Netizens ask: are Kiko Estrada and Heaven Peralejo in Boracay together?

by Arniel C. Serato
Jun 11, 2021
Photos of Heaven Peralejo and Kiko Estrada allegedly vacationing in Boracay together became viral on social media.
PHOTO/S: Courtesy: Kiko Estrada - Unofficial on Facebook

Pinagpiyestahan ng netizens ang viral na ngayong pictures nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo na diumano ay kuha sa Boracay.

Kahapon, June 10, in-upload sa Kiko Estrada – Unofficial Facebook page ang dalawang larawan nina Kiko at Heaven kasama ang tila isang hotel staff.

Hindi man nakuhanang magkasama sa iisang frame, halos pareho ang lahat ng makikita sa dalawang larawan: mesa, upuan, background, pati suot ng hotel staff.

Nakalagay sa caption: “Wait. A. Minute! Kaping mainit”

Continue reading below ↓

Sa comments section, binalikan ng netizens ang mariing pagtanggi ni Heaven na may kaugnayan sila ni Kiko, na katrabaho pa niya noon sa Kapamilya teleserye Bagong Umaga.

Noong mga panahong iyon, mainit na pinag-uusapan ang hiwalayan nina Kiko at Devon Seron.

Ipinunto pa ng isang nagkomento ang naging pahayag ni Heaven sa kanyang Instagram Stories noong March 12, kung saan pinalagan niya ang akusasyong siya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Continue reading below ↓

Bahagi ng pahayag ng 21-year-old Kapamilya actress, “Associating me with actors I have scenes with can be easy.

“At the end of the day, we’re nothing more than just co-actors working with each other.

“I should not have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada.

“However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I didn't and would never do.

"To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.”

“MA2 NI HEAVEN LEFT THE GROUP”

Sabi ng isa pang netizen, “Ma2 ni Heaven Left the group.”

Continue reading below ↓

Noong kasagsagan ng isyu, ipinagtanggol ng ina ng Kapamilya star si Heaven laban sa bashers na nag-akusang ang anak niya ang third party sa hiwalayan nina Kiko at Devon.

Ayon kay Shiela Luanne Peralejo-Angeles, wala itong katotohanan at malisyosong tsismis lamang ito.

Sabi niya sa kanyang Instagram post noong March 12, “I am calling out to those who are responsible for spreading LIES about my daughter, HEAVEN, with clear intent to destroy her reputation.

“They are outright FALSE and MALICIOUS.

“For days, IG posts are insinuating that Kiko Estrada has been cheating on his ex-girlfriend, unnecessarily dragging HEAVEN as the third party.

“Without even trying to know the truth, these irresponsible people took to social media with ill-intent to create a bad image out of HEAVEN.”

KIKO ADMITS BREAKUP WITH DEVON

Sa Magandang Buhay ng ABS-CBN noong April 26, naging panauhin si Kiko sa show at dito ay inamin niyang single na siya.

Continue reading below ↓

Hindi naman niya tuwirang ipinaliwanag ang dahilan ng hiwalayan nila ni Devon.

Matagal na ring hiwalay si Heaven sa dati nitong boyfriend na si Jimuel Pacquaio.

Samantala, mukhang sa Paraw Beach Club Boracay kuha ang mga larawan nina Kiko at Heaven dahil na rin sa post ng isa pang nagtatrabaho doon.

Continue reading below ↓

Nagpadala ang PEP.ph ng tanong sa hotel staff kung kailan kuha ang nasabing larawan at kung magkasama nga ba sina Kiko at Heaven doon.

Hindi pa ito tumutugon sa aming mensahe.

Nagpadala na rin kami ng direct message kay Heaven sa kanyang Instagram upang makahingi ng pahayag sa kanya ukol sa nasabing larawan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Photos of Heaven Peralejo and Kiko Estrada allegedly vacationing in Boracay together became viral on social media.
PHOTO/S: Courtesy: Kiko Estrada - Unofficial on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results