Sinuportahan ni Miss Taguig Sandra Lemonon ang pahayag ni Miss Universe Philippines 2020 second runner-up na si Michele Gumabao tungkol sa katatapos lang na national beauty pageant.
Sa kanyang YouTube vlog kahapon, November 2, sinabi ni Michele na mayroon siyang narinig na hindi niya dapat marinig at may nalaman siyang hindi dapat malaman.
Ngunit hindi naman direktang sinabi ni Michele kung ano ang kanyang tinutukoy.
Sa kanyang Instagram stories kagabi rin, nag-post si Sandra ng isang maiksing mensahe bilang pagbibigay suporta sa matalik na kaibigan.
Sina Michele at Sandra ay dalawa sa frontrunners sa Miss Universe Philippines 2020 pageant.
Mensahe ni Sandra para sa kaibigan: “I hear & understand you.
“No one will know what it feels like until you are in our shoes & had our experience.”
Ayon pa kay Sandra, hindi madali ang pagsisiwalat ng katotohanan sa totoong mga kaganapan during the pageant.
Saad niya, “People always think they know & think it’s easy to speak the truth but it’s not.
“A lot will stay silent & live in fear & abuse the system because it is working on their behalf, but that doesn’t mean it’s okay.”
Mensahe pa niya kay Michele, “Speak your truth love.”
Sinamahan niya ito ng screenshot mula sa Instagram post ni Michele.

SANDRA’S CRYPTIC POSTS
Ang cryptic posts ni Sandra—ilang oras matapos koronahan si Rabiya Mateo ng Iloilo bilang kauna-unahang Miss Universe Philippines noong October 25—ang nag-trigger sa alegasyong may nangyaring dayaan diumano sa pageant.
Nakapasok si Sandra sa Top 16 pero hindi na siya nakalusot sa Top 5.
Ilan sa mga makahulugang posts ni Sandra noon ay "we deserve justice" at “real queens play fair [and] don’t cheat.
Bukod pa rito, direktang inakusahan ni Sandra ang hindi pinangalanang "contestant" ng paglabag umano sa rules na bawal magdala ng glam team dahil sa COVID-19 pandemic.
Nakalagay sa Instagram stories niya: "SPEAKING UP ABOUT THE GLAM TEAMS IS NOT BEING BITTER, IT'S ABOUT THE TRUTH.
"IF YOU CANT ACCEPT THAT THEN DON'T BE HERE."
Sinaundan pa niya ito ng ganitong post: "ONE OF THE RULES IS NOT HAVING YOUR GLAM TEAM, NO HAIR AND MAKE UP HELP FROM ANYONE,
"BU YET SOME OF THE GIRLS HAD THEIR MUA [makeup artists] AND WHOLE GLAM TEAM IN THERE, HELPING IN BETWEEN!”
Pero pinabulaanan ito ng ibang contestants na nakasaksi na wala umanong dalang glam team si Rabiya, kung ito man ang pinarurunggitan ni Sandra.
Isa sa mga nagtanggol kay kay Rabiya ay si Miss Davao Alaiza Malinao, na nagpakita pa ng "resibo" ukol sa pagiging masipag ni Rabiya sa pagpa-practice during the pageant.
Post pa ni Alaiza noong nakaraang October 26: "Ayan oh. May resibo nag ppractice sa hallway.
"Hindi ko alam kung paano pa sya nakapag video.
"madaming time si Queen mag practice!"
Samantala, inaabangan pa rin ng netizens ang ipinangakong rebelasyon ni Sandra.
Pero sa isang comment sa kanyang post sa Instagram kamakaila, ipinaabot na raw niya sa Miss Universe Philippines Organization (MUPO) ang kanyang mga hinaing.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
