Pastor Quiboloy wants to end rift with Vice Ganda; a case of too little too late?

by Arniel C. Serato
Jul 17, 2020
Pastor Apollo Quiboloy on Vice Ganda: "Well, natapos na yun ‘no at nangyari na yung nangyari. At I think, naka-learn na rin ng lesson si Vice sa pangyayari."
PHOTO/S: Courtesy: Pastor Apollo C. Quiboloy on Facebook / Noel Orsal

Nag-iba ng tono ang religious leader na si Pastor Apollo Quiboloy tungkol sa kaalitan niyang si Vice Ganda.

Kung noon ay panay patutsada at pagmamalaki ang maririnig mula sa "Appointed Son of God," ngayon ay tila prumeno ito at nagpakabanal ang pananalita.

Sa kanyang mga tagasunod, nagsabi ang founder ng religious group—ang Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name Inc.—na ipagdasal si Vice at mga kasamahan nito.

Ito ay kasunod ng pag-anunsiyo ng ABS-CBN na magkakaroon ng malawakang retrenchment o pagbabawas ng mga manggagawa simula August 31.

Resulta naman ito ng pagpatay ng Kongreso sa franchise renewal application ng ABS-CBN noong July 10.

Sa live episode ng programa ni Quiboloy na Powerline, na umeere sa pagmamay-ari niyang Sonshine Media Network International, kahapon, July 16, muli siyang nagsalita tungkol sa alitan nila ni Vice.

Aniya, "Well, natapos na yun, ‘no, at nangyari na yung nangyari."

Pero dinagdag pa rin niya, "I think, naka-learn na rin ng lesson si Vice sa pangyayari."

Continue reading below ↓

Alam daw ni Quiboloy ang sama ng loob na nararamdaman ngayon ng mga manggagawa ng Kapamilya network.

Saad niya, "Ngayong nandiyan sila sa sitwasyong ganyan, huwag na nating ipagdiinan sila. Ang dapat nating gawin ay idalangin si Vice Ganda at ang kanyang mga kasamahan."

QUIBOLOY EMPATHIZES WITH ABS-CBN DISPLACED WORKERS

Nakikidalamhati raw ang pastor sa mga manggagawa ng network.

Ani Quiboloy, "Alam ninyo, mahirap mawalan din ng trabaho.

"At kailangan din namang humarap tayo sa batas sapagkat ang batas ang siyang nagtatanggol sa atin, puprotekta sa atin.

"Hindi rin natin maaaring iwasan kung tayo ay nasa kanilang kalagayan at bilang may-ari ng network, bilang may-ari ng pinagkikitaan nila, ay hindi rin sila makaiwas sa bagay na sasagutin nila sa batas.

"So, nangyari na nga yung nangyari, humarap na sila sa Kamara. At nahimay-himay na yun lahat."

Sa nangyaring hearing sa Kongreso, isa-isang pinabulaanan ng Kapamilya representatives ang mga akusasyon laban sa kanila.

Continue reading below ↓

Ngunit sa huli, walang saysay ang pakikiharap at pagpapakumbaba ng mga taga-ABS-CBN dahil, liban sa kagaspangan ng trato sa kanila ng ilang kongresista, ibinasura rin ng House committee on legislative franchises ang kanilang franchise application.

Sa pag-ulit ni Quiboloy ng kanyang apela para sa dalangin, aniya: "Ngayon, nasa sitwasyon sila na ganyan. Idadalangin natin sila na sana hindi sila tuluyang mawalan ng hanapbuhay o hindi na sila makakakita ng makakain pa.

"Pilipino rin naman sila katulad natin. Kung tayo ay nasa kanilang lugar ay ganundin ang ating magiging karanasan.

"So, we empathize, we don’t only sympathize with them, we empathize with them in spite of the recent happenings na yung hamon, ganun ganun."

Sa sumunod niyang pahayag, tila gusto nang tapusin ni Quiboloy ang patutsadahan nila ni Vice.

"Tapos na yun, ha. 'Wag na nating pag-usapan yun."

