PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

L.A. Madridejos chides director Andoy Ranay over “basura” comment

L.A. Madridejos reminisces conversation with late director Wenn Deramas about "basura."
by Arniel C. Serato
Published Jul 17, 2021
First Yaya director L.A. Madridejos recalls conversation with late blockbuster director Wenn Deramas over "basura" comment of fellow direktor Andoy Ranay: "Sinabi rin daw sa kanya ni Direk Wenn na hindi mo naman kailangang pulaan ang gawa ng iba upang patunayang magaling at maganda ang gawa mo."
PHOTO/S: Courtesy: L.A. Madridejos on Facebook / GMA News

Nagpatutsada rin ang direktor na si L.A. Madridejos laban sa kapwa niya direktor na si Andoy Ranay matapos mag-viral ang “basura” comment ng huli.

Si L.A. ang direktor ng katatapos lamang na Kapuso primetime series na First Yaya.

Siya rin ang direktor ng mga sikat na serye ng GMA-7 noon na Meant To Be at My Special Tatay.

Dati siyang assistant director ng namayapang direktor na si Wenn Deramas.

Sa kanyang Facebook noong July 13, nagbalik-tanaw si L.A. tungkol sa usapan nila ng mentor at direktor niyang si Wenn.

Ayon kay L.A., inusisa raw niya si Direk Wenn noon sa mga komento ng netizens na parang “basura” raw ang kanyang mga gawang pelikula.

Ilan sa mga blockbuster films na gawa niya ay ang Sisterakas (2012), Girl, Boy, Bakla, Tomboy (2013), The Amazing Praybeyt Benjamin (2014), at Beauty and the Beastie (2015).

Pumanaw ang batikang direktor noong February 29, 2016 dahil sa cardiac arrest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni L.A. [published as is], “Naalala ko nun nabubuhay pa si direk Wenn, maraming nagsasabi na ‘basura’ ang mga pelikulang gawa nya.

“Tinanong ko sya kung anong reaction nya dito. Sabi nya, ang nagsasabi na basura yung gawa nya e yung mga taong hindi makagawa ng gawa nya.

“So ang ending, lalaitin nalang nila. Ang importante daw kay direk Wenn, sigurado syang marami syang viewers na napapasaya… at madalas kumita ng more than 100M ang mga pelikula nya.”

Dagdag pa ni L.A., sinabi rin daw sa kanya ni Direk Wenn na hindi mo naman kailangang pulaan ang gawa ng iba upang patunayang magaling at maganda ang gawa mo.

Sabi pa niya, “Sabi pa nya, hindi daw nya kelangan manlait ng gawa ng iba para patunayan na mahusay sya. Lalo na at maliit lang ang industriya namin. Pero marami din syang inokray ng patago. Haha.

“Naalala ko lang. namiss kita direk Wenn.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

#ProudToBeAKapuso

Nag-ugat ang patutsada ni L.A. dahil sa sinabi ni Andoy sa isang online forum na hindi raw sila gumagawa ng proyektong basura kahit wala silang prangkisa.

Buong komento ni Ranay, “Yun naman, so aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho, wow! Hahahaha! Grabe! I mean, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang mas masarap na lang magtrabaho kahit bawas ang suweldo, kahit hindi laging may trabaho, pero alam mo na yung quality ng trabaho yung maibibigay mo sa audience mo ay ‘In the Service of the Filipino,’ we have responsibility to our audience.

"Kaya iyon ang ibibigay natin, hanggang dulo magkakasama tayo."

Nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 4, 2020 at tuluyan namang ibinasura ng Kongreso ang panibagong aplikasyon nito noong July 10, 2020.

Mariin namang pinalagan ng mga Kapuso veteran stars na sina Jaclyn Jose at Ai-Ai delas Alas ang tinuran ni Andoy.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
First Yaya director L.A. Madridejos recalls conversation with late blockbuster director Wenn Deramas over "basura" comment of fellow direktor Andoy Ranay: "Sinabi rin daw sa kanya ni Direk Wenn na hindi mo naman kailangang pulaan ang gawa ng iba upang patunayang magaling at maganda ang gawa mo."
PHOTO/S: Courtesy: L.A. Madridejos on Facebook / GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results