Daniel Padilla on sex trafficking charges vs Apollo Quiboloy: "Isa-isa ng tinatawag ni Satanas."

by Arniel C. Serato
Nov 19, 2021
Daniel Padilla reacts to Pastor Apollo Quiboloy sex trafficking charge
Daniel Padilla minced no words in his comment on ABS-CBN News's Instagram post about Apollo Quiboloy's indictment in the U.S. for sex trafficking.
PHOTO/S: Courtesy" @supremo_dp on Instagram / Pastor Apollo C. Quiboloy on Facebook

Hindi nakapagtimpi ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla at nakapagkomento ito ng matapang na salita laban kay Apollo Quiboloy.

Si Quiboloy ang founder ng religious group na Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name Inc., na nagmamay-ari rin ng Sonshine Media Network International na nakabase sa New Jerusalem, Davao City.

Si Quiboloy ay kaibigan at spiritual adviser din ni President Rodrigo Duterte.

Ngayong araw, November 19, inanunisyo ng U.S. prosecutors na sinampahan nila ng kasong sex trafficking si Quiboloy at ang iba pang administrador ng kanyang simbahan dahil sa diumano’y pang-aabuso sa mga kababaihang may edad 12 hanggang 25.

Sa Instagram account ng ABS-CBN News ay ibinahagi nila ang balita tungkol dito.

Nakalagay sa caption: “Sinampahan ng kasong sex trafficking ang pastor na si Apollo Quiboloy at ang iba pang mga opisyal ng kanyang simbahan dahil umano sa pang-aabuso sa mga kababaihang edad 12 hanggang 25. #Quiboloy #sextrafficking

Continue reading below ↓

View this post on Instagram

A post shared by ABS-CBN News (@abscbnnews)

Sa comments section, kapansin-pansin ang matapang na komento ni Daniel gamit ang user name na @supremo_dp.

Pasaring ng Kapamilya actor sa kinasuhang church leader: “Isa isa ng tinatawag ni Satanas”

Daniel Padilla reaction on Quiboloy's sex trafficking case in the US

Nagkomento rin ang aktres na si Angel Locsin sa balita.

Ayon sa Kapamilya actress, sana ay maprotektahan agad ang mga biktimang nagsasalita laban sa pang-aabusong dinanas nila.

Continue reading below ↓

Buong komento ni Angel: “Minor = Rape. Sana maprotektahan agad yung mga naglakas loob na magsalita.”

Angel Locsin reaction on Quiboloy's case in the US

VICE GANDA-PASTOR QUIBOLOY WORD WAR

Hindi naman malilimutan ng publiko ang pakikipagsagutan noon ni Quiboloy sa It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Nagsimula ito nang sinabi ng pastor na siya ang nagpatigil ng sunud-sunod na lindol na yumanig sa Mindanao noong Oktubre 2019.

Continue reading below ↓

Sa live episode ng ABS-CBN noontime show noong November 5, 2019, pinasaringan ni Vice ang religious leader dahil sa sinabi nitong siya ang nagpatigil ng malalakas na lindol.

Sabi ni Vice: "Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo ‘yan.

"So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano.

"Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala!"

Sa programa naman ni Quiboloy sa pagmamay-ari nitong TV station, isang netizen ang nagtanong tungkol sa hamon ng TV host-comedian.

Natatawang sagot ni Quiboloy: “Bakit naman dumating tayo diyan, parang lindol lang yung pina-stop ko, e, dumating pa yung challenge na ipa-stop ko daw yung Probinsyano o kaya yung sa EDSA.

Hamon pa niya kay Vice: “Kailan mo ba gustong mapa-stop ang Ang Probinsyano?

“Ikaw, magpili ka, kelan mo ba gustong mai-stop?

"Isang buwan? Dalawang buwan? Tatlong buwan? Apat na buwan? Ikaw, pili ka."

Dagdag ni Quiboloy: “Baka sa apat na buwan, hindi lang yung Probinsyano ang mai-stop, baka pati yung network mo stop na ‘yan.”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Pastor Quiboloy ay ang nakatakdang pagtatapos ng prangkisa ng ABS-CBN noong March 2020, o halos apat na buwan mula November 2019.

Nakabinbin pa noon sa Kongreso at Senado ang mga panukalang batas na naglalayong muling mabigyan ng 25-year franchise ang broadcast giant.

July 10, 2020, ibinasura ng 70 kongresista ang franchise renewal application ng ABS-CBN Broadcasting Corporation kaya tuluyan itong namaalam sa free TV.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla minced no words in his comment on ABS-CBN News's Instagram post about Apollo Quiboloy's indictment in the U.S. for sex trafficking.
PHOTO/S: Courtesy" @supremo_dp on Instagram / Pastor Apollo C. Quiboloy on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results