HOT STORIES

PRAYERS FOR VICE GANDA, ABS-CBN TALENTS, AND EMPLOYEES

Nananawagan man si Quiboloy ng dasal, may hirit pa rin ito laban sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Sinabi ng self-proclaimed "Appointed Son of God" na hindi kasalanan ng mga manggagawa at talents ng network ang sinapit ng network.

Kapabayaan daw ng mga may-ari at namamahala ng broadcast giant kaya humantong sila sa pagkawala ng prankisa—isang bagay na hindi raw mangyayari sa kanyang istasyon.

Matagal nang may galit si Quiboloy sa ABS-CBN.

May dati siyang programa sa ABS-CBN station sa Davao, ang The Hour of Truth, na unang umere noong 1991.

Pero tinanggal daw ito ng ABS-CBN at pinalitan ng programa tungkol sa sabong.

"Kung ako lang sa kanilang lugar, hindi ko kasalanan ang nangyari.

"So, ang hinihiling ko kung aking dadalangin sa Maykapangyarihan, na sana’y pagpalain sana ako sa panahong ito na mabigyan naman ng karampatang hanapbuhay o makakain o pangtustos sa pamilya ko na ngayon ay wala na akong hanapbuhay.

"So, we commiserate. We will pray."

Diin pa niya, "Kababayan din natin 'yan... Na kung sila ay nasa karanasang ganyang nangyari sa kanila, hindi na maaring idiin natin sa lupa ang nalugmok na, kundi tayo ay umangat."

Continue reading below ↓

Si Pastor Quiboloy ay kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte, na noon pa man ay tutol na sa pagkakaroon ng bagong prangkisa ng ABS-CBN.

QUIBOLOY VS VICE

Nagsimula ang patutsadahan nina Pastor Quiboloy at Vice nang hamunin ng TV host-comedian ang religious leader na ipahinto nito ang traffic sa EDSA at Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Kasunod ito ng deklarasyon ni Quiboloy na napahinto niya ang sunud-sunod na lindol na yumanig sa Mindanao noong katapusan ng Oktubre 2019.

Matapos tanggapin ni Quiboloy ang hamon, ilang beses itong nagpatutsada sa Kapamilya star kahit hindi na siya sinasagot ni Vice.

Noong panahong iyon ay nagsisimula nang pag-usapan ang nalalapit na pagwawakas ng prangkisa ng ABS-CBN.

May 4, 2020, nagtapos ang 25-year legislative franchise ng ABS-CBN.

May 5, 2020, nagpaalam sa ere ang network dahil sa cease and desist order mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

Ngunit matapos ang ilang araw, nagbalik sa ere ang kanilang pagbu-broadcast gamit ang digital transmission ng ABS-CBN TVplus.

Continue reading below ↓

Pero kinuwestiyon ito ng ilang mambabatas sa ginawang hearing ng Kongreso para sa kanilang franchise application.

June 30, naghain ng alias cease and desist order ang NTC laban sa ABS-CBN TV Plus kaya itinigil na rin nila ang kanilang digital broadcast transmission.

Kasabay rin dito ang cease and desist order laban sa SKY Direct, ang subsidiary ng Sky Cable na cable company ng ABS-CBN.

Ngayon, nagsimula nang mag-streamline ng mga empleyado at mga departamento ang network dahil wala na sila sa free-to-air television.

Ang Teleradyo, ang dating DZMM, ay sa online at iWant na lamang mapapanood.

Ang ilang palabas naman ng ABS-CBN katulad ng ASAP Natin ‘To, Love Thy Woman, Ang Probinsyano, at TV Patrol ay mapapanood na lamang sa Kapamilya Channel sa cable, YouTube, Facebook, at iWant.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pastor Apollo Quiboloy on Vice Ganda: "Well, natapos na yun ‘no at nangyari na yung nangyari. At I think, naka-learn na rin ng lesson si Vice sa pangyayari."
PHOTO/S: Courtesy: Pastor Apollo C. Quiboloy on Facebook / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results