Angel Locsin New Year’s wishes: “Babalik ang ABS-CBN,” “Sana hindi umulan sa kasal ko!”

by Arniel C. Serato
Jan 2, 2021
Angel Locsin 2021
Angel Locsin on upcoming wedding with Neil Arce: "Sana hindi umulan sa kasal ko!"
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram

Positibo ang pananaw at pag-welcome ni Angel Locsin sa taong 2021.

Sa kanyang Instagram, naglista si Angel ng kanyang mga pangarap para sa Bagong Taon.

Delubyo kasi ang dulot ng taong 2020 sa mga Pilipino dahil sa maraming kalamidad at ang paglaganap ng COVID-19 pandemic.

Sabi ni Angel sa kanyang post kahapon, January 1, 2021, “Very happy to end 2020, sa 2021, wala ng Covid, mananalo ako sa lotto, gaganda ang environment, wala ng corruption, more job opportunities for all…

“Magandang education, magagandang values para sa mga kabataan, walang sakuna, walang masamang tao, papayat ako, walang abuse, gaganda ang takbo ng economy, tataas ang sweldo ng lahat…”

Isa rin daw sa pangarap niya ang mabigyang muli ng prangkisa ang ABS-CBN.

Ipinagpaubaya na rin niya ang lahat ng kanyang mga kahilingan sa Panginoon.

Dagdag niya, “Babalik ang ABS-CBN, magandang love life para sa lahat, walang magugutom, walang magkakasakit, walang masasaktan, walang mangaabuso...

Continue reading below ↓

"Ibig sabihin, Lord, kayo na po ang bahala at kayo lang po ang makakagawa neto at kami pong mga tao ay mga instrumento mo lang po, panginoon.

“Please guide us para sa mas maganda at payapang mundo para sa lahat!”

Isa rin sa pangarap ni Angel na hindi raw sana ulanin ang nakatakda nilang kasal ng fiancé na si Neil Arce ngayong unang quarter ng taon.

Sabi niya, “(PS. Sana hindi umulan sa kasal ko!)

“Happy New Year, everyone!”

THE ABS-CBN FRANCHISE NON-RENEWAL

May 4, 2020 nagtapos ang dalawampu't limang taong prangkisa ng ABS-CBN.

May 5, 2020, nagpaalam sa ere ang network kasunod ng cease and desist order (CDO) na inihain ng National Teleccommunications Commission (NTC).

Nagkaroon ng marathon hearings ang Kongreso para sa franchise application ng Kapamilya network ngunit noong July 10, 2020, tuluyan nang pinatay ng pitumpung mambabatas ang aplikasyon ng istasyon.

Kasunod ng kawalan ng prangkisa, nag-retrench ang network ng ilang libong mga empleyado nito.

Continue reading below ↓

THE POSTPONED NOVEMBER 8, 2020 WEDDING

Dapat noong November 8, 2020 ang kasal nina Angel at Neil.

Ngunit dahil sa pandemya, napagkasunduan nilang iurong na lamang ito sa unang quarter ng taong 2021.

June 29, 2019 inanunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement.

Wala pang pormal na anunsiyo kung kailan na talaga ang petsa ng kasal ng dalawa ngayong 2021.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin on upcoming wedding with Neil Arce: "Sana hindi umulan sa kasal ko!"
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results