trauma….” pag-amin ni Kim.

At ngayong ipinasara rin ng NTC ang TV Plus at SKY Direct, pinipigilan ni Kim ang sariling maghayag ng opinyon sa panibagong dagok na kinahaharap ng kanyang home network.

"Nakakalungkot na pinagdadaan ng lahat ng kapamilya ito," saad pa rin sa post ng aktres.

"Ayaw ko man isipin pero parang personalan na… wala akong tinutukoy, eto lamang ay nasa isip ko lang…. grabe lang.

"Grabe."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THE ANALOGY THAT STARTED IT ALL

Nang magsalita si Kim sa #LabanKapamilya Facebook Live protest noong May 8, binigyang-diin niya na nililikha ang mga batas upang ipatupad ito nang pantay-pantay sa lahat.

Tulad ng kaso ng pagpapasara sa ABS-CBN, na ikinumpara ng aktres sa pagsunod sa mga “batas” na umiiral sa loob ng classroom.

Gayunman, hindi naipaliwanag nang maayos ng aktres ang punto ng analogy niyang ito.

Dahil dito, dinagsa si Kim ng kabi-kabilang pamba-bash, pang-iinsulto, at pagmumura.

Naroong sinabihan siyang "boba," "tanga," "artista lang," at "mamatay ka sana sa COVID-19."

Ginawan din ng mga meme, nilapatan ng beat, at pinasimulan ng dance challenge ang analogy niya.

Tinawag ito ng netizens na "law of classroom" at "Bawal Lumabas" matapos mag-viral sa social media.

Kahit humingi na ng paumanhin at ipinagtanggol ng co-stars niya sa Love Thy Woman, hindi tinantanan ng pamba-bash si Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinailangan niyang ilang araw na mamahinga sa social media dahil sa nangyari.

KIM’S “BAWAL LUMABAS” JOURNEY

Sa kabila nito, nanatiling positibo si Kim.

Ini-record niya nang buo ang kanta, na may title na “Bawal Lumabas.”

Nag-viral uli ito, lalo na nang nilapatan ng dance choreography ni DJ Loonyo.

Dahil sa tagumpay ng hindi sinasadyang bagong single niya, naisipan ni Kim na mag-produce ng mga “Bawal Lumabas” shirts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinangkilik din ito ng publiko at na-sold out sa loob lang ng ilang linggo.

Ang pinagbentahan ng T-shirts ay ginastos ni Kim sa pamamahagi ng food packs sa 1,500 mahihirap na pamilya.

Kabilang sa mga nabigyan ang jeepney drivers na halos apat na buwan nang hindi nakakapamasada.

Nakalikom din si Kim ng PHP300,000 cash, na ibinigay naman niya sa Shop & Share fundraiser ng mga kapwa aktres na sina Angel Locsin, Anne Curtis, at Dimples Romana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Layunin ng Shop & Share na mapondohan ang mass testing kontra COVID-19 sa mahihirap na komunidad.

Sa huli, naging daan ang traumatic experience na ito ni Kim upang makatulong siya sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Kim Chiu’s “classroom analogy,” in which she tried to explain the shutting down of ABS-CBN in a classroom setting, goes viral after the #LabanKapamilya online protest on May 8, and has become the subject of memes.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results