PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gretchen and Marjorie Barretto comment on old photo

Marjorie Barretto on old photo with Gretchen Barretto: "Wonderful memories."
by Arniel C. Serato
Published Apr 15, 2021
Sisters Gretchen (left) and Marjorie Barretto (right) leave comments on Arlene Muhlach's throwback photo (center) of them during happier times in Boracay with late actress Liezl Martinez and Precy Ejercito.
PHOTO/S: @arlenemuhlach on Instagram

Parehong nagkomento ang estranged sisters na sina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto sa isang throwback photo nila may halos walong taon na ang nakararaan.

Ang nasabing larawan ay ibinahagi ng kaibigan nilang si Arlene Muhlach sa kanyang Instagram noong April 8.

Makikita sa larawan sina Arlene, Gretchen, Marjorie, ang namayapang aktres na si Liezl Martinez, at ang misis ni Jinggoy Estrada na si Precy Ejercito na magkakasamang nagbakasyon sa Boracay.

Caption ni Arlene: “this trip was sooo much fun!!! [grinning face with big eyes, heart emojis] #tbt #boracay #JUNE2013 #almosteightyearsago [grinning face with sweat emoji]”

Unang nagkomento sa post ni Arlene si Gretchen.

Sabi niya, “That long ago [heart emoji]”

Simpleng sagot ni Arlene ay tatlong smiling face with heart eyes emojis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naalala naman ni Marjorie kung kailan sila nagbakasyon noon sa Boracay.

Saad niya, “June 2013 [heart emoji] Wonderful memories [heart emoji]”

Tugon ni Arlene, “@marjbarretto [three heart emojis] thanks for info. [grinning face with big eyes emoji] will edit.”

Umaasa naman ang ilang netizens na magkaayos na ang nagkaalitang kapatid na sina Gretchen at Marjorie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng isang follower ni Arlene, “How I wish Gretchen and Marjorie will find forgiveness.

"They used to be happy sisters. I hope all the dramas will end for them and their families.”

THE BARRETTO FAMILY FEUD

Taong 2004 pa napabalitang nagsimula ang away ng magkakapatid na Barretto.

Pero, nagkakaayos naman sila minsan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngunit muling sumiklab ang ayaw nina Gretchen, Marjorie, at bunso nilang kapatid na si Claudine Barretto noong Abril 2013.

Nagsimula ito nang sumagot sina Gretchen at Marjorie sa isang basher sa Instagram na may username na btchjuliaisbitch.

Ipinagtanggol nina Gretchen at Marjorie si Julia Barretto, anak ni Marjorie, na noon ay kaka-launch lamang bilang miyembro ng 2013 batch ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Noong panahong iyon, hindi malinaw kung ano ang ipinost ng basher laban kay Julia dahil nabura ang komento nito at walang nakapag-screenshot.

Subalit base sa mga komento nina Gretchen at Marjorie ay sinisiraan ng basher si Julia sa pagpasok nito sa showbiz.

Walang binanggit na pangalan si Gretchen sa kanyang mga komento, pero leading ang mga pahayag nitong tila kilala nito ang basher.

Comment ni Gretchen laban sa basher (published as is): “yuck? You know what yuck is? Your husband walked out coz of you violent ways. What exactly did you do to his Porsche? His laptop? Etc. oh pls reflect & go to your happy place.. Medical city.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang komentong ito ni Gretchen ay patukoy sa napabalitang domestic problem noon sa pagitan ng mag-asawang Claudine at Raymart Santiago.

Noong 2010, o tatlong taon matapos silang ikasal, naging maugong ang isyung pagkakaroon ng problema sa pagsasama nina Claudine at Raymart.

Naging malaman din ang comment ni Marjorie: “her demons are coming out again…this time, for all to see.”

Bunsod nito, maraming netizens ang naghinala na ang tinutukoy nina Gretchen at Marjorie ay si Claudine.

Sinagot din ni Gretchen ang kanyang followers kung bakit ganoon na lamang ang galit nila sa basher.

Aniya, “the basher warned us that if Julia enters star magic she will do everything to ruin Julia because she claims she is the teleserye princess & will remain that way till the end of eternity.”

Mahaba pa ang kuwento ng away nilang ito.

Pero nagkabati rin sina Claudine at Gretchen, at ang nakalaban naman ng dalawa ay si Marjorie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalong naladlad sa publiko ang away ng magkakapatid sa burol ng ama nilang si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, Taguig City, noong Oktubre 16, 2019.

Umalingawngaw sa balita na kaagad daw nag-react si Marjorie nang sinabi ni Claudine na darating ang kapatid nilang si Gretchen sa burol ng kanilang ama.

May mga sinasabi raw na bakit pa ito pupunta pagkatapos ng ginawa ni Gretchen sa pamilya nila.

May sinabi rin daw si Marjorie na sinira ni Gretchen ang buhay ng mga anak niya.

Noong dumating si Gretchen, nagkataong nandoon din si President Rodrigo Duterte.

Sabi ng isang napagtanungan ng PEP Troika, nagwawala na raw si Marjorie sa kanilang family room, lalo na’t nagyakap na ang mag-inang Inday Barretto at Gretchen.

Dagdag pang kuwento, lumapit pa raw si President Duterte kina Marjorie para kausapin sana ito at pag-ayusin silang magkakapatid.

Pero bago pa raw nakatabi ang Pangulo sa kanya, umalis na raw si Marjorie at umiwas na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang sandali lang, lumapit daw ang pamangkin ni Gretchen na si Nicole Barretto at sasampalin daw sana ang aktres.

Pero napigilan daw ni Gretchen at inawat agad sila.

Bago raw nailayo si Nicole sa tiyahin niya, nahablot daw ni Gretchen ang buhok nito, kaya lalong lumala ang gulo.

Mabuti at nandoon pa ang Pangulo ng bansa, at naawat na raw ng PSG ang mga nag-aaway na magkakapamilya.

Sa ikalawang gabi ng burol, October 17, naiulat ng Cabinet Files ang balitang nagkasakitan naman si Claudine at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Marjorie.

Kasama rin daw sa nangyaring gulo ang panganay na anak ni Marjorie na si Julia.

Simula noon, nagsanga-sanga na ang kuwento at patuloy pa rin ang away ng magkakapatid.

HOT STORIES

Use these BeautyMnl promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sisters Gretchen (left) and Marjorie Barretto (right) leave comments on Arlene Muhlach's throwback photo (center) of them during happier times in Boracay with late actress Liezl Martinez and Precy Ejercito.
PHOTO/S: @arlenemuhlach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results