Kylie Padilla takes a swipe at Cristy Fermin: “Of course you pit two women against each other..."

by Bernie V. Franco
Oct 22, 2021
Is Kylie Padilla alluding to veteran entertainment columnist Cristy Fermin (inset) on this tweet: "Of course you pit two women against each other. That’s your game. Sorry it’s not mine."
PHOTO/S: Facebook (Kylie Padilla) / YouTube (One PH)

Isang makahulugang tweet ang ipinost ni Kylie Padilla ngayong gabi ng Biyernes, October 22, 2021.

Kahit mahinahon ang tweet ni Kylie, bakas na prangka ang kanyang patutsada.

Tweet ng Kapuso actress (text published as is): “Ofcourse you pit two women against each other. That’s your game. Sorry it’s not mine.

“I wish you love and happiness."

Dugtong ni Kylie, "Next time keep my mother out if it. [wink emoji] love and light. [praying hands and kiss emojis]”

Continue reading below ↓

Tanong ng mga nakabasa ng latest tweet ni Kylie: reaksiyon ba ito ng aktres sa pahayag ng beteranang entertainment columnist na si Cristy Fermin sa kanyang radio show ngayong Biyernes?

Sa kanyang radio program, binatikos ni Cristy si Kylie sa pagbura ng aktres ng social media post nito patungkol sa kanya.

Sa kanyang burado nang post, binatikos ni Kylie si Cristy sa umano’y walang katotohanang akusasyon nito laban sa aktres.

Bahagi ng mensahe ni Kylie kay Cristy: “GROW UP. Ang tatanda nyo na. At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo.”

Naka-tag sa post ni Kylie ang column ni Cristy, kung saan napag-alaman daw ng kolumnista mula sa kanyang source na nahuli ni Aljur na may kausap na lalaki si Kylie sa phone bago ang kanilang breakup.

Nagbabatuhan ngayon ng akusasyon sina Kylie at Aljur kung sino sa kanila ang unang nangaliwa.

July 7, 2021, kinumpirma ni Robin Padilla na break na ang anak niyang si Kylie at si Aljur dahil sa third party umano sa panig ni Aljur.

Pero nitong October 19, nag-post ng mahabang mensahe si Aljur sa Facebook kung saan inakusahan niyang si Kylie umano ang unang nangaliwa sa kanilang dalawa.

Hinamon pa ni Aljur ang estranged wife na si Kylie na sabihin ang katotohanan.

Burado na rin ang post na ito ni Aljur.

KYLIE’S TWEET REACTION TO CRISTY’S STATEMENT?

Sa kabilang banda, bagamat hindi tinukoy ni Kylie kung sino ang pinatatamaan niya sa kanyang tweet ngayong gabi, tugma ito sa ilang bahagi ng pahayag ni Cristy kaninang hapon.

Kung binatikos ni Cristy si Kylie, puring-puri naman ng kolumnista si AJ Raval, na nali-link ngayon kay Aljur.

Hanga raw si Cristy kay AJ dahil sa paghingi nito ng paumanhin kay Kylie, matapos i-repost ni AJ ang Facebook post ni Aljur laban kay Kylie.

Mahihinuhang ito ang patama ni Kylie na paghahambing sa “two women against each other.”

May bahagi rin sa pahayag ni Cristy na sinabi niyang, "Alam mo, Kylie, hindi ka pa man nagiging dugo sa sinapupunan ng ina mo…”

Continue reading below ↓

Mahihinuhang ito naman ang pinanggagalingan ni Kylie sa tweet niyang huwag idamay ang kanyang inang si Liezl Sicangco.

Samantala, ni-repost din ni Kylie ang promotional tweet na magsasalita siya sa Kapuso magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, October 24.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Kylie Padilla alluding to veteran entertainment columnist Cristy Fermin (inset) on this tweet: "Of course you pit two women against each other. That’s your game. Sorry it’s not mine."
PHOTO/S: Facebook (Kylie Padilla) / YouTube (One PH)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